47th Fall
Attempt
"Bumalik na tayo sa taas, Jacksungit. Ang init rito..." reklamo ko sabay paypay ng aking sarili. Ngayon ko lang talaga naramdaman ng lubusan ang tama ng init sa aking balat.
Hindi muna umimik si Jack. May kinuha siya sa kanyang likuran. It's an handkerchief. Inabot niya iyon sa akin saka mabilis na nag-iwas ng tingin.
Ngumisi ako saka tinanggap ang kanyang panyo. "Thank you," sabay punas ng pawis sa aking noo.
I can sense that he's not that comfortable after our moment. And I do understand. Kaya kong maghintay hanggang dumating ang araw na komportable na talaga siya sa akin.
Sabay kaming naglakad papaalis doon sa harap ng restaurant. Doon ko lang napansin na marami pala ang nakatingin sa amin. Oh god...
I cannot stop myself from smiling from ear to ear thinking that I am actually walking beside this man I love the most. It feels amazing!
Sekreto kong inamoy ang panyong ibinigay niya and it smells like him. Kaagad ko iyong binaba para hindi niya mapansing inaamoy ko iyon. The cold pendant hanging in my neck swirled when I put my hands down.
"Miss A! Jack, dude!"
Nakipag bro fist si Jacksonn kay Joe at iba pa nitong kasama nang dumaan kami sa kanilang mesa malapit sa pool.
Nakipag-usap si Jacksonn kina Ejay at James. Iyong mga babaeng naka-bikini ay panay ang tawa at sulyap kay Jack. I tried my very best not to raise my eyebrow at them.
Si Joe naman ay bumaling sa akin. Mapupungay na ang mga mata nito ngunit matayog pa rin ang pagkakatindig. Kanina pa kaya sila nag-iinom.
"Wow. Is that an...an airplane necklace?" Joe's voice full of enthusiasm when he asked me. His long finger pointed at the necklace I'm wearing.
I felt Jack's dark eyes bore into mine kahit panay ang salita ni Ejay sa kanyang tabi.
Hindi ko maiwasan ang pag-init ng aking pisngi. "Uh, yeah..." sagot ko kay Joe saka nag-iwas ng tingin.
Kumunot ang aking noo nang humalakhak si Joe sabay palakpak ng malakas. Tumalikod siya sa akin at lumapit kay Jack na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. Binigyan ni Joe ng malakas na tapik sa balikat si Jack. Panandaliang nalipat kay Joe ang kanyang tingin.
Lumunok ako at napatingin doon sa mga babaeng kainuman nila Joe na ngayo'y nakataas na ang kilay sa akin.
"Whoa! Congrats, Jack! Nagising ka rin!" sabay halakhak ni Joe. Maging sina Ray at Jason ay napatingin na rin sa banda ko at sabay na ngumisi.
Humalukipkip ako habang pinapanood sila. Wala akong kaideya-ideya kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Shut up, fuckers!" Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ni Jacksonn, kahit iyong mga babae ay humagikhik.
That guy is mine, bitches!
"Excuse me, dudes. Iaakyat ko lang si Alma..." pagpapaalam ni Jacksonn sa mga kaibigan niyang ikinatigil ko.
The boys smirked grow larger. "Be gentle, Jacksonn..." makahulugang sinabi ni Joe na sinuklian ng masamang tingin ni Jacksonn.
"Huwag mo akong itulad sa'yo, Rojas,"
Tumawa lamang si Joe.
Sinulyapan ako ni Jacksonn saka tinanguan. Ngumiti ako at nagpaalam muna kina Joe bago sumunod kay Jacksonn.
"Anong gagawin natin sa taas, Jacksungit?" tanong ko nang makapasok na kami ng lobby. The receptionist followed Jacksonn's moves.
"Anong gusto mong gawin natin sa taas?" tanong niya pabalik na nagpalaglag ng aking panga. Ako lang ba ang nag-iisip ng hindi maganda sa sinabi niya?
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)