Kabanata Doce

193 8 0
                                    

12th Fall

He smiled

Nanatili akong nakatayo doon. Nakadikit ang mata sa mga pangyayaring nakahain sa harapan ko.

Wala na si Sheeny, tuluyan ng pumasok sa kanilang bahay. Nakita kong papasok na rin si Jack pabalik ng kanyang kotse.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagsimulang maglakad. Nagulat ako noong hindi pa umaandar ang kotse ni Jack. Hinanap ko siya at halos mahulog ang puso ko nang makitang nakatingin na pala siya sakin.

Para akong nabato sa kinatatayuan. I don't know why I am reacting this way...

Nakipagtitigan pa ako sa kanya bago naisipang tuluyan nang lumapit. Nakatanim ang malalalim niyang mata sakin. Para nanghihina tuloy ang mga tuhod ko dahil sa kanyang paninitig.

Akala ko aalis na siya. Akala ko kapag lumapit ako ay iiwas na naman siya. Kaya noong papalapit na ako ay nilihis ko ang direksiyon ko. Nilampasan ko siya. Bukod doon ay muli ko na namang naalala ang pinaggagawa ko sa Palawan at tinablan na naman ako ng hiya!

"Tsk." Napangisi nalang ako nang marinig ko siyang nagsalita. Salita na 'yun para sakin. Ang tipid niyang magsalita, e! O, baka sakin lang?

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa may narinig akong tumahol. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Mayamaya ay tumahol na naman pero ang lakas na at pakiramdam ko ang lapit nito sakin.

Umusbong ang kaba sa dibdib ko. Jusko, sabi na e!

"AW! AW!"

"WAAAH!" napasigaw na ako sa gulat at wala sa sariling bumalik kung nasan si Jack at napahawak sa kanya. Nagtataka naman niya akong tiningnan.

"What happened to you?" Naguguluhan niyang tanong. Papasok na pala siya ng kotse niya, nakabukas na nga 'yung pintuan e, pero napatigil siya dahil sakin.

Nanginginig ang kalamnan ko at labi. "Yung...may..." Ni hindi nga ako makabigkas nang maayos! Susmeryosep! Ang lapit na 'nun kanina! Akala ko matutuklaw na ako!

"What?" May diing tanong sakin ni Jack. Mukhang naiinis na nga sakin ang sungit, e. Napatingin pa siya sa kamay kong... oh, well, agad akong napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang braso. Nagusot ko pa ang jacket niyang suot!

Hinanap ko kung nandoon pa ba 'yung aso, nakahinga nalang ako nang maluwag nang wala na akong makita.

"Hay, salamat..."

"The fvck? I'm asking you," napatingin ako kay Jack. Nanunuot ang kanyang mga tingin. Nakaigting pa ang kanyang bagang.

Napaatras tuloy ako sa kanya. Naku, baka suntukin niya ako e. Ang sama makatingin! "W...wala, sorry..." Sabi ko.

Nakita ko ang unti unting pagsilay ng nakakapanindig balahibo niyang ngisi. "Wala? Ba't bigla bigla ka nalang nanghahawak dyan? Tsk. I know that style very well..." Aniya.

Napataas ako ng kilay. "Anong ibig mong sabihin dyan, aber?" Humalukipkip ako.

"You know what's that means, don't pretend like you don't understand." Malamig niyang sabi.

Napasinghap ako. "Alam mo, ang labo mo talagang kausap kahit kelan. Nagtatanong ako kasi hindi ko alam 'yang sinasabi mo, tapos sasabihin mong alam ko?" Asik ko.

He just stared seriously to me. "What are you fighting for then?" Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay.

Bumuga naman ako ng hangin. "Jusko! Ewan ko sa'yo! Wala kang kwentang kausap," umirap ako at nagsimula ng maglakad papuntang bahay.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon