Kabanata Setenta (ii)

158 9 0
                                    

70th Fall
(Part Two)

August Eleven

It's funny how tricky fate played its game very well. Mas mapaglaro lang siguro sa akin. Anong ginawa ko kay Agosto para gawin niya ito sa akin. Nevertheless, I'm all grateful. These consecutive important events that will occur isn't a coincidence, it is my destiny. A fate that have marked both my past, my present and my future. And that indeed, I should be grateful.

As my most awaited week rapidly approaches, I can't help myself to be anxious. Hindi ko alam kung bakit. Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong nanonood ng practice nina Jack at napapansin kong walang kupas talaga ang kanilang galing. I am confident that XS team will win, as they did last year of championship. Sa tuwing natatapos ang kanilang ensayo ay ihahatid ako ni Jack pauwi, not failing to give his farewell flower for the night.

This week is the school's Intramural Meet kaya wala ng pasok. Kahapon ang laban ng volleyball at ang SLU ang nanalo. Kasali nga si Phia sa team. Hindi ako nakasali ngayong taon sa volleyball team dahil sa maraming bagay na nakaukopa sa isipan ko. Maybe next year, I'll consider joining the sport's team.

Nang umihip ang pang umagang hangin ay napapikit ako. The gentle swish of the flower bunches around me filled my ears like a mellow music. And thinking those flowers came from Jack made it to be my favorite morning song.

Panay ang pag alon ng aking buhok habang nakatukod ang mga siko sa estante ng aking veranda. Breathing calmly, I removed my eyes to the pristine view of our distant pool and transfixed it upon the silvery shining jewel clasped in my hands. Nang matamaan ng umagang araw ang eroplanong pendant ay kumislap ito. Its glittering rays bent westward.

"Maybe, it's time to wear you again."

Nang masuot ko na iyong kwentas ay saktong may kumatok sa aking pintuan.

"Miss Alma, breakfast na po." aning katulong namin nang buksan ko iyong pinto.

Tumango ako. "Sige..."

Bago bumaba ay tiningnan ko muna ang aking cellphone. Halos lumukso ang puso ko nang makitang may mensahe si Jack. May picture din doon.

"Good morning, my careless miss." the message read.

In-scroll ko pa iyon pababa para makita ang iba niya pang mensahe. Kumunot ang noo ko nang makitang 3:47 AM niya pa sinend iyon. Too early!

Ang sumunod na mensahe ay mga 4:50 na ng umaga. A picture of his shoes with his hairy legs flat on the stoned pavement. Hindi ko alam kung saan ito. Siguro ay isa sa mga court kung saan man sila nag ensayo.

"Need to wake up early for the training. You're still asleep, huh? Text me once you wake up."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sweet din pala ng Sungit Boy na ito.

Me:

Good morning, Jacksungit! Mag breakfast kana.

Ilalapag ko na sana iyong cellphone pabalik ng study table nang kaagad itong tumunog. Muntik ko ng mabitiwan iyon nang mag flashed sa screen ang pangalan ni Jack. Wala sa sariling inayos ko ang buhok ko. Tapos narealize kong hindi naman pala ako makikita ni Jack ay boses ko nalang ang inayos ko. Mga tatlong beses akong tumikhim bago sagutin iyong tawag.

"Ba't ang tagal mong sumagot?" pambungad niya sa akin.

Napanguso ako. "Kagigising ko lang kasi."

"Hindi naman kita pinuyat kagabi,"

His reply took almost a minute for me to comprehend well. Ano ba ito. Bakit nabeberde itong utak ko?

"Oh, ba't ka tumawag?" pag iiba ko ng usapan. Mabuti nalang at hindi na pinilit ni Jack iyong naunang topic.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon