Chapter 44
I dropped my pen while I'm studying the files that Queen Callisha gave me. The sound echoes in the entire headquarters. Oo, kahit tunog ng nalaglag na ballpen ay rinig na rinig sa sobrang tahimik. Kaming dalawa lang ni Agent Adan ang pumasok ngayon sa headquarters. Ang mga iba ay nagmumukmok pa rin sa kani-kanilang mga bahay dahil sa nangyari kahapon. Hindi pa rin nila makalimutang trinaydor kami ni Shiela.
"Baby Eve." I raised my head to look at Agent Adan. His desk is positioned a bit far from mine.
"Yes Tito?"
"Nakalimutan ko na pinapasabi pala ni Queen Callisha na puntahan mo siya sa Atrium. Atsaka pag pumunta ka sa kaniya, pakibigay na rin yung mga documents na ginawa ko. May pupuntahan pa kasi ako eh."
"Where are the documents Tito?"
"Nandito sa desk ko. Kunin mo na lang. I need to go now! Bye Anak, I love you!" Tsaka niya binato ang isang mansanas sa direksyon ko. Nasapo ko ito gamit ang isa kong kamay.
"Tsk, Tito Adan! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ang pangit ng combination ng mansanas at ng mga pangalan natin! Masyadong makasalanan pakinggan!" Tumawa kaming dalawa sa biro ko bago siya tuluyang lumabas ng headquarters.
Ilang saglit ko pa pinag-aralan yung files na binigay sa'kin ni Queen Callisha tungkol sa misyon na pinapagawa niya sa'kin. Naglakad na ko papunta sa desk ni Agent Adan para kunin yung documents na ginawa niya.
Urgh! Boys and their messy things! How can Tito Adan worked in this kind of workplace? Hindi ba siya naiirita sa makalat niyang desk? Inayos ko muna yung desk niya. Tinapon ko sa basurahan yung mga kalat niya. He should pay me a salary for this! Binuksan ko pa yung drawer niya para ayusin din sana ito ngunit napahinto ako nang makita ang isang picture doon.
Bata pa siguro dito si Agent Adan. Siguro nasa late twenties siya. Ang pinagtatakahan ko ay bakit kasama niya si Mama sa larawang ito. At bakit niya inaakbayan ang mama ko.
Binura ko ang mga nabubuong kwento sa utak ko. They were agents that time! Si Tito Adan na mismo ang nagsabi na malapit si Mama sa mga kapwa agents niya. So it's normal if Tito Adan will keep a picture of them inside his drawer.
Sinarado ko na ang drawer at kinuha ang documents na ginawa niya.
Bago ako pumasok sa Atrium ay kumatok muna ako. Yumuko ako sa harap ng reyna katulad ng lagi kong ginagawa para magbigay respeto sa kaniya.
"Take a seat, Eve." Umupo ako sa harapan ng reyna. Halatang halata sa mga mata niya na umiyak siya kagabi. I wonder how it feels like. To be betrayed by a person you love.
"Queen Callisha, pinapabigay po ni Agent Adan." Inabot ko sa kaniya yung documents at tinanggap naman niya ang mga ito.
"Thank you Eve." She paused. "Nabasa mo na ba yung mga files?"
"Yes Queen."
"There will be adjustments. Ang files na binigay ko sa'yo ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pagkuha ng Tenebrous sa nawawala nilang kwintas. Nakalagay sa files na sa susunod na linggo pa nila gagawin ang paghahanap ngunit mukhang nagbago ang isip nila."
"What do you mean your majesty?"
"They are planning to do it this afternoon Eve." Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko. Ano raw? Mamayang hapon na? Agad-agad?
"T-this a-afternoon?" Nauutal ko pang tanong kasi hindi ako handa. Akala ko sa susunod na linggo pa.
"Yes this afternoon. Can you do it Eve? Or should I assign another agent to do the task? I can—"
BINABASA MO ANG
Held Captive
AçãoHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
