Chapter 83
Everything was a blur. It just happened so quick like the way you fast forward a movie. Like the way you ride a taxi and the view in the window was like flashes.
I saw it clearly with my own two eyes the way the man pulled the trigger. The slow movement of the bullet towards me. But the bullet that was supposed to shoot my heart, shoot my handcuffs instead.
Sa isang iglap lang ay nasira na ang aking posas at biglang napuno ng usok ang buong lugar. Wala akong makita dahil sa sobrang kapal ng usok. Nagkakagulo ang lahat. Lahat sila ay nagtatanong kung anong nangyayari. Naguguluhan din sila katulad ko.
Biglang may isang kamay na humablot sa akin at kinaladkad ako. Hindi ko makita ang taong iyon at hindi ko rin alam kung saan niya ko dadalin dahil puno pa rin ng usok ang lugar. Pero sa limitadong paningin ko ay kitang kita ko ang suot niyang itim na roba.
"Where are you taking m—"
"Faster Eva! It will just take a few minutes before they found out what I've done." Sa mga oras na ito ay parang gusto kong mahimatay nang marinig ang boses na iyon. Dumating siya. Niligtas niya ko.
I know I was stupid for thinking this, but right now, I wanted to stop running and hug him tight. The men of Safronov will chase us and will try to kill me but I don't care. Rad came for me and I wanted to throw myself at him.
Ngunit biglang nagbago ang isip ko nang marinig ang boses ng isang agent. "Nawawala ang bilanggo!"
Masbinilisan pa namin ni Rad ang pagtakbo hanggang sa makalabas na kami ng gate.
"Nandun sila! Habulin niyo!"
"Bilis! Kilos!"
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Radimir pero sinusundan ko lang siya. Nagtitiwala na kung saan man niya ko dalin ay magiging ligtas ako. May mga Safronov na ang humahabol sa amin. Ang mga iba ay sumakay pa ng kotse at motorsiklo upang maabutan kami.
"Radimir, maaabutan nila tayo." Sabi ko habang masbinibilisan pa namin ang takbo. Hinigpitan ni Radimir ang hawak niya sa aking kamay.
"I won't let them hurt you, Eva. I promise."
And just by his words, all my fears went away. I felt brave. I felt dauntless. As long as I am by his side, I can survive even if two dangerous agencies were fighting for my death. I can live.
Malapit na kaming maabutan ng mga Safronov nang may truck na padaan sa aming direksyon. Ilang segundo na lang ay dadaan na ito sa aming harapan.
"At the count of three." Hindi ko na kailangang tanungin kung para saan ang bilang na iyon. Alam ko na ang nais niyang gawin namin.
"3.." Ilang metro na lang ang pagitan namin sa mga Safronov na humahabol sa amin.
"2.." Pagod na pagod na ang aking mga tuhod kakatakbo. Gusto nang bumigay ng katawan ko at magpahinga.
"1." Nasa mismong harap na namin ang sasakyan.
Sabay kaming tumalon ni Radimir at kumapit sa truck. Malakas ang sampal ng hangin sa aking balat. Nililipad din nito ang aming mga roba.
Pumunta si Rad sa likod nitong truck at sinira niya ang lock ng pinto nito. Binuksan niya ang pinto at pumasok siya sa loob habang inaalalayan niya ko na makapasok din.
Akala ko ay ligtas na kami. Akala ko sa wakas ay maaari na kong magpahinga. Akala ko lang pala.
"Radimir, ano to?" Tanong ko nang makapasok na kami sa loob. Nagsisimula na namang umagos ang luha sa aking pisngi. Inulit ko ang tanong ngunit isang ngisi lang ang sinagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
