If you lose, it's not over.
If you stop, then it will be over.
-Japanese Proverb
Chapter 45
He has his back on me. He was facing the road, the necklace was hanging from his hand. Itinutok ko sa kaniya ang aking baril na hindi niya napapansin. Nakatalikod pa rin siya sa akin.
"What took you so long, Tenebrous?" Tanong niya na nakapagpangiti sa akin. Unti-unti siya humarap sa akin kasabay nang paglaki ng kaniyang mga mata.
"W-who are you?" I'm the brave and stupid girl you fooled, dummy.
"Does it matter?" Pabalik kong tanong sa kaniya at kinalabit ko ang gatilyo ng aking baril. Agad siyang nakaiwas at sinuot niya ang kwintas para masmahirapan akong agawin ito sa kaniya. Patuloy ko lang siyang pinapaputukan ng aking bala. Nagtago siya sa isang puno kaya ang puno ang nakatanggap ng mga bala ko.
"Afraid, dummy?" Pang-aasar ko sa kaniya habang lumalapit ako sa puno na pinagtataguan niya. May baril ako at wala siyang dalang armas. I am in the advantage right now. Nasa harap ko na ang puno na pinagtataguan niya ngunit hindi ko namalayang umikot pala siya sa puno at inatake niya ko sa likuran. Tinulak niya ako at marahas akong bumagsak sa lupa. Agad akong bumangon ngunit bago pa ko makatayo ay muli niya kong tinulak pahiga sa lupa. Umupo siya sa ibabaw ko. My tummy is between his thighs. Inaagaw niya sa akin ang baril ngunit lumalaban ako sa kaniya. Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinirmi ito sa taas ng aking ulo. I can already feel the soil on my hands. Using his other hand, he managed to get the gun from my grip.
"Let go of me you dummy!" I am struggling from him but he's too strong. Itinutok niya ang aking baril sa aking sentido.
"What did you call me?" He asked me like calling him a dummy is a big deal to him. I didn't respond to his question. He doesn't deserve any answer.
"I'm asking you. Lady in a cat suit with her face masked, what did you call me?" He leaned down his face on me. I felt the necklace brushed my cat suit. Kailangan kong gumawa ng paraan para makuha yun. At kung hindi ko sasagutin si Radimir, baka tuluyan niya na kong patayin dito na hindi ko man lang nagawa ang misyon ko.
"I said, let go of me dummy!" Muli kong sinubukang kumawala sa kaniya. This dummy is— wait. Did I just call him dummy? What if he recognized—
At bago ko pa tuluyang mabuo ang tanong sa utak ko, binitawan niya na ang aking baril at tinatanggal niya na ang balot sa ulo ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya habang nakatitig siya sa akin.
"Eva.." He murmured absent mindedly. His British accent made his voice dramatic as he murmurs my name. Like he is tasting the flavor of my name in his tongue. "Y-you're alive."
He stroked my cheek with his forefinger. I tingled in his touch. He's looking at me like I was a miracle. Like I was something unreal. And the thing that surprised me, his eyes were teary. Though he's not crying right now.
"I thought I lose you, Eva. My Eva." Ginamit ko ang oportunidad na iyon para itulak si Radimir. Nawala siya sa ibabaw ko kaya nakatayo ako at pinulot ko ang aking baril. Mukhang natauhan na ngayon si Radimir. Nawala na ang pangungulila sa mukha niya at napalitan ito ng matigas na ekspresyon.
"You're alive." He said and I can't determine if he's glad or angry about it. "You tricked me!"
"Oh, Did I?" Pang-aasar ko. Ngayon alam mo na ang pakiramdam nang maloko, Radimir?
"Pinaniwala mo kong patay ka na Eva! Hindi ko alam kung paano mo yun nagawa! Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko! Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na maaari akong mabaliw sa pag-aakalang patay ka na!" The veins in his neck are very visible. His fist were clenched. Like he will explode anytime soon.
"Bakit ka nagagalit? Pinaglaruan mo lang din naman ako diba? Dahil ba sa isa kang Tenebrous ay dapat ikaw lang ang naglalaro? At dahil ba sa isa akong Safronov ay wala na kong karapatang paglaruan ka?" I smiled at him seductively. "Girls can play too."
"This is not a game for me."
"Funny, because you were the one who invented this death game." I have no idea where this conversation is heading. Because seriously, this is non-sense.
"Hindi ako nakikipaglaro sa'yo! Wala kang ideya sa kung anong nangyari sa'kin nung inakala kong patay ka na! Hindi mo alam kung paano ako nahirapang huminga nung makita ko na wala na ang katawan mo at puro dugo na lang ang laman ng tubig!" He was breathing hard. Tuloy-tuloy siya sa pagsasalita na para bang matagal niya nang kinikimkim ang mga bagay na to. At ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na ilabas iyon. "I kicked all the things I see. I punched all the Tenebrouses who told me that your death is not a big deal. That your death is a victory for the Tenebrous. Akala ko hindi ko na mararamdaman yung pangungulila na naramdaman ko nang mamatay ang mga magulang ko. Pero naramdaman ko ulit yun nang namatay ka. Pinaramdam mo ulit sa'kin yun Eva!"
Lumambot ang ekspresyon ko sa mga sinasabi niya. Nilapitan ko siya at nilagay ko ang aking palad sa kaniyang pisngi. Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha niya.
"Totoo ba ang mga sinasabi mo Radimir?" Malambing kong tanong.
"Everything is true Eva." He also cupped my cheek using his hand. Slowly, he starts to lean down. I can almost feel his breath on my cheeks.
Ngunit bigla kong inumpog ang ulo niya gamit ang aking baril. Dumistansya ako sa kaniya at tinutukan ko siya ng baril. Nagulat siya sa ginawa ko at nginitian ko lang siya.
"Well, your arguments are pretty convincing Radimir. But it takes more than that to fool me again."
"Eva, what should I do to make you believe me?" Nagmamakaawa ang mga mata niya sa'kin pero hindi ko iyon pinansin.
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo Radimir? Bisto na kita. Alam ko na ang plano niyo ni King Azrael. Akala mo ba masyado akong uto-uto? Nalaman ko na ngang niloloko mo ko tapos ineexpect mo na maniniwala pa rin ako sa'yo?" And then he did something I didn't expect. He put the Tenebrous necklace around my neck.
"W-what is this?"
"I told you, I'm serious about you Eva. You want the Tenebrous necklace right? Have it. I'm giving it to you." Rad stared at me without saying another word. I resisted the urge to laugh at him. Akala niya ba maloloko niya ko ulit? I know what he's trying to do. He's trying to lure me again. Ipapakita niya na naman na nag-aalala siya para sa'kin pero ang motibo naman talaga niya ay paibigin ako.
Radimir is looking at me with those hopeful eyes. Umaasa siyang bibigay ako agad. Umaasa siya na paniniwalaan ko siya ulit ng ganun-ganun na lang.
"Well thanks dummy. And if you want to impress me, you have to do better than this." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang humakbang palabas ng Clipwood nang hilain ako ni Radimir.
"Ganun na lang yun Eva?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ng leon. Nginitian ko lang siya. Anong akala niya? That he can use a cheap necklace as a bait to lure me? This predator wants me to be his prey, and mind him, I am not an easy prey anymore.
"Oh, you care for me right? Then let me leave and let me give this necklace to the Safronov." Binawi ko nang marahas ang braso ko mula sa kapit niya. "Good bye Rad."
I continue to walk again. But before I could even made three steps, he backed me against a tree.
"What now?" I slapped his chest trying to push him away because he's too near. He put his arms on the tree, on either side of my head. I tried to remain calm even if my systems are jumping. I felt my knees turning into jellies. I think I might collapse. How long since Radimir was this close to me? He leaned down, I thought he was going to kiss me. But instead, he brushed his lips on my ears. And his next words make my whole body shivers.
"Magpakipot ka lang kahit gaano katagal mo gusto. Pero tandaan mo to, sa huli sa akin pa rin ang bagsak mo." Nararamdaman ko ang hininga niya sa tainga ko na nakapagpalala nang panginginig ko. "SA AKIN."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun ay nilisan niya na ang lugar at naiwan akong tulala doon. His words gave me goosebumps. I wonder if this is still part of the lure. I wonder if this is planned.. again.
Tinanong pa ba yan? Syempre planado pa rin ito. Gusto niyang mahulog ako sa kaniya para maging sunud sunuran ako ng Tenebrous. Hindi ko hahayaan yun. Hindi na ulit ako magpapaloko sa kaniya.
Sa lahat ng mga puso, sisiguraduhin kong akin yung may utak.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AksiHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
