Kabanata Treinta y cinco

193 10 1
                                        

35th Fall

Heartless, Worthless

"Akala ko..." Hindi ko siya matingnan sa mata dahil sa maling akala ko. Pero sa kabilang banda, hindi ko maitatangging masaya ako. Akala ko kasi gusto niya si Sheeny. Pwede ko kaya siyang tanungin kung sino ang gusto niya?

"Hello, Tina. Can I ask for a favor? Can you buy a pair of clothes? Yes. Thank you..." Binaba ni Jack ang kanyang cellphone at sumulyap sa akin.

"Sino si Tina?" Matanong talaga ako. Masanay na siya!

"One of the maids..." he simply answered. "Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" he asked me.

Anong oras na ba? Tiningnan ko ang kaniyang wall clock at napansing ala una na pala ng hapon. Baka hinahanap na ako sa bahay. Pagtingin ko naman sa labas ay medyo malakas pa ang ulan. Valentine's na Valentine's e no? Siguro, bitter din ang panahon ngayon.

Binalik ko ang tingin kay Jack. "Alam mong magluto?" Nakangiti ako.

"Hindi. Oorder ako..." Kinuha niya ulit ang kanyang cellphone at may tinawagan. Hindi ko na siya narinig kasi lumabas siya ng kanyang kwarto.

Sinubukan ko kung kaya ko ng tumayo. Medyo masakit sa una pero noong tumayo ulit ako ay kaya naman pala. Nilibot ko ang kanyang kwarto. Pumunta ako sa malapit sa malapad at malaki niyang TV. Sa baba nito ay maraming mga tapes. Nagkalkal ako ng mga palabas na maaari kong panoorin pero wala akong nakita. Puro tungkol sa eroplano ang mga tapes niya. About pilots and etcetera. He really wanted to be a pilot?

Nangalikot pa ako ng ibang mga gamit ni Jack para makakuha ng iba pang impormasyon sa kanya nang tumunog ang cellphone ko. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papuntang kama kung saan nakapatong ang bag ko. Binuksan ko ang siper nito at kinuha ang cellphone. My mom's calling.

Tinanong na naman niya ako kung nasaan ako ngayon. Malakas ang ulan at hindi pa ako nakakauwi. Sinabi kong nasa paaralan pa rin ako at nakikisilong. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa bahay ako ng isang lalaki. Gusto ko pang mabuhay.

"I'm going to send Manong Lito there so he can fetch you."

Nataranta agad ako. "No. Huwag na, 'my. Tutal ay titila rin naman ito mamaya. Baka matraffic pa kami sa daan..." I lied.

Narinig ko ang buntong hininga ni mommy. "Right. I forgot also that Manong Lito is sick right now."

"Kumusta po siya?"

"He's being take care by Henra. Get home Alma as soon as the rain subside. You get me?"

When you have a strict mother tho. "Opo, mommy..." The phone clicks off.

Tapos nag ring ulit. Pagtingin ko, it was an unknown number. Nag aalangan ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero naisip kong baka importante kaya sinagot ko na lang. Hindi muna ako nagsalita nang inilagay ko ang telepono sa aking tenga.

"Alma. Thanks you answered." Napakunot ang noo ko. The voice is familiar!

"Guarry?" I tried my luck. When I heard him laughed I confirmed it.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon