Chapter 18-Wrath of Asad

1.7K 58 18
                                        

Chapter 18

Tila ba nanigas yung lalaki sa harapan ko at agad lumayo sa akin. Parang kanina lang ay kating kati siyang saktan ako pero ngayon ay bigla na siyang natakot lapitan ako na para bang sa akin nakasalalay ang buhay niya.

Tinitigan ko ang Asad na dahilan kung bakit nanginig sa takot ang lalaking sumugat sa akin kanina. He just walks towards me casually as if this is just a meeting and he's late. And even in his walk, he's scary. Scratch that. He's terrifying.

He is the kind of guy moms warned their daughters about.

The kind of guy who lured daughters to disregard the warnings.

All the Tenebrous agents bowed down to him like they respected him so much. And really, he doesn't deserve to be respected. He continue walking until he is near me. He ignored all the Tenebrous that is giving him so much regard.

He just stands infront of me and stare. His gaze is exploring my features like he's memorizing them. And slowly, his gaze was glued on the wound in my right arm. Something dark crossed his features. He softly runs his finger on my skin, near the wound. I immediately backed away.But he held my arm before I could even step back.

Gone was the casual and civil manner.
Gone was the happy go lucky guy a while ago.
Here is a predator. The one that no one wants to mess with.

"Who did this to her?" Mahinahon lang yung pagkakatanong niya pero nagsitayuan pa rin ang mga balahibo ko. At alam kong ganun din ang naramdaman ng mga Tenebrous na nandito. Walang nangahas umamin dahil lahat sila nanginginig na sa takot.

"WHO DID THIS TO HER!? ANSWER ME!" Muntikan na kong napatalon sa gulat at sa kaba. Lahat ng mga kasamahan niya ay nanginginig na sa takot. Maski ako ay damang dama ko ang galit niya sa sobrang higpit ng kapit niya sa braso ko. Goodness, this man is a walking danger. How could a man as dangerous as him breathe the same air as ordinary people do?

"Answer my question or I will kill all of you painfully and slowly. Who did this to her?" He shouted and I swear, he is serious in doing it. He'll do it without a second thought.

Nabalot ang lugar ng buong katahimikan. Lahat kami naghihintay kung sino ang aamin. Hanggang sa nanginginig na umabante yung lalaking sumugat sa akin kanina. Nakayuko lang siya at hindi niya matignan si Radimir ng diretso sa mata.

"I did it, Asad."

"Why?" Casual na tanong ni Radimir pero hindi pa rin nawawala yung nakakatakot niyang aura.

"Si..sina.. sinabi niyo..po na..ano po B-bantayan namin siya A-Asad." Nanginginig yung tuhod nung lalaki at nakayuko pa rin siya. Hinarap siya ni Radimir na para bang sa aming lahat, siya lang yung hindi nakakaramdam ng tensyon.

"Sabi ko, bantayan niyo siya. Hindi ko sinabing saktan niyo siya."

"Patawad po. Hindi ko po sinasadya." Lumuhod yung lalaki at muling nagmakaawa.

Tinitigan siya ni Radimir na punong puno ng galit. Yan na naman yung titig niya. Yung titig na wala pa siyang sinasabi ay luluhod ka na sa harapan niya at magmamakaawa. Sinakal ni Radimir yung lalaki at itinaas sa ere. Nagpupumiglas yung lalaki pero masmalakas si Radimir. Halos lahat kami dito ay hindi na humihinga. Walang boses na lumalabas sa bibig ko kahit gusto kong magprotesta. Namumutla na yung mukha nung lalaki at parang mawawalan na ng hininga. Doon ko palang nahanap yung boses ko na ayaw lumabas kanina.

"Hey dummy, you'll kill him. Stop. I don't want another dead body outside my house." Tinitigan lang ako ni Radimir at ibinalik niya yung tingin niya doon sa lalaki na nahihirapan nang huminga. Inihagis niya yung lalaki at bumagsak ito sa lupa na naghahabol ng hininga. Humarap si Rad sa mga Tenebrous na para bang wala siyang pakialam na muntikan niya nang mapatay yung lalaki kanina.

"The next time you'll hurt her, I'll hurt you tenfold. Touch a strand of her hair, and I'll make you bald. Put a wound on her arm, I'll slice your whole arm into half. Understand?" Tumango lahat ng mga lalaki. Sa takot na nakikita ko sa mga mata nila ay alam kong alam nila na hindi nagbibiro si Radimir. Gagawin niya kung ano ang sinabi niya. Kahit gaano pa ito kalupit.

"Ngayon binibigyan ko kayong lahat ng tatlong segundo para mawala sa paningin ko. Kung hindi, alam niyo na ang mangyayari sa inyo." Nag-unahan sa pagtakbo ang mga agents.

Radimir is giving us a chance to escape. And no matter how much I hate being a coward in front of him, I cannot fight him with my condition. I was badly hurt.

Tumakbo na ako palabas ng gate at makikipagsabayan sa mga papaalis na Tenebrous nang tawagin ako ng lalaking dahilan kung bakit gusto ko nang makaalis sa lugar na ito.

"Not you, Eva. You stay."

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon