Kabanata Cuarenta y tres

194 8 3
                                    

43th Fall

Open Up

Nang binuksan ni Phia ang kanyang Facebook account habang hinihintay ang muling pagtawag ni Kai ay siya namang pagtunong ng aking cellphone. Nilingon namin iyon ni Phia at naglakad ako papalapit sa bedside table kung saan iyon nakalagay.

It was Ate Zammi calling. Napangiti agad ako at dinampot ang cellphone saka sinagot ang tawag.

"Hi, ate!"

Naglakad ako papuntang veranda. Binuksan ko ang glass door at ang malamig na halik ng hangin sa aking balat ang una kong naramdaman. Even my long black hair danced through the wind.

Ipinatong ko ang aking braso sa railings ng veranda at dinungaw ang pool kung saan kami nag-usap ni Guarry kani-kanila lamang. Naroon pa rin ang baso na ginamit niya sa pag-iinom kanina.

"Hello, sis. How are you there?" ani Ate. Parang naririnig ko rin ang boses ni Craziel sa kabilang linya. God, how I miss my little cute angel!

"I'm fine, ate. Kayo? Are you still in London?" sabi ko.

"Yeah. Tomorrow is our last day. Babalik din kami agad ng Cali kasi uuwi si mommy at daddy,"

"The day after tomorrow sila dadating?" I asked.

"Yeah. But don't pressure yourself, sis. Mag-enjoy ka lang muna diyan sa Spain."

Napailing nalang ako. Naku, ate. Kung alam mo lang ang nangyayari ngayon. I can't call it enjoying. Sa tingin ko'y mas nastress lang ako lalo.

Umihip ang mas malamig na hangin. "Uuwi ako ng Cali the same day of mom and dad's arrival, ate. Atsaka, miss na miss ko na si baby C."

As if on cue, narinig ko ang kanyang malambing na boses sa telepono.

"Hello, Tita! I miss, miss, miss you so much po!" By that, I suddenly had the urge to fly immediately to London and caged Craziel in my arms.

"I miss you more and more, baby Craziel!" puno ng panggigil kong sinabi. I heard her cute and jolly giggles.

"When are you coming home, Tita? I really miss you po."

"Don't worry, baby. Malapit na. Kasabay ng pagdating ni Lola at Lolo ang pag-uwi ni Tita." I assured her.

"Yiheeey! I'll wait for it!"

Tumawa ako. "Sure, baby."

"And Tita?"

"Yeah?"

"Do not forget naman my pasalubong!"

I laughed. "Don't worry baby. Siyempre hindi ka kalilimutan ni Tita," sabi ko.

Muling binalik ni Craziel ang cellphone kay Ate pagkatapos niya akong paulit ulit na paulanan ng halik sa hangin. Craziel may sometimes hard and stubborn but she's really a sweet and admiring little girly.

"Susunduin ka nalang namin nina Ghen at Via pagkadating mo ng airport. Okay?" bilin ni Ate.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon