25th Fall
Jack Ass
"What do you think is the time now, Aldressa?"
Malamig na boses ng ina ko ang unang bumungad sakin pagkabukas ko ng pintuan.
Kalalapag niya pa lamang ng tasa ng tsaa sa mesa ng sala. Mula sa pagkakaupo sa may pinakamalaking sofa ay tumayo si mommy.
Nag aalangan akong lumapit para magmano.
Nanatili ang nanunuring mga mata ni mommy sakin. Hindi ko naman siya deretsahang matingnan sa mata.
"What happened to your arms?" naningkit ang mga mata niyang dumapo sa aking braso na may band aid.
Plano ko sanang takpan iyon ngunit wala na rin namang saysay.
Kinuha ni mommy ang braso ko. "What happened, Aldressa?" mas may diin ng tanong ni mommy. May halong pagbabanta na ang kanyang boses.
Kinagat ko ang labi sa pag iisip ng pupwedeng ipalusot. I couldn't bring to tell her that I got it from a cheap cat fight! I'm one hundred percent sure she wouldn't like it.
"Uh...sumagi po ito sa matalim na kahoy doon sa simbahan, mom..." palusot ko.
Mas kumunot lalo ang kilay ng nanay ko at ibinaling ang nanunuring mga mata sa akin. Napalunok ako. Sana lang ay hindi niya mabasa ang naiisip ko.
Mayamaya ay bumuntong hininga siya at binitawan na ang aking kamay. "Next time, please manage to be more careful, Alma..."
Mabilis akong tumango. "Opo..." sabi ko.
"And do you think this is the proper time for a girl like you to get home?" ani mommy.
"Sorry na, mom. Hindi ko na po namalayan 'yung oras..." mahina ang boses kong sinabi.
Kahit noong nasa Cali kami, mom is really strict about us. Iyong tipong wala kaming night life dahil hindi niya kami pinapayagan ni ate Zammi. Maraming beses ng may nag imbeta sa amin na sumama sa kanila sa mga club pero hindi talaga siya pumapayag.
Ngayon lang ata siya nag loosen up at pinapayagan ako.
"Hindi dahil pinapayagan na kita ay aabusuhin mo. Go upstairs and change your dress so you can rest..." biglang lumambot ang boses ni mommy.
I smiled a little. "Opo, 'my..."
Alyenna Veñez is strict but I know she loves us so much.
Humakbang na ako papataas. Kalagitnaan ng hagdan ay tinawag ako ni mommy.
"Hindi ka na kakain?" aniya.
Umiling ako. "Hindi na po, mommy. Matulog na rin kayo. Good night! Love you..."
"Good night," mom replied.
Nang makapasok ng kwarto ay mabilisan ang pagbihis ko. Matapos mag half bath ay bagsak ang katawan ko sa kama dahil sa sobrang pagod.
The following days went to normal again. Nasa bahay lang ako at binabantayan si Craziel hangga't malaya pa ako. Dahil kapag pumasok na ako ng paaralan kailangan ko ng maghanap ng pupwedeng magbantay kay baby C.
Hindi pa rin ako nabibisita ni Phia dahil busy siya sa pag aaral. Malapit na daw ang exam nila. So it means, pati sila Jack ay ganun rin.
I'm curious. Paano kaya si Jack kapag nasa paaralan siya? Nakikinig kaya siyang mabuti? Matataas ba ang mga grado niya? Is he the school guy type? Or the varsity only guy? Iyong pagpapagwapo lang sa kababaihan ang alam...
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomansaAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)