Kabanata Veintinueve

182 8 0
                                    

29th Fall

Gusto Kita

You picked a perfect guy, Alma.

Habang naglalakad papalabas ng bahay ay iyon ang nasa isipan ko.
I'm just like...wtf did just happen?

Ang daming nakakagulat na pangyayari ngayon sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano ko sila pagsasabay sabayin sa pag sink in sa utak ko.

Lahat ng mga sinabi ni mommy sa akin.

Ang biglaang pagsulpot ni Guarry sa bahay namin.

Ang you picked a perfect guy spiel ng nanay ko.

Jusme naman. Minsan na nga lang pumayag si mommy na  ayos lang na may magustuhan akong lalaki, iyong maling tao pa ang nakilala niya. E hindi naman si Guarry ang gusto ko.

"Guarry," tawag ko sa kanya habang papalabas na kami ng gate.

Nakangiti niya akong nilingon. Ngayon ko lang talaga narealize na may lahi talaga siyang espanyol. Ang tangos ng ilong, e. Tapos matipuno pa. Ang laki ng mga braso. "Yes, Al?"

Kinilabutan ako sa sobrang lambing ng boses niya.

Hinarap ko siya nang nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. Kami lang ang taong nasa labas ng subdivision ngayon total ay gabi na.

Humalukipkip ako. "Paano mo nalaman ang bahay ko?" sabi ko.

Kasi ang inaasahan kong dadating ay si Joe dahil siya naman talaga ang nagsabing pupunta siya dito tapos magugulat nalang ako na iba pala ang dumating.

"Joe told me to pick you up because he thinks he might not make it," sagot niya sa akin.

Titig na titig siya sa mukha ko habang nakasandal sa nguso ng kanyang pulang sasakyan. Napaiwas ako ng tingin kaya narinig ko siyang tumawa.

"You're as gorgeous as you are, Alma, especially tonight..."

Kahit malamig na ang gabi ay ramdam ko pa rin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa kompliment ni Guarry.

Simple lang naman ang damit ko ngayong gabi para sa party. It's a knee-length white dress.

"Kulang nalang ng pakpak at iisipin ko na talagang nakakita na ako ng anghel na bumaba sa langit," he smiled.

"Ang gwapo mo na rin Guarry..." nag iinit ang pisngi kong sinabi.

"Let's go?" aniya matapos humalakhak.

Tumango ako bago tuluyan nang pumasok ng kanyang sasakyan. Sinarado niya ang aking pintuan bago lumibot para umupo sa driver's seat.

"Ready?" tanong niya at sinulyapan ako.

Napanguso ako nang may maalala sa linyang iyon. I buckled my seatbelt first before sighing. "Ready," sabi ko.

At least natuto ako sa sinabi ni Jack.

Tahimik ang naging byahe namin pero abot abot ang tahip ng dibdib ko. I'm nervous just because I'll see him again! And his home.

Sumandal ako sa sandalan at nag isip.

Kanina kaagad akong pinayagan ni mommy na sumama kay Guarry. Sinabi lamang ni Guarry na may party kaming dadaluhan at gusto niya akong isama. Nanatili sa isip ko ang matamis na ngiti na nakaukit sa labi ni mommy habang masaya silang nag uusap kanina ni Guarry. Ikwenento ni Guarry kay mommy kung paano kami unang nagkita at nagkakilala.

Tawang tawa si mommy nang ipakita ni Guarry iyong stolen shot niya sa akin noon sa park na nakaupo habang sarap na sarap sa pagkain ng mangga. Mom called me 'yagit' because of that picture.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon