Chapter 11-Rainy Night

2K 66 19
                                        

Tada yori takai mono wa nai

Nothing is more expensive than free

-Japanese Proverb

Chapter 11

Pumasok ako sa Safronov Palace nang basang basa. Agad akong naglakad papunta sa headquarters at sinalubong ni Agent Jackson.

"Eve, what happened? Gabi na ah."

"Long story."

Dumiretso ako sa locker ko at kumuha ng damit. Muntikan ko pang sabunutan yung sarili ko dahil wala pala akong twalya dito.

"Wala kang twalya? Meron akong extra. Hindi ko pa yun nagamit. Promise." Pag-alok ni Jackson.

"Okay lang?" Nahihiyang tanong ko.

"Oo naman." Ngumiti siya sa akin at kinuha yung extra niyang twalya sa locker niya tsaka niya inabot sa'kin.

"Salamat."

Pumunta na ako sa lady's bath room dito sa headquarters at naligo.

Pagkatapos kong maligo, dumiretso agad ako sa desk ko at nag-isip. I can feel Jackson's gaze upon me but I don't have time to care. Hindi na ko ligtas sa bahay ko. Gosh! Maski sarili kong bahay hindi ako ligtas.

Saan ba ako ligtas?

Dito. Alam kong ligtas ako dito sa loob ng Safronov Palace. I need to talk to the queen. Right now.

Tumayo na ako at inayos ko ang sarili ko. Pupunta ako sa Atrium ngayon.

"Eve, okay ka lang ba talaga? Nag-aalala na ko."

Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako okay. Na natatakot ako para sa kaligtasan ko. Na kinakabahan ako dahil gusto akong kunin ng mga Tenebrous. But instead I say, "Okay lang ako Jackson."

~~

Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto ng office ni Queen Callisha. Pumasok ako at nakita ko siyang nagkakape sa table niya. Nakasuot siya ngayon ng isang pormal na business attire. Yumuko ako sa harapan niya.

"Good eve, Eve." Ngumiti ako nang bahagya sa pagbibiro niya.

"Good eve, Queen Callisha."

"Maupo ka." Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table niya. "Hindi pa kita nakakausap tungkol doon sa kwintas na binalik mo sa Safronov. You never fail to amaze me, my agent."

"Anytime Queen."

"Pero may pakiramdam ako na hindi yun ang pinunta mo dito. May problema ba?"

Sasabihin ko ba sa kaniya ang buong detalye? Paano kung lumiit ang tingin niya sa akin dahil malaman niyang nakaaway ko ang Asad ng Tenebrous? Paano kung hindi niya na ibigay sa akin ang posisyon ng pagiging Pier Agent? Malaki ang ineexpect sa akin ng reyna. Mataas ang standard sa akin ng mga tao sa paligid ko.

"Actually, nandito po ako para humingi ng pabor." Tumingin ako sa kaniya para makita ang reaksyon niya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"I want to live here. In the Safronov Palace." Nagulat si Queen Callisha sa hiling ko.

"Wow."

"Pero kung ayaw niyo po ayos lang—"

"No Eve. It's fine with me. Marami tayong available na kwarto. Pinagtatakahan ko lang kung bakit naisipan mong biglang tumira dito sa Palace." Okay. Hindi ako magsisinungaling. Pero at the same time, hindi ko rin sasabihin sa kaniya ang buong detalye.

"An enemy is threatening me, Queen Callisha. At kanina lang ay pinasok niya ang bahay ko. So I think, I'm not safe in my own house."

Tinitigan lang ako ni Queen Callisha nang seryoso. Parang gusto niya pang magtanong pero maspinili na lang niyang manahimik. May kinuha siyang susi sa drawer niya at inabot niya sa'kin. Tinanggap ko naman ito at nagpasalamat.

"You know the room of the former pier agent right? Si Agent Nyah."

"Opo." Of course I know her room. She's my idol. Siya ang kaisa-isang babaeng naging pier agent.

"Okay lang ba sa'yo kung kukunin mo ang room niya? Alam kong patay na siya pero promise hindi siya nagmumulto."

"Of course it's really fine, Queen." Hindi ko na magawang alisin ang excitement sa boses ko. Maraming salamat Radimir dahil ni raid mo ang bahay ko! Thank you talaga!

"Sige Eve. Basta't kapag may kailangan ka, don't hesitate to ask me. Okay?"

"Yes Queen. Thank you." Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at yumuko sa harap ng reyna. Lumabas ako ng Atrium nang nakangiti.

"Eve, ayos ka lang?" Napatalon ako sa boses ni Jackson na sumalubong sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng office ni Queen Callisha.

"Oo naman. Sabi ko sa'yo okay lang ako eh." Nginitian ko siya at lumambot ang puso ko nang makita kong alalang alala siya sa'kin.

"Sige, Jackson. Mauna na ako." Tatalikuran ko na sana siya nang muli niya kong tinawag.

"Sandali lang Eve. Naisip ko kasi na baka hindi ka pa nagdinner." May inabot siya sa aking paper bag at namumula yung tainga niya. "Ah eh kasi ano ahm kasi napadaan ako sa canteen kanina. So naisip ko na rin na bilihan ka."

"Salamat Jackon." Tinanggap ko yung paperbag at nagsimula nang maglakad papunta sa bago kong kwarto. Ang bait talaga ni Agent Jackson, hindi katulad ng isang kakilala ko.

Pumasok ako sa dating kwarto ni Agent Nyah. Ang organize ng mga gamit. Gaano na kaya katagal na tambak ito? Ako na lang ba ulit ang gumamit ng kwarto na to pagkatapos niyang mamatay?

Umupo ako doon sa sala at nilantakan yung pagkain na binigay ni Jackson. Puro karne yung binili niya.

Karne.

Bigla kong naalala yung 6 pack abs ni Radimir. Bad trip! Ano ba tong iniisip ko?

Pagkatapos kong kumain, nagtoothbrush na ako at humiga sa kama. Ang sarap matulog kapag malamig at umuulan. Pero hindi ko makuha yung antok ko. Paulit-ulit nagrereplay sa utak ko si Radimir.

A part of me is worried sick for myself. For my safety.

Another part of me is worried sick.. for him. Iniwan ko siya na punong puno ng sugat ang katawan. At kahit gaano pa siya kalakas, tao pa rin siya. May mga limitasyon. A crazy part of me doesn't want to see him endure pain.

Because he hadn't make me endure pain.

He can hurt me, I'm aware of that. He can break my bones if he wishes to. He can kill me in just a snap of his hand. And yet, he didn't. I poured the hot coffee on him. I tried to stab him using my knife. I left him with thumbtacks all around his body. And he just let me do it. He didn't attack me. He didn't hurt me.

Or he's just saving he's energy?

Baka pagnahuli niya ako ay doon niya ko papahirapan.

You cannot escape from me Eva. I'll find you and I'll punish you. Slowly. Brutally.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon