Kabanata Diecinueve

197 6 0
                                        

19th Fall

Take Chances

"Mommy, kumusta?" Naka uniform pa ako galing school dahil sa biglang tawag ni mommy sakin. Sinasabing isinugod na ng hospital si Aziel. Hinihingal pa ako dahil sa ginawang pagtakbo.

Saktong pagkarating ko ay nasa labas ng operating area si mommy at daddy, nakaupo. Si ate Zammi naman ay nanatiling nakatayo na parang hindi mapakali. Palipat lipat siya ng lakad.

Nang dumating ako ay sabay sabay silang napatingin sakin. May halong takot at pangangamba ang mga mukha nila. Mas lalo lang tuloy lumakas ang kaba sa dibdib ko.

"Anong nangyari? Kumusta si Aziel?" Kumalas ako ng yakap kay Ate at nilapitan ang mga magulang ko.

"Mom, kumusta daw po?"

"Wala pang sinasabi ang doctor. They're still inside..." ani mommy. Bakas na bakas sa mukha niya ang sobra sobrang pag aalala.

Aziel's chance of survival is...weak. Masyado pa siyang bata. Hindi niya 'yun makakayanan.

Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng operating room bago lumabas ang doctor. Nang makita iyon ay kaagad na tumayo ang mga magulang ko at lumapit dito. Maging si ate ay nakisabay din.

Nandun ako sa likod nila. Kinuyom ko ang nanginginig na mga kamay. Kinagat ko ang labi ko. Shit! Shit!

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon