Kabanata Veinticuatro

208 8 4
                                        

24th Fall

She's Going

Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si Yvonne. She walks like a model. Halos lahat ng mga kalalakihan dito ay napapalingon sa kanya.

"What did she do, Phia?" Matigas ang bawat bitaw niya ng mga salita. The way Jack speak and talk about her, parang kilalang kilala na niya si Yvonne. Alam niya kung may ginawa ito o wala...

Nakataas pa rin ang kilay ni Phia hanggang ngayon. She's still pissed about what happened, I'm sure. "Pinagbantaan niya si Alma na layuan ka..."

Umupo si Kai nang mailapag na niya ang pagkain nila ni Phia. Si Jack naman ang naglapag ng pinggan sa harap ko.

Hindi ako kumilos. Nanatili akong tahimik at naghihintay ng kung ano ang masasabi ni Jack tungkol doon.

"You eat," aniya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Wala siyang sinabi tungkol doon. The other side of me is rejoicing because it seems like he's slowly letting me get into him. Parang unti unti na niyang sinasanay ang sarili niya na may Alma Veñez na nakikituloy sa buhay niya. But the other half of me is somehow disappointed. Gusto ko ring malaman kung ano ang iniisip niya. Kung ano ang sasabihin niya.

Mahirap kasing magtiwala sa mga baka sakali. Mahirap kumapit sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

Because sometimes you do not have the same interpretation of his actions. Minsan hindi sapat ang kilos lang. Hindi sapat ang pinapakita lang. Sometimes we need words to interpret better the things we wanted to say. Saying it out loud so the world could hear it.

Habang iyong ibang mesa ay masayang nag uusap usap habang kumakain, ako naman ay halos mabingi sa katahimikang namamayani sa aming mesa ngayon.

Tanging tunog lamang ng kutsara at tinidor ang maririnig saming mesa. Kung wala lang ang mahinang background music ay pwede na naming talunin ang katahimikan.

It seems ironic we're silent when we have supposed to be loud because this is a celebration for goodness' sake.

Pero hindi ko rin magawang mag ingay. Maraming bumabagabag sa isip ko. Parang ang daming nangyari ngayong gabi.

"Kumain ka."

Akmang kukunin ni Jack iyong kutsara ko nang mabilis ko itong kinuha. Ang resulta ay ang kamay ko ang nahawakan niya.

Napatitig ako doon sandali.

"Ehem..."

Unang kumalas si Jack. Ako naman ay mabilisang isinubo ang pagkain. I'm wishing they won't notice my trembling hands...Ghaaad. I hate his effect on me.

Sunod sunod na subo ang ginawa ko para mabawasan ang tensyong nararamdaman. Ang lapit niya pa sakin.

"You okay there?"

Bigla nalang sumulpot sa mesa namin si Kent.

"We're fine, dude." sagot ni Kai na nagngingisi.

Ngumisi na rin si Kent habang nakatingin sakin tapos kay Jack. "Hmmm...there's something interesting that's happening here, huh?"

Tumigil sa pagkain si Jack at uminom ng tubig. Kita ko na naman ang paggalaw ng kanyang Adam's apple.

Nag iwas kaagad ako ng tingin. Kinuha ang baso at nilagok iyon ng pang isahan.

"Okay ka lang, bro?" Tinapik ni Kent ang balikat ni Jack.

"I'm fine, Kent." simpleng sabi ni Jack. Pansin kong bihira niya lang akong tingnan.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon