Chapter 54
"Ma, nasaan si Papa?"
"Bakit yung ibang mga bata may tatay, ako wala?"
"Ma, gusto kong makita si Papa."
"Anong klaseng pamilya tayo kung wala akong tatay?"
"Wala kang kwentang ina! Hindi mo man lang ako maipakilala sa tatay ko!"
"I hate you Ma! I hate you!"
Nagising ako na may mga luhang umaagos mula sa aking mga mata. Nagtalukbong ako sa kumot at tinuloy ang aking pag-iyak. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako nagpaka-spoiled brat nung araw na yun. Kung hindi ko lang hinanap ang walang kwenta kong ama, hindi sana nangyari yun kay Mama.
May kumatok sa kwarto ko pero hindi ko yun pinansin. Ayokong humarap sa kahit na sino.
"Anak can I come in?"
Nang marinig ko ang boses ni Tito Adan, kumalma ang pakiramdam ko.
"Pasok ka Tito. Hindi po yan nakalock."
Narinig kong bumukas ang pinto. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot. Naririnig ko ang paghakbang ni Tito Adan papunta sa kama na hinihigaan ko. Lumubog ang kama sa paanan ko na nangangahulugang umupo siya doon.
"Hindi ka pumasok sa headquarters ngayon. Are you feeling well?"
"Okay lang po ako."
"Are you sure? Anak harapin mo ko." Hinila niya yung kumot na tumatalukbong sa akin pero hinila ko ito pabalik. Ayokong makita niya ang mugto kong mga mata.
"Napuyat lang po ako Tito. Pupunta po ako sa headqurters kapag nabawi ko na ang tulog ko." Paniguradong iisipin niya na napuyat lang ako kaya ganito ang boses ko ngayon.
"Sige anak. Kapag may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa headquarters."
"Opo."
Hinalikan ni Tito Adan ang ulo ko na nakabalot pa rin ng kumot. Umalis na siya at narinig ko ang pagsara ng pinto. Ilang beses ko nang hinihiling na sana si Tito Adan na lang ang tatay ko. Pero binabawi ko na yun. Hindi ko mapapatawad ang taong kumitil sa buhay ng mama ko. Kung sino man siya, hayop siya.
~~
Wala ako sa sarili na pumasok sa headquarters. Pagkaupo ko sa aking desk ay hinanap agad ng aking mga mata ang larawan ni Mama na nakasabit sa pader. Lahat ng pier agents ay may larawan dito sa headquarters.
She's so beautiful. I got my fair skin and curly blonde hair from her. Kung hindi ko kaya hiniling sa kaniya na makita ko ang Papa ko, kasama ko pa rin kaya siya?
I will ask this question for the rest of my life.
"Eve," Nilingon ko si Jackson. "pinapabigay ni Faith Bautista."
Tinanggap ko yung inabot niyang note. Nagpasalamat ako sa kaniya at umalis na siya. Bakit naman ako bibigyan ng sulat ni Faith? Sasabihin niya bang nagbibiro lang siya kahapon? Na hindi totoo ang mga sinabi niya? I smacked myself mentally. Until now, I'm wishing her story is only a joke. I hope she's just lying to me.
Binuklat ko na yung note at binasa ang nakalagay doon.
I know you will blame yourself after I told you the whole story.
Let me tell you this: Don't blame yourself, little agent. It won't do you any good. Get up and make your mom proud. Don't spend the day regretting your mistakes. It's too late.
Napaisip ako sa sinabi niya. She's right. No matter how long I cry, no matter how many tears I made, I cannot bring my mom back. I'm five years too late.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
