65th Fall
Command
"Mom..."
Napuno ng nakakabinging katahimikan ang loob ng aking kwarto. Nabasag lamang iyon ng may tumunog.
"I'll answer this call." si Dad bago lumabas ng kwarto.
Ngayo'y kaming dalawa na lang ni Mom ang natitira. Hindi ko matantya kung ano ang nasa loob ng utak ni Mom ngayon. At kung ano na naman ang kailangan niyang sabihin sa akin.
Tumuwid ako sa pagkakaupo sa kama habang nanatiling seryosong nakatayo si Mommy sa harapan ng kama. Hindi ko siya matingnan sa mata dahil baka mahalata niyang kagagaling ko lamang sa pag-iyak.
"I heard Aragon were get out of jail this late afternoon,"
Bigla akong napaangat ng tingin. Bahagyang nakataas ang kilay ni Mommy habang masusi akong tinitingnan. There are obvious doubts in her eyes. Na tila nagsasabing may kinalaman ako sa kung ano man ang nangyari.
Kinagat ko ang labi. I cannot pretend I didn't know. Because I know that will happen.
Mom narrowed her eyes down at me. "I cannot believe that Guarry Hernandez is the real suspect. This maybe a set-up, huh?" madiing sinabi ni Mom.
Lumunok ako. Now that it's all clear to me, I feel too guilty for the harsh words I've thrown to Jacksonn. Lahat ng masasamang salitang ibinato ko sa kanya ay waring bumabalik ngayon sa akin at ako ang tinatamaan.
"Mom, Jack is innocent..."
And I'm sure of that.
Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Patuloy na ginugulo ni Jack ang isipan ko.
Nasaan siya? Kumusta kaya siya? Ayos lang ba siya? Ano'ng ginagawa niya ngayon? Is he home yet?
As if on cue, my phone rang. Nang tingnan ko ang caller, it was unregistered. Hindi ko alam kung bakit bumilis nalang bigla ang tibok ng puso ko.
"Hello?"
Humigpit ang hawak ko sa aking telepono habang nakatitig sa puting kesame.
"Can I see you tonight?"
Nakagat ko ang labi nang marinig ang boses ni Jack. God, ngayon lang ata nag-sink in sa utak ko kung gaano ko siya namiss ng sobra. At ngayo'y hindi ko mapigilan ang masyadong paghigpit ng dibdib ko na ramdam ko iyong sakit.
Kumurap ako kasabay noon ang pagtulo ng mga luha ko.
Pwede ba? Pwede naman, hindi ba?
Kahit ngayon lang, ngayon lang talaga. Hindi naman siguro masama kung kahit ngayon lang ay pagbigyan ko ang puso ko. Kahit ngayon lang, pwede akong maging makasarili.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naghanap ng mas makapal na jacket na pupwede kong isuot papalabas. Bago maisara ang pinto ay may maliit na tinig na nagsasabi sa aking huwag itong ituloy. Napako ang tingin ko sa litrato naming dalawa ni Aziel sa ibabaw ng bedside table. My heart contracted again.
"I'm sorry..." mahinang sabi ko at napayuko.
Pababa ng grand staircase ay naging maingat ako at siniguradong hindi ako makagawa ng kahit anong ingay na maaaring magpagising nino man sa mansyon na ito, lalong lalo na si Mommy.
Nakahinga ako nang maluwag ng makalabas ng mansyon na walang bodyguards na pumigil sa akin. Nanuot ang lamig ng gabi sa aking pisngi at sa bawat paghinga ko'y kita ko ang pag-usok ng hanging ibinubuga ko.
Mahigpit ang hawak ko sa aking cellphone dahil sa tensyong nararamdaman ng buo kong katawan. Hindi magkaugaga ang pagtibok ng puso ko habang nililibot ang mata sa kalawakan ng subdibisyon na ito. Wala ng tao sa kalsada. Ni asong gumagala ay wala.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomansaAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)