52th Fall
Happiness
Losing a twin had never been an easy experience for me. Losing her felt like I've lose half of the world. Like I've missed half of my life. Being a twinless twin is a torture.
Pakiramdam ko nawala ko ang isang bahagi ng pagkatao ko. Sadyang napakaimportante ni Aziel sa akin na ganoon nalang kahirap tanggapin na wala na siya. Na iniwan na niya ako.
Wala na akong Aziel na makakasabay sa pagkain. Wala na akong Aziel na hilig akong pagalitan kapag gumagawa ako ng maling gawain. Wala na akong Aziel na palaging nagpapaalala sa akin na dapat ganito ang aking gawin at dapat hindi iyan. Kahit may pagkailap at masungit ng kambal ko ay ramdam kong mahal na mahal niya ako. Minsan nga, naiisip kong siya ang mas matanda sa aming dalawa, e. She's just more mature than me when it comes to things.
Iyon nga lang, I guess our parents focused on me too much. They had spoiled me more than my twin kaya hindi ko masisisi kung minsan ay naiinggit si Aziel sa akin. I couldn't bring myself to blame her for being jealous and mad at me to the point na hindi na siya nagbabahagi ng mga bagay bagay sa akin na kambal niya.
Hindi ko inaasahan na ang hindi pantay na atensyon ng aming mga magulang ang guguhit ng agwat sa pagitan naming dalawa. Simula noong pinrangka ako ni Aziel tungkol sa sobrang atensyon na ibinibigay ng mga magulang ko sa akin kesa sa kanya ay ramdam ko ang pagiging malayo ni Aziel sa akin. Kapag sinusubukan ko siyang kausapin, sasagutin niya naman ako pero iyong tipong isang tanong at isang sagot lang.
"Azrhya Miel, what do you think is the time now? Bakit ngayon ka lang!" ang galit na galit na boses ni Mommy ang umalingawngaw sa aming tahimik na sala.
It was already ten in the evening. Tapos na kaming mag-dinner at oras na para mamahinga. Lampas na rin ng curfew time ang oras dahil dapat hanggang alas otso lang kami ng gabi sa labas.
Nasa balcony lamang ako sa taas at kinakabahang pinapanood si Mommy na pinapagalitan si Aziel. Gusto kong bumaba at lapitan siya, at ipagtanggol siya pero natatakot ako kay Mommy. She's like a monster na mayamaya ay mangangagat na.
"Hanggang kailan mo ba isisiksik dyan sa kokote mo na dapat hanggang alas otso lamang kayo sa labas? Huh? Bakit ang tigas ng ulo mo?" patuloy na panenermon ni Mommy kay Aziel.
Ngunit parang wala lamang kay Aziel na pinagagalitan siya ni Mommy. Nakatuon lang ang kanyang blankong tingin sa hagdanan. Magulo ang kanyang buhok na akala mo'y matagal ng hinihipan ng simoy ng hangin.
Hindi sumagot si Aziel. Natatakot ako para sa kanya. Ano bang ginagawa niya at palagi siyang gabi na kung umuwi? Saan siya nagpupunta?
Ang pananahimik niya ang sa tingin ko'y nagpadagdag lamang ng galit kay Mommy.
Nasapo ni Mommy ang kanyang noo, marahil siguro'y nagpipigil na makagawa ng bagay na ayaw niya dala ng galit.
"I don't know why did you become like this, Aziel! I didn't raise you to be a froward child!" Mom continues to rant.
Napatigil ako nang mag-angat ng tingin ang aking kambal at tiningnan din si Mommy.
"I do these things, I don't do these things, I am still nothing compare to Alma, Mom. So, what's the different? Mas gagawin ko nalang ang mga bagay na gusto ko, tutal wala naman kayong pake sa akin." kahit halos walang emosyon ang pagkakasabi ni Aziel ay ramdam na ramdam ko ang sakit at kabiguan sa kanyang boses.
Somehow, I blame myself. I am the reason my twin is in pain. I am the reason she became like this. Sana ay wala na lang ako. Sana ay siya nalang...
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)