Kabanata Setenta (i)

213 7 0
                                        

70th Fall
(Part One)

August Eleven

AUGUST. Ang buwan na ito siguro ang pinaka-eventful na buwan para sa akin. Both good and bad. Dahil sa loob ng buwan na ito ay maraming nangyari. May masasaya at malulungkot na pangyayari. How can you believe that within this month, I've lost my other half, I've lost my twin. Na noong nawala siya ay pakiramdam ko nawala rin ang kapiraso ng buhay ko. Ngunit sa kabila noon, ay sa buwan ding ito ibinigay sa akin ang dalawang tao na itinuturing kong biyaya sa buhay ko. Craziel and Jack. Nawalan man ako ng isang taong sobrang napakahalaga sa akin, may dalawang tao namang ipinalit ang Panginoon para sa akin. Although, I won't wish to lost someone in exchange for gaining another one.

"Alma..."

Nanatili akong nakatayo habang pinapanood ang paglapit ni Guarry sa amin. Humigpit ang kapit ng maliit na kamay ni Craziel sa akin. Huminto lamang si Guarry nang nasa barandilya na siya. Gusto kong panatilihin ang panlalamig ngunit mas namamayani sa puso ko iyong sakit at awa habang nakatingin kay Guarry.

He's a complete mess. Wala na sa postura niya ang dating gentle at palangiting Guarry na nakilala ko. Sobrang gulo ng kanyang buhok. And there are already stubbles growing on his chin. There are dark circles under his lonely eyes. Pero kahit ganoon, hindi pa rin maiitatanggi ang kakisigan at kagwapuhan niya.

"Guarry..."

Nang nakaupo na kami sa Visitor's Hall, ay nakakabinging katahimikan din ang namayani sa amin. I watched silently, as Guarry's eyes remained locked at Craziel's curious ones. Sa mga segundong lumipas ay parang walang gustong bumasag ng katahimikan. Bawat tunog ng isang segundong nagdaraan ay kapantay ng bawat pagtibok ng walang kasiguraduhan sa dibdib ko.

My mouth was tightly shut as I sat, staring deeply at his soul. As if I am reading his thoughts, but they're quietly guarded. I waited patiently. Hinayaan ko siyang ayusin ang kanyang mga iniisip para kapag nagsalita na siya ay maayos na ito at organisado. Ayaw kong magbitiw siya ng isang pagkakamali, lalong lalo na sa harap ng kanyang anak.

At last, after a long agony of cold silence, Guarry finally spoke.

"You have your mother's eyes, Craziel..." hindi nakatakas ang pait sa kanyang ngiti.

Kupas ang kislap ng mga mata niyang nakatuon sa kanyang anak. Unexpectedly, my heart ached, mirroring the pain on Guarry's face. Ang mga kamay niya ay nasa kanyang mga hita lamang at mukhang wala siyang balak na lapitan o hawakan man lang si Craziel kagaya ng inaasahan ko.

"Are you my Daddy? My real Daddy?" Craziel asked innocently and suddenly.

Pinanood ko ang pagsilay ng mapait na ngiti sa labi ni Guarry. His lips seem so tired to cast a genuine smile. Nagtama ang mga mata namin. Pinakiramdaman ko ang kanyang sasabihin. Bahagyang nanliit ang mga mata ko bilang babala.

"He is, Craziel," inunahan ko na ang kung ano mang isasagot ni Guarry.

May nalasahan akong pagpapasalamat sa mukha ni Guarry pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

"Then why are you here? Mga bad people lang ang napupunta dito. Are you bad, Daddy?" Craziel asked again.

Humugot nang malalim na hininga si Guarry. Halata ang sobrang paghihirap sa kanyang ekspresyon. He's doing his all efforts to conceal his real emotions but doing it poorly. Umusbong ang awa sa akin. I understand how he's feeling kahit hindi na niya sabihin sa akin. Kahit sa loob lamang ng konting panahon na nakasama ko si Guarry, we somehow built a homologous understanding between us. He's so very transparent for me.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon