4th Fall
Pasulyap sulyap
Mabait ako sa taong mabait. Pero, hindi ko kayang magpakasanta sa taong feelingero!
Nangangalaiti ako sa inis. Kinagat ko nalang ang labi ko dahil sa nararamdamang sakit sa balakang. Tinulungan akong tumayo ni Joe. "Salamat..."
Tumango siya at ngumiti. "No probs, Alma." He then winked.
Napailing nalang ako.
Agad namang lumapit si Phia sakin, nag aalala ang mukha. "Ayos ka lang Al? Kilala mo pa ba ako?" Iwinasiwas pa niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko.
I rolled my eyes heavenwards. "Duh! Wag OA Phi, ha?" Bumuntong hininga ang loka loka, napahawak pa siya sa dibdib niya.
"Hay. Thanks God at kilala mo pa ako." Sinapak ko na nga.
"Aray naman!" ariba ni Phia. Umismid ako.
"Loka ka talaga." sabi ko.
Tumawa siya. "Mana lang sayo, wag ka..." Tinaasan niya ako ng kilay at mayamaya ay ngumisi nang makahulugan.
"But, I'm careful. Not like you, careless ka..."
Sarap bangasan ni Phia at ibangga sa bungo ng Jack na iyon e! Parehong pareho sila. Tss.
"Heh! Tigilan mo ako, Phia. Don't ever mention that careless word. Naiinis lang ako." Mas lalo lamang lumapad ang nakakalokong ngisi na nakaguhit sa mukha ni Phia.
Argh! Nakakainis!
"Aysus. Ang sabihin mo lang, may naalala ka. Hmm..." Biglang sinundot ni Phia ang tagiliran ko kaya agad akong napaiktad. Ang lakas kaya ng kiliti ko dun!
"Phia, ha, I'm warning you! Tigilan mo ako!" Pero, imbis na matakot ay tumawa lang si Phia. Ghaaad! Is she really my friend?
"Ayiee. Apektado!" Tawa siya nang tawa habang tinuturo ako.
Hindi ako pikon. Hindi talaga. Ahhh! Hindi!
"Babangasan kita, Phi pag hindi mo ako tigilan. Isa." I said in a warning tone.
"Dalawa," aniya naman, natatawa.
Konti nalang talaga iyon e. Konting konti nalang, nasapak ko na si Phia sa inis ko sa lalaking iyon at sa pang iinis niya sakin, kaso may biglang tumawag at lumapit sa upuan kung saan kami nakaupo.
It was Kai. Tumigil sa pangungulit si Phia kung saan tahimik naman akong nagpapasalamat. "Oh? Bakit?" Agad na tanong ni Phia nong nasa harap na talaga namin si Kai.
Kai smiled. "Gusto niyo ng maglaro?" he asked.
Tumingin si Phia sa direksiyon ko. Inirapan ko nga. Tse. Di kami bati.
Ngumiti ako kay Kai. "Yup. Tara?"
"Okay ka na? Well, you can go home if-" pinutol ko na kung ano man ang planong sabihin ni Kai.
"Gusto kong maglaro. Tapos papauwiin mo ako?" Kai laughed. Nagkibit siya ng balikat sakin.
"Oh, well. If you insist then..."
Pumunta na ako sa kabilang bahagi ng net. Kagrupo ko sa laro ay si Kai, si James, Ejay at Ray. Lima kami. Sa kabilang linya naman ay sina Phia, Circo, Xinna, Joe at ang antipakong si Jack.
Ako ang unang mag iispike ng bola. Pumunta na ako sa nararapat kong linya para tumira.
My group team cheered my name. Tumawa ako.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
Lãng mạnAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)