Kabanata Veintiseis

180 9 5
                                        

26th Fall

I'm Sorry

"No. More like a pair of a brassiere and a panty..." Jack sarcastically answered that made my face turned bright red. Jackass!

"Pervert!" naibulalas ko nalang pagkatapos makabawi dahil sa sinabi niyang hindi ako makapaniwala.

Narinig ko na naman ang halakhak ng kanyang Kuya sa tabi ko. He's really enjoying this one!

"No, Alma. He's not a pervert. He's a maniac." tumaas baba ang kilay ni Xillas Aragon habang nakatingin sa nakakunot na noo ng kapatid.

Umiling lamang si Jacksungit habang nakataas pa rin ang kilay na nakatingin sakin. Ano bang problema ng lalaking 'to sa suot ko?

Bawal na bang mamili ng naka pajama lamang ang suot? Ipinagbabawal na ba iyon ni Duterte at hindi ko nalalaman? Jusko, ha. Mukhang hindi ata ako updated.

"By the way," malamig na baling ni Jacksungit kay Kuya Xillas. "Why did you call me?"

Napansin ko ang bahagyang pagsulyap sa akin ni Kuya Xillas bago ito lumipat sa aking mga pinamili. Binalik niya ang tingin kay Jacksungit na parang hindi na makapaghintay kundi ang makaalis na sa harapan ko. He dislikes me that much, huh? Parang may kumirot sa dibdib ko pero mas pinili ko na lang na huwag iyon pansinin. Kailangan ko na talagang masanay na ganito ang trato ni Jacksungit sa akin. Na parang katulad lamang ako ng mga babaeng nakilala niya, gaya ng kanyang sinabi. Na kahit kelan hindi niya ako tatratuhing iba. Kasi hindi ako si Rose Belle. Hindi ako si Yvonne. At mas lalong hindi ako si Sheeny. Ako lang naman si Aldressa Maia Veñez na pilit na isinisiksik ang sarili sa taong patuloy na man siyang tinutulak palayo. Isang Alma Veñez na desperada na makaramdam ng kahit man lang sana ni katiting na pagmamahal mula sa isang Jack Aragon.

Napangiti na lang ako ng mapakla ng saglit na dumapo sa akin ang malamig na tingin ni Jacksungit. Kaagad din siyang umiwas na parang wala lamang ako doon. Ang sakit.

"Pwede mong sabayan itong si Alma. Help her carry her groceries, total ay wala ka namang dala." ani Kuya Xillas.

Nagtataka akong tumingin kay Kuya Xillas. "Ayy. Huwag na Kuya. Kaya ko naman ito..." kaagad kong sabi. Napansin ko kasi ang pagtigas ng ekspresyon ni Jack nang marinig ang sinabi ng kanyang nakakatandang kapatid.

Gaano ko man kagusto ang ideyang iyon ay natatakot akong mas lalo niya lamang akong ipagtulakan palayo kapag pinilit ko pang manghimasok sa buhay niya. Ayos na sa aking nakikita ko siya. At nakakausap man lang kahit saglit na hindi niya lantarang pinamumukha sa akin na ayaw niya. Na gusto niya akong itulak palayo...

Iling lamang ang isinukli ni Kuya Xillas sa akin. Ipinukos nito ang ma awtoridad na tingin kay Jacksungit na nanatili ang nakakunot na noo. "You know I can't, Kuya. I have a game for goodness' sake..." sinabi ni Jack.

I smiled shyly. "Ayos lang naman-"

"No. We both know that you can cancel that game anytime, o pwedeng hindi ka nalang pumunta. Be a gentleman, bro. Mahiya ka naman dito kay Alma," ibinaling ni Xillas ang tingin sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid.

My heart starting to hammered inside my chest. The thought that I'm going to be with Jack Aragon again makes me uneasy. My system is shaking when I'm with this man. And it's just so unfair.

"I can go with Sheeny, Kuya. Ibigay mo sa akin iyang mga teddy bears..." inabot ni Jack ang mga supot na nasa kamay ng kanyang Kuya ngunit iniwas lang ito ng isa.

"No. I'll deal with her. Sumama ka kay Alma. Samahan mo siya." pagmamatigas ni Xillas.

Halos marinig ko ang matigas na mura ni Jack bago bumigay. "Fine," matigas niyang sinabi. Para bang mabigat talaga ang loob niya kahit pumayag naman siya.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon