Chapter 24-Adan

1.7K 44 10
                                        

Radimir is true to his words. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Binibigyan niya nga ako ng mahabang oras upang makapaghanda sa aking kamatayan.

Ibinato ko ang unang dart.

Bull's eye

Nandito ako ngayon sa training room. Pagdadarts ang inaasikaso ko habang si Agent Shiela at Agent Lian ay nagtretraining sa mga dummies.

"Sino bang nagtraining dito sa mga dummies? Bakit lagas lagas na yung mga bulak?" Pagrereklamo ni Shiela.

"Kaya nga! Yung mga kamay din ng dummies naputol na. Di niya ba alam na may mga iba pang agents ang magtretraining dito!? Nakakainis." Padabog din na sigaw ni Lian. Hindi ako umimik. Kunwari wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasasabi nila.

"Eve, alam mo ba kung sino yung nagtraining dito last time? Sukat ba namang sirain ang mga dummies!" Tsaka sumimangot si Shiela.

"Ahh.. Hindi ako ah!"

"Hindi ko naman sinabi na ikaw Eve. Tinatanong ko lang kung kilala mo ba."

"Ah ano eh. Hindi eh."

"Kaasar! Paano pa kami makakapagtraining kung wasak na ang mga dummies? Bad trip talaga kung sino man yung agent na yun."

"Oo nga nakakaasar kung sino man yun." Pag sang-ayon ko. "Wala man lang konsiderasyon sa ibang mga agents. Sukat ba namang sirain ang mga dummies? So irresponsible." I rolled my eyes to emphasize that I am irritated to that agent who destroy the dummies. And that agent is.. me.

"Oo nga! Nakakaasar! Kapag nalaman ko kung sino yun, bubugbugin ko siya." Inis na sabi ni Lian. At wala siyang kaalam-alam na ang agent na tinutukoy niya ay kaharap niya na.

Sa huli ay napagdesisyunan nila na magtraining na lang gamit ang espada at nilampasan na ang mga nasira kong dummies. Tinuloy ko na lang din ang pagdadarts ko. Darts don't improve my strength but I love playing this game. This is my mother's favorite. At nadulas si Mama noon kaya hindi niya sinasadyang masabi na paborito daw ito ni Papa.

"Kanina pa kita hinahanap Eve." Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at lumundag agad ako sa kaniya. Nasapo naman niya ako niyakap ako.

"Agent Adan! I miss you!" Mashinigpitan ko pa ang yakap ko kay Agent Adan.

"I miss you too Eve. Behave ka ba habang wala ako?" Sinuntok ko siya sa braso niya.

"Of course! Gosh! You don't know how lonely I am without you." Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Baby Eve, eh ano yung naririnig ko tungkol kay Jackson?" Kinunotan ko siya ng noo at pinisil ang ilong niya. Seloso!

"Ohh.. Agent Adan is jealous. Don't worry. I still love you more than him." Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Niyakap naman niya ko pabalik.

"I miss you so much but too bad, I will leave again." Bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot. Kakarating lang niya, aalis ulit siya agad?

"Why? Another task?" Tanong ko na may bahid ng pagtatampo.

"Yup. Kumikilos na rin kasi ang mga Tenebrous para mapabagsak tayo. Sinasabutahe nila yung mga transaksyon ng Safronov." Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"I hope you can stay longer."

"I hope too." Malungkot niyang sambit.

"Can't you stay for a while?" Pagsusumamo ko sa kaniya.

"I'm sorry baby. I can't." Humiwalay na ako sa kaniya at nginitian siya.

"It's okay. I understand. But I'm so happy you're safe now. Sa pagbabalik niyo po, darts po ulit tayo hah?" Tumawa lang si Agent Adan sa sinabi ko.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon