Chapter 15
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanatili lang akong nakatitig kay Radimir na ngayon ay nakatulog na. Napasandal ang ulo niya sa aking balikat. Humigpit ang hawak ko sa baso ng alak hanggang sa mabasag ito. Wala namang nakapansin dahil abala ang lahat sa pagsasaya at masyadong malakas ang tugtog.
The Tenebrous is hunting me. The man that I am holding right now is the man that will take away my life.
Hindi. Ayaw mag sink-in sa utak ko. Ayaw paniwalaan ng sistema ko.
"They are from Safronov!" Kung hindi pa sumigaw yung isang lalaki dito ay baka buong gabi na lang akong tulala. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang gulo. Nakita ko yung dress ni Agent Lian na napunit yung sleeve, kaya kitang kita na ng lahat ang kaniyang Safronov tattoo.
Handa kami sa mga ganitong pangyayari kaya may nakahanda na kaming plano. Nilabas ni Agent Shiela yung tinatago niyang baril at pinaputukan yung ilaw. Nawala yung liwanag at nabalot ng kadiliman ang buong lugar. Itinumba ko kaagad sa sahig si Radimir at nagsimula nang tumakbo papunta doon sa binatana. Si Agent Shiela ay sa kisame tumakas. Si Agent Lian naman ay doon sa entrance. At yung isa pa naming kasama ay doon sa exit. Hindi pwedeng iisa lang ang paglalabasan namin dahil paniguradong magkakabungguan kami.
Tumatakbo ako nang may malakas na kamay na humatak sa akin pabalik. Hindi ko siya makita pero amoy sigarilyo at alak siya.
"Not that easy baby." Pamilyar yung boses niya. Siya yung maniac na lumapit sa akin kanina. Yung Theo yata ang pangalan. Hinigit niya ako pabalik pero sinipa ko yung tuhod niya. Tsaka ko siya sinikmuraan. Nabitawan niya ako ngunit agad din siyang nakabawi at sinuntok niya ako sa tiyan. Sinuntok ko siya at sinabunutan. Tsaka ko inuntog yung mukha niya doon sa counter. Doon sa parte na alam kong nandoon pa yung mga bubog ng baso na nabasag ko. Sumigaw siya sa sobrang sakit at agad agad na akong tumakbo palabas ng bintana.
Pagkalabas ko, nag-aabang na agad doon ang kotse ni Yvonne. Sumakay ako sa front seat. Nandoon na yung dalawa kong kasama pero wala pa yung isa.
"Nasaan na si Shiela?"
"Wala pa eh."
Kinabahan kaming lahat. Napahamak kaya siya? Paano kung naabutan siya ng mga Tenebrous?
"Nandoon sila!" Nagulat kaming lahat nung marinig namin ang sigaw ng isang lalaki. Meron pa siyang kasamang lima. Sila yung mga Tenebrous na nasa party.
Shocks! Saan na ba si Shiela?
"Habulin niyo, bilis! Baka makatakas pa yang mga yan!" Sigaw pa nung isa. Tinatakbo na nila ang distansya sa amin. Nakastart na ang engine ng kotse ni Yvonne pero hindi kami makaandar dahil wala pa si Shiela. Sinilip ko ulit yung mga lalaki at malapit na sila. Konti na lang.
"Where is Shiela? Baka nakuha na—"
Whooops!
"I'm here!" Sigaw ni Shiela na hindi ko naman siya makita dahil nasa bubong yata ng kotse. Agad nang pinaharurot ni Yvonne yung kotse. Sumilip nga ako at nandoon si Shiela, nasa bubong ng kotse at ang raming dahon sa ulo.
"Where have you been?"
"Nahirapan akong tumakas eh. Kailangan ko pang umakyat sa mga puno. Sorry."
And out of nowhere, nagtawanan kaming lahat. Ganito kami. Pagkatapos ng aksyon at bakbakan ay may kung ano sa sistema namin na nabubuhay. May kung ano sa loob namin na napupunan. This is our passion. To fight.
Ngunit nabitin ang pagtawa ko nang maalala ko muli ang sinabi ni Rad.
He asked me to kill Eve Williams.
From the moment I knew who Radimir is, I know my life is over. But I don't know that it will be too soon. Too early.
~~
Nahihilo at pagod na pagod akong humiga sa kama ni Agent Nyah. Pinagpahinga agad kami pagkatapos ng misyon at bukas na lang kakausapin. Sa kwarto na ito ay may malaking picture si Agent Nyah. Tinitigan ko ang larawan.
Hindi ko alam ang tunay na dahilan ng pagkamatay niya pero ayon sa mga kwento na umiikot sa headquarters, isang Tenebrous daw ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Lagi na lang bang ganun? Lagi na lang bang sa kamay ng mga Tenebrous bumabagsak ang buhay ng mga Safronov?
Namatay si Agent Nyah, ang kaisa-isang babae na naging pier agent nang dahil sa isang Tenebrous.
Nakakulong ngayon si Faith Bautista nang dahil sa isang Tenebrous.
Ulila na lang ngayon si Queen Callisha dahil pinatay ng mga Tenebrous ang pamilya niya.
Ganun na lang ba lagi? Ang Tenebrous na lang ba lagi ang magdidikta ng kasawian namin?
At pati ba buhay ko, didiktahan nila? Hindi. Hindi ko sila hahayaan. If they want me dead, then I'll make sure that they'll pay before I die. I will make sure that the last hours of my life here on earth will be spent by watching them suffer.
Oh, so you want me dead Radimir? Come and get me baby.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
