70th Fall
(Part Three)
August Eleven
Parang may pag iisip ay pakiramdam ko bigla nalang bumigat ang eroplanong palawit ng aking kwentas malapit sa dibdib ko. Wala sa isip kong hinawakan iyong pendant sa isang kamay habang nasa isa ko naman iyong laruang eroplano. Could it be? Could it be that this airplane toy was came from Jack? And he gave it to Aziel?
Paano ngayon, Alma, kung oo? Does it matter?
Tinimbang ko ang aking nararamdaman ngayon tungkol sa natuklasan ko. Nakakagulat na wala akong naramdaman na selos, sakit, panibugho o ano pa mang negatibong pakiramdam dahil dito. The good thing is, I felt relieved. Kasi...napatunayan kong, totoo ngang minahal din ni Jack ang kambal ko. Na hindi niya ito niloko. At least, nalaman kong...hindi lang si Aziel ang nagmahal noon. I'm glad they feel the same way in their own story.
"Saan mo 'to nakuha, Phi?" tanong ko at tumayo na.
"Sa base cabinet. Oh...ayos ka lang? Mukha kang nakakita ng multo-"
"Ibalik mo kung saan mo 'yan nakuha tapos samahan mo ako. May bibilhin tayo."
"Akala ko ba recycled material tayo? What are we doing here in mall?" reklamo ni Phia nang makarating na kami ng Coastalic Mall.
"Shhh!" sabi ko at hinila na lamang ang panay reklamo na si Phia papuntang escalator.
"Paano kita matutulungan kung 'di mo sasabihin sa'kin kung anong bibilhin mo?" medyo inis ng sabi ni Phia.
Binitawan ko ang kanyang palapulsuhan saka inayos muna ang paghinga bago siya sinagot. "Airplane toy."
Nakarating na sina Mommy galing sa pagbili ng birthday gown ni Craziel ay hindi pa rin kami tapos ni Phia sa ginagawang banner para bukas. Mga alas otso na siguro ng gabi bago namin iyon natapos.
"Ho! Sa wakas natapos din!" si Phia sabay unat unat ng mga brasong puno ng nasagihan ng pentel pen. Maging iyong mukha niya ay puno ng kumikinang na mga glitters.
I wore my contented smile as I watches our masterpiece. Tiningnan ko ang kamay kong puno rin ng glitters at glue. Maging iyong index finger ko ay napaso pa ng glue gun. Pero worth it naman! I'm excited for tomorrow!
Bago umuwi ay sabay sabay na kaming naghapunan kasama si Phia. Tahimik lang ako at panay ang kain habang nag uusap usap sila, kinukumusta ni Mommy sina Tita Gin at Tito Quen.
"We've been busy these past few weeks kaya hindi na muna kami nakaka bonding ni Ginine at Quen," si Mommy.
"Ganoon din sila Mommy, Tita."
"Pakikumusta nalang kami sa kanila, Delphia,"
"Of course, Tita."
"Ano'ng pinagka abalahan niyo kanina and you've been very busy as well?"
Nag angat ako ng tingin kay Mommy. Her firm and serious eyes intimidate me for telling the truth but I get the courage from the idea that Mom's fine with us. Kaya bakit pa ako nag aalangang magsabi ng mga bagay na may kinalaman kay Jack? Dahil siguro'y nasanay ako sa ideyang ayaw ni Mommy noon kay Jack, kaya ganoon.
"Gumawa kami ng banner para sa championship bukas, 'My," sabi ko sabay inom ng tubig.
"Para kay Jacksonn?" si Mommy na nagpagulat sa akin. Muntik na akong masamid.
"O-Opo. . ."
"Hmmm..." pagkatapos noon ay wala ng sinabi si Mommy kung saan malaki ang pagpapasalamat ko.
Matapos magdinner ay sinamahan ko muna si Manong Lito para ihatid si Phia sa kanilang bahay. Nang makabalik na kami ay mabilis akong nag shower at binagsak ang pagod na katawan sa kama. Pinilig ko ang ulo para tingnan ang banner slash surpresa na ginawa ko para kay Jack bukas. Dalawa iyong ginawa namin. Isa para sa buong XS team at isang banner na ekslusibong kay Jack lang.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomansaAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)