Chapter 67
"Just do what I ask or I'll kick your butt." Pagalit na sabi ni Rad.
Walang sumagot.
"Use your mouth. Answer me, you moron."
Napailing-iling na lang ako at tinuloy ko ang aking pagmamaneho. Tinatawagan ngayon ni Rad si Oldie Arthur. Cellphone pala yung kinuha niya sa bulsa nung lalaking sumabit sa pinto kanina.
"Arthur, l-listen. I'm n-not kidding." Napakagat ng labi si Rad at napahawak siya sa sugat niya.
"Kumikirot ba?" Tanong ko na hindi niya sinagot.
Niloud speaker na lang niya yung cellphone at nilapag niya ito sa dashboard.
"Arthur, pumunta ka na sa dating bahay namin. I need a doctor."
(Are you fooling me Asad? Bakit ba ang tagal mong nawala huh? Saan ka ba pumunta? At kung duguan ka na pala, bakit hindi ka na lang pumunta sa hospital? And why on Earth will you visit that place again? Ako ba ang niloloko mo?)
"Eve Williams is with me."
(W-wait what? Eve.. she's alive?) Gulat at hindi makapaniwala tanong ni Tanda. (This is not a good joke time Asad.)
"I'm not joking, Arthur. She.." Radimir sighed heavily. "held me captive."
(Goodness, she's alive.) Hindi pa rin makapaniwala ang tono ng boses ni Tanda. But I was sure there was joy in his voice. Like he really wants me to live.
The thought puts a smile on my face. Sa loob nang maikling panahon ay napalapit na rin ako sa kaniya. It's like we have a connection. And that connection is Faith Bautista.
"Yes so hurry up and go to that place with whatever you need to treat me." Kung ako si Tanda, hindi ko tutulungan si Radimir. Kung ganito rin naman kaangas ang hihingi ng pabor sa akin, hindi ko pagbibigyan.
(I will not go.) Muntikan ko nang mabangga ang kotse sa narinig ko. What!? (If Eve Williams held you captive, why will she set you free? Wh—)
Hindi na ako nakapagtimpi kaya kinuha ko na yung cellphone. Nagmamaneho ako gamit ang isang kamay. Pumasok na ako doon sa gubat.
"HOY TANDA!" Sigaw ko. Good thing that I was not talking to him face to face. Kung hindi, paniguradong babatuhin na naman niya ko ng kutsilyo.
(E-eve? Ikaw ba talaga to?)
Tinahak ko na ang daan na dinaanan namin ni Rad nung nakasakay ako sa motorsiklo niya.
"Ano sa tingin mo? Sino pa bang ibang tumatawag sa'yo ng Tanda?" Umirap ako kahit hindi niya ko nakikita. "Mauubusan na ng dugo si Radimir. Pumunta ka na sa bahay nila sa gubat. Bilisan mo. Kung hindi, isusumbong kita kay Faith Bautista!"
(Pero—)
Pinatay ko na agad ang tawag at binato ko ulit ang cellphone sa dashboard. Ang kulit ni Tanda ah.
"How can we trust Arthur? Paano kung magsumbong siya sa hari niyo na magkasama tayong dalawa?" Tanong ko. Hindi ako pwedeng magpakakampante. Yes, Oldie Arthur has saved me once. But it takes more than that to gain my trust. He is still a Tenebrous after all. And if my guess was right, he already betrayed Faith Bautista before.
"D-don't worry. I trust that man. Alam kong hindi niya tayo tratraydorin." Diniinan talaga niya yung huling salita. Nagbingi-bingian na lang ako.
Hininto ko na ang kotse sa harap ng maliit na bahay nila. Kinuha ko yung cellphone sa dashboard. Lumabas ako at umikot sa direksyon niya. Pagbubuksan ko na sana siya ng pinto pero binuksan niya na iyon. I know he's too weak to walk. Ayaw niya lang ipahalata at ayaw niyang humingi ng tulong.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AzioneHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
