Kabanata Diecisiete

181 6 0
                                    

17th Fall

Favorite Hello

"I'll drive you home," aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na siya mismo ay gusto akong i hatid ng bahay. Magsasalita na sana ako nang naunahan ako ni Joe.

Napaiktad pa ako nang ginapang ni Joe ang beywang ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Halata din ang paniningkit ng mga mata ni Jack habang nakatingin sa kamay ni Joe na nakahawak sa aking beywang. "Ako na maghahatid sa kanya." Sabi ni Joe.

Ramdam ko na natigilan si Jack. Kinagat ko ang labi at tumingin na lamang sa baba. I can't look at him in the eye. It's... It's scary.

"Do you know where's her home?" May pagbabanta sa boses ni Jacksungit.

Pinilit ko ang sariling i angat ang tingin sa kanya. Hindi ko dapat ipakitang natatakot ako sa kanya. Na ang lakas ng epekto niya sakin. No.

"Ituturo ko nalang sa kanya," ako na ang sumagot. Nagtatapang tapangan sa harap niya. Pero 'yung totoo, kanina pa nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga malalamig at tagos tagusan niyang mga tingin.

And I know, deep inside, I'm silently wishing him to insist. To contradict.

Na sana ipilit niyang siya ang mag uuwi sakin. Pero ano pa nga bang aasahan ko?

"Well then. Drive safely." Maya maya ay sinabi niya at nauna na kaming tinalikuran.

Bumagsak ang pag asa ko. Nakaramdam ako ng lungkot. You really are a hard hearted man, Jack Aragon. Hindi ko malaman kung paano kita paaamuin.

"Tara?" Nagpatianod nalang ako kay Joe. Tahimik na ako hanggang sa makababa kami ng mansion nina Kai.

Wala pa iyong kotse niya, so it means hinahatid niya pa si Phia. Nang nasa may parking space na kami ay hindi ko maiwasang sundan ang papalabas ng grey Mitsubishi Mirage ni Jacksungit. Humigpit ang hawak ko sa dala dalang regalo ni Joe sakin.

"Alma! Let's go..." Napabaling ako nang tawagin ako ni Joe. Nakita ko siyang naghihintay sakin matapos niyang buksan ang passenger's seat.

"Salamat," sabi ko nang makapasok na sa kanyang blue Mazda 3. Sinarado na niya ang pintuan at umikot pabalik ng kanyang driver's seat.

Binuhay niya ang makina at pinaandar. Hanggang sa nasa kalsada na kami ay tahimik lang ako. Ramdam kong mayamaya ay sinusulyapan ako ni Joe.

"Hey, you're silent..." Pagbabasag niya ng katahimikan. Tumingin ako sa kanya but his eyes are now on the road.

"Pasensiya na. May iniisip lang," lumunok ako at sumandal ng backrest.

"Sinong iniisip mo? Si Jack?" Humalakhak siya.

Hindi ako makasagot. Parang tinali na 'yung dila ko, e. Kaya kahit gusto kong itanggi, alam ko namang wala na 'yung silbi. Alam na ni Joe.

Speaking of Jack...

Umayos ako ng upo at binaling ang atensyon kay Joe. "Joe, may itatanong lang sana ako. Pwede?"

Mula sa driver's seat ay sinulyapan niya ako. Nakareplika sa mga mata niya ang mga Christmas series ng bawat bahay na aming nadadaanan.

"Sure, spill it."

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Ano bang mga gusto ni Jack?" Tanong ko.

Ilang segundo pa ata siyang nanahimik bago ako sinagot. "For how many years that we've been friends, I can say that I don't know him completely. Masyado siyang masekretong tao, Alma...but I can tell you the basic information I know about him..." Lumiko si Joe sa isang kanto.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon