Sabi nila...
Isa daw akong tanga!
Isang boba, isang martyr, isang desperada at isang babaeng sinalo lahat nang katangahan talaga..Hindi ako mag de-deny sa mga sinabi nilang yun. Isa akong malaking tanga! Yes, I admit that! Kahit hindi nila ipamukha sa akin yun. Malinaw na malinaw. Kayang kaya ko pang ipagsigawan dahil totoo naman.
Imagine? Isa lang naman akong ordinaryong probinsyanang babae na napunta sa manila para mag aral. Pero minahal ako nang isang Prinsipe. Minahal ako nang isang Doniel pineda!
Ang isa sa mga apo nang pinakamayaman na tao sa ASIA. Ang lalaking ubod nang gwapo, sobrang kisig at talaga namang nakakapanlaway ang katawan. Napakabait, magalang, matalino, malambing, maintindihin, mapagmahal at madami pang magagandang ugali. Na sakanya na ang Halos lahat!!
Pero sinayang ko yun dahil lang sa isang pagkakamali. Dahil sa isang Gabi na yun. Ang tanga ko kasi!!
Minahal niya ako nang sobra sobra. Pinag tatanggol niya ako sa mga taong umaaway sa akin. Pinagtatanggol din niya ako sa magulang niyang ayaw naman talaga sa akin. Lagi siyang andyan para sa akin. Handa akong tulungan. Handa niyang talikuran ang lahat para sa akin.
Ako ang mundo niya. Ako ang buhay niya. Ako ang nag iisang babaeng kinabaliwan niya at minahal niya nang higit pa sa pag mamahal niya sa pamilya niya at sa sarili niya. But that was before! Was na! Past tense na!
At anong ginawa ko? Sinayang ko yun! Sinayang ko ang lahat lahat!
Sinaktan ko siya at iniwan niya ako. Hindi ko man lang siya ipinaglaban. Samantalang siya pinag laban niya ako nang hindi lang iisang beses..
Tama nga sila! Isa akong tanga! Dahil kahit dalawang taon na lumipas ay hindi ko pa din siya nakakalimutan..
Kahit na....
Kasal na siya sa iba..
Mahal na mahal ko pa din siya!!
I'm fiona, the stupidest girl existing here on earth. Who is STILL madly deeply in love with Doniel Pineda, The freaking billionaire who happens to be my Ex-boyfriend.
****
Fiona and Don's story..
Sequel of "when she met the mafia boss." Sana suportahan niyo to!

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...