La flexibilidad del bambu es mas resitente que la dureza del roble.
The bamboo that bends is stronger than the oak that resists.
-Japanese Proverb
Chapter 3
"Agent Eve, okay lang po ba kayo?"
"Ah, yes." Almost everyone in the agency knows my name. Dahil isa ako sa mga pinakabihasang agents. Dahil maraming nag-aakala na ako ang susunod na Pier Agent, the highest ranking agent.
Pero isang simpleng pagdedeliver lang ng note ay hindi ko pa nagawa!
Kung isang delikadong tao ang lalaki kanina, hindi magtatagal ay lalabas ang kapalpakang nagawa ko.
"Ah.. E-eto yung note." uutal-utal at wala sa sarili kong sambit. Inabot ko sa messenger yung note at may sinabi pa siya na hindi ko na narinig.
Great job Eve Williams. Nahanap mo na ang adventure na hinahanap mo. Good luck!
~~
Papasok ako sa headquarters ng mga agents dito sa Safronov Palace.
As usual, nakayuko ako to avoid eye contacts.
Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa kong kapalpakan kahapon.
You're brave and.. stupid. My kind of combination.
Nanginig ang buong katawan ko nang maalala ang boses na yun. Kahit hindi aktwal, hindi ko pa rin mapigilang matakot.
How stupid of me.
Papaupo na ko sa desk ko nang mahanap ng mga mata ko ang larawan ng isang babae.
Lahat ng Pier agents dito sa Safronov ay pinagmamalaki. Mayroon silang mga pictures sa dingding ng headquarters.
Pier Agents are the highest ranking agents. At iisang babae palang ang nagiging Pier agent.
Agent Nyah.
Siya ang kaisaisang babae na naging pier agent. She's my inspiration. At dadating ang araw na sasamahan ng litrato ko ang litrato niya. Hindi na lang siya ang kaisa-isang babaeng nagkaroon ng pinakamataas na titulo sa mga agents.
"Eve, Pinapatawag ka ni Queen Callisha sa Atrium." Kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko sa sinabi ni Yvonne. Alam na kaya ng reyna?
"Bakit daw Yvonne?"
"Hindi ko alam eh."
"Salamat."
Lumabas ako ng headquarters at naglakad patungo sa Atrium, the office of the queen.
Kumatok muna ako bago pumasok.
Pagkapasok na pagkapasok ko, nanlaki ang mga mata ko. May kutsilyo na tinapon sa aking direksyon. Agad akong yumuko at natusok ang matulis na kutsilyo sa pinto.
"Come here! I'll kill you!"
Tumakbo papunta sa akin si Queen Callisha. Hindi ko alam kung susugudin ko rin ba siya o iilag na lang ako. O dapat ba hayaan ko siya na bugbugin ako.
She's the queen. I should always bow down to her.
That's one of the lessons my mother taught me.
Kaya nung sinugod niya ako ay hindi ako kumilos. Ni hindi ako gumalaw.
She closed the distance between us. She's scary. Terrifying even.
She trapped me between her arms. Kinuha niya ang kutsilyo na nakatusok pa rin sa pinto at binato sa lalaking nasa harap ng bintana.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AkcjaHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
