13th FallFavorite Picture
Two days before Christmas, gaya ng sinabi ko, dinala ko ulit si Craziel sa park. Pero sinama na namin si Yaya Monay, in case lang.
"They are all amazing, tita!" Manghang sabi ni C habang nakatanga sa isang mataas at nagniningning na rebolto ni Jesus Christ.
She loosened up her grip in my hand and step forward. "Papa Jesus is big!" Tumawa ako sa manghang reaksyon ni Craziel.
See? She enjoyed it!
Lumibot pa kami upang makita ang iba’t ibang Christmas displays and decorations. Hanggang sa humingi na ng time out si Craziel.
"Ma'am, napagod ata..." Ani Yayang Monay.
I just smiled and nodded. "Tara, upo muna tayo ng bench," marami pa kaming nakatagpong mga mamasyal din bago nakarating sa mauupuan.
"Taho kayo dyan, taho!" Saktong pagkaupo namin ay may dumaang magtataho.
"Magandang binibini, kumakain kayo ng taho? Ito’y masarap!" Nakangiting kausap sakin ng manong.
Nakita kong tumango si Monay. Si Craziel naman ay tahimik na nakatitig sa lagayan ng taho. "Nakakain na ho ba kayo niyan, ma'am? Masarap po 'yan," nakangiting sabi sakin ni Monay.
Sunod sunod namang tumango si manong mangtataho. "Masarap talaga! O, magkano sa inyo?" Aniya at binuksan ang aluminum na baldeng dala dala.
Nagpanic naman ako. Hindi ko nga alam kung bibili ako, e! "Let's try, tita?" Dinungaw ni Craziel ang laman ng balde.
May lumapit sa parte namin. "Dalawang tag dyes nga manong," sabi noong lalaki, samantalang nanood lang iyong girlfriend niya ata sa pagtatakos ng manong.
I also watched. Kumuha ng dalawang plastic cup si manong. Saka doon nilagay ang puting something doon, hindi ko alam ang pangalan, e. Nang malapit na itong mapuno ay binuksan niya ang isa pang baldeng aluminum na naglalaman ng sauce na parang toyo at mga bilog na mga gulaman. Sumunod pa ako ng tingin habang nilalagyan ni manong ng gatas ang baso. Mukhang masarap, a!
"Tara, bili din tayo,"
Gusto kong subukan. Hindi pa ako nakakakain nito, e. Tumalon si Craziel mula sa pagkakaupo at lumapit doon sa nagbebenta ng taho. "Three cups of ten, manong!" Aniya at nilahad ang perang pambayad.
Nakita ko ang bahagyang pagtitig ng manong kay Craziel. "Aba, sosyal na bata..." Nakangiti niyang sabi bago tumingin sa aming dako. Nagkamot pa ito ng ulo. Natawa nalang ako.
"Tatlong baso po ng tag ten manong..." Pagtatranslate ko.
Agad naman siyang napatango. "O, siya..." At nagtakos na.
Narinig ko pang tumawa si Monay sa tabi ko samantalang nakakunot naman ang noo ni Craziel. Her eyes were curious while looking to us. Nagkibit ako ng balikat sa kanya habang nagngingiti. Cute ng baby ko.
"Minsan ko lang marinig magtagalog 'yang si Craziel," pagsasalita ni Monay sa aking tabi. She’s looking adorably at Craziel.
I smiled at little. "Ilang taon ka na ulit, Monay?" Sa paningin ko mga nasa mid-thirty na siya.
"Twenty three po,"
Tumango ako. She's still young, tho. "Nasaan family mo?" Tanong ko ulit.
"Nasa probinsya..." Sagot niya. "Matagal tagal na rin simula noong umalis ako. Kaya gusto kong bumisita doon kapag may pagkakataon," tumingin siya sakin. Sadness is evident from her eyes. I can almost feel her loneliness, too.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...