Chapter 21-Those Eyes

1.7K 53 26
                                        

"Eve, please sama ka na."

"Yvonne ayoko talaga."

"Maraming cute guys doon! Minsan lang naman."

"Samahan mo na lang akong manood ng TV mamayang gabi sa kwarto."

"Eve naman! Buhayin mo naman ang social life mo."

Nandito kami ni Yvonne sa headquarters at kanina niya pa ko niyayaya na sumama sa birthday party ni Jackson mamayang gabi. Magcecelebrate daw sila sa malapit na bar mamaya. At ako yung tipo ng tao na maspipiliin na lang na magbasa ng libro sa bahay.

"Eve naman eh! Ano bang problema mo? Birthday naman ni Jackson!"

"First, I'm not a party girl. I don't drink. I don't smoke and I don't dance. Second, many people will be there. You know how much I hate people. Third, I'm planning to.. well, I'm planning to finish a book."

"What book?"

"Yung binato mo sa akin last time. Yung panglimang libro doon sa Percy Jackson series."

"Makakapaghintay pa yang pagbabasa mo! Pero etong birthday ni Jackson, once a year lang." Makakapaghintay? If you just knew Yvonne. My days are numbered.

"Atsaka isa pa Eve," Hindi pa rin sumusuko itong si Yvonne. "Parehas naman silang may Jackson ni Percy Jackson. Kaya sumama ka na!"

"Okay, so ano ang logic mo doon Yvonne?"

"Eve naman! Ang tagal na nating hindi nakakapagbonding! Hindi mo ba ko namimiss kasama?"

"Namimiss. Kaya nga sa bahay na lang tayo at manood ng TV."

"Iisipin kong ayaw mong sumama sa amin kasi makikipagkita ka doon sa Asad ng Tenebrous."

"And why will I do that Yvonne?"

"Isusumbong kita kina Queen Callisha at Agent Damien. Krimen yang ginagawa mo Eve."

"Gosh! I'm not in a relationship with the Asad of Tenebrous."

"Ikukulong ka nila sa Citadel Eve. Pagtratraydor sa Safronov ang relasyon niyo."

"Oh My Gosh! You're crazy!"

"Sasa---"

"FINE! Oo na! Sasama na ako mamaya sa party ni Jackson!"

"Yehey!" Niyakap ako ni Yvonne. "Sabi ko na nga ba mapipilit kita. Mamaya ah? Kitakits!" Tumatalon talon siyang lumabas sa headquarters. Napasubo ako. Jeezz.. I shouldn't fall for Yvonne's trap!

~~

Pagkarating na pagkarating ko sa bar ay maingay na musika agad ang sumalubong sa akin. Pinagalitan pa ako ni Yvonne dahil nakajeans at Tshirt lang ako. I don't want to get attention so I don't tire myself fixing myself.

"Happy Birthday Jackson!" Bati agad ni Yvonne nang makapunta na kami sa table nina Jackson kasama pa ang ibang mga agents.

"Salamat Yvonne." Tugon niya kay Yvonne at matapos ang ilang mga segundo ay napansin na rin niya ko. Nahihiya kasi ako at nagtatago sa likuran ni Yvonne.

"Eve, you came." Agad agad tumayo si Jackson at sinalubong ako ng yakap. "Akala ko hindi ka makakapunta. Thank you talaga Eve. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya."

Nagulat ako sa pagyakap sa'kin ni Jackson kaya nayakap ko na rin siya pabalik. Ako yung humiwalay at nginitian siya. "Happy birthday Jackson."

Pinaupo ako ni Jackson sa tabi niya at dumireto naman si Yvonne sa dance floor. Magboboy hunting na naman siguro. Nag-usap usap lang yung mga kasama kong agents at tahimik lang ako dito. Hindi kumikibo. I want to share my opinions to them but I'm afraid that they will contradict me. So I just stare at them and say nothing.

"Miss, drinks?" Tanong sa akin nung isang lalaki na hindi ko naman kilala. Nginitian ko siya at umiling. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin at nilayuan niya ako.

Hindi rin umiinom ang mga kasama kong agents. Gusto lang talaga nilang magparty at magkaroon ng happy time. Matapos ang ilang mga minuto ay may lumapit na naman sa aking lalaki.

"Hello beautiful. May I have this dance?" Alok sa akin nung lalaki. Ngumiti ako sa kaniya at umiling katulad nang ginawa ko doon sa una. Pero mukhang hindi yata nakakaintindi ang isang to.

"Huwag ka nang magpakipot Miss. Halika na." Hahawakan na sana ako nung lalaki pero hinuli ko yung kamao niya at pinilipit ko yung kamay niya. Napasigaw siya sa sakit.

"When a lady said no, then it's a no." Itinulak ko siya at bumagsak siya sa sahig. Wala namang nakapansin dahil lasing na ang mga tao dito at masyadong malakas ang tugtugin. Kumaripas ng takbo papalayo yung lalaki.

"You always get attention without making an effort." Sabi ni Jackson tsaka niya ko inakbayan.

"I know it's your birthday but Jackson, please remove your arm on my shoulder. Thanks." Tumawa lang si Jackson sa pagrereklamo ko.

"Don't misinterpret my actions Eve. They think you're available kaya lapit sila nang lapit sa'yo. Let them think that I'm your boyfriend so you will not be disturbed by them." Sa huli ay hinayaan ko si Jackson at tama nga siya. Wala nang nang-istorbo sa'kin. Hindi naman na ko naboring kasi inentertain ako ni Jackson. Ang rami niyang kwento ultimo pangalan ng dogfood ng aso niyang askal ay nagagawan niya ng kwento. Sa pagtawa ko sa mga biro ni Jackson ay may naramdaman akong kakaiba. Parang pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Luminga linga ako sa buong bar pero wala naman akong nakita na kahina-hinala.

"Is there something wrong Eve?" Tanong ni Jackson.

"Ah wala. Hinahanap ko lang si Yvonne."

Pagkasabi ko nun ay bumalik si Yvonne dito sa table namin na may mantsa ang damit.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ah, natapunan kasi ako ng iniinom nung babae. Buti na lang ano ahm.." Biglang namula yung pisngi ni Yvonne. "Tinulungan ako ni Jung."

Sinundan ko ang direksyon na tinitignan ni Yvonne.

"Yung lalaki na naka business suit?"

"Hindi."

"Saan ba yung Jung diyan Yvonne?" Naghanap pa ko hanggang sa may nakita akong lalaki na malakas pumorma.

"Yung nakaGreen ba na guy? Yung malakas ang dating?"

"Hindi yun Eve! Basta!" Tapos namula na naman siya. I mean, Yvonne is the giggling type. Yung pag may crush siya eh, ipagsasabi niya. Pero ngayon, first time niyang tinago. At first time niyang magblush.

Nacurious talaga ako at muli kong hinanap sa buong bar yung dahilan nang pagblablush ni Yvonne. Pero mukhang iba yata ang nahanap ko.

Tumama ang aking mga mata sa nakakatakot na matang iyon. Mapanganib ang mga tingin niya katulad ng isang leon. Malayo siya sa akin ngunit kitang kita ko ang pagtitig niya sa braso ni Jackson na nakaakbay sa akin.

My heart starts to pound. My brain is thinking of thousand ways to escape. As I stare back at the eyes of the Asad of Tenebrous I know deep down I cannot escape him. I know deep down my life is already bound to Radimir.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon