Chapter 78
I was breathing hard after I said those words. I didn't take me eyes off him for the whole time.
He placed his one arm on his chest, habang sinandal niya ang kabilang siko niya doon. His fingers were caressing his chin.
"What did you say Eve? I want to hear it again." He whispered, I almost didn't catch it.
"I'm jealous, Rad." I said with a small voice.
He took a step closer to me. My heartbeat accelerated. My fingertips tingled. I hope he'll hug me, or dare I say it, I wish he'll kiss me.
He leaned on me. His lips brushed my ears and I shivered.
"Then expect me to serve you more jealousy each day, baby."
I gasped, my eyes widen. Sa gulat ko ay hindi pa nagproseso agad ang mga salita niya sa utak ko.
Tinalikuran niya na ko at naglakad palabas ng pinto.
Isasarado na niya ang pinto nang maintindihan ko palang kung ano ang ibig niyang sabihin.
"How dare you Radimir!" Tsaka ko hinagis sa direksyon niya ang isang upuan ngunit nasarado na agad niya ang pinto kaya yung pinto ang natamaan.
Hayop talaga ang lalaking yun. Hindi niya ba alam kung gaano kahirap umamin? Nilunok ko ang pride ko doon. Tapos ganun lang ang gagawin niya? Selos na selos na nga ako, maspagseselosin pa niya ko? What a jerk!
Kumuha pa ako ng isang upuan at hinagis ko ulit ito sa pinto. Wala akong pakialam kung maubos ko pa ang lahat ng mga upuan dito sa palasyo nila. Let me leave a memory to them before they kill me.
~~~~~~~~~
Bull's eye.
Nagdadarts ako dito sa kwarto ko habang nakapaligid sa akin ang mga sirang upuan. Hindi ako nag-abalang mag-ayos. Bahala ang mga Tenebrous na mag-ayos niyan.
Bumukas ang pinto at kitang kita ko sa gilid ng aking mata na pumasok si Rad at si Mira. Hindi ko sila pinansin. Patuloy lang ako sa pagdadarts.
Kahit iwasan ko ay napansin kong hindi na dumidistansya si Rad sa babaeng iyon.
"Oohh.. Our captive must be so je-angry that she even destroyed all the chairs." Panunukso ng leon na hindi ko binigyan ng pansin.
Lumapit siya kay Mira at inakbayan niya ito. "Can you help clean all this mess, Mira?"
Nag-init ang ulo ko sa sobrang inis. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ko maibato sa kanilang dalawa ang dart na hawak-hawak ko.
"Sure, Radimir."
Aba, kung gusto nilang magharutan, huwag sa harapan ko. Pwede ba.
They started to clean the mess. Pasimple akong napapasulyap sa kanila. At sa tuwing mahuhuli ako ni Rad na nakatingin ay ngingisi siya. Tsaka siya maslalapit kay Mira. Nakakainis! Nananadya!
Sa buong maghapon ay ganun ang ginawa niya. Pupunta siya sa kwarto ko kasama si Mira at wala silang gagawin kung hindi ang magtawanan. Sigurado akong pag nagclown yung dalawang yun, sisikat sila. Magsama sila sa kalandian nila.
~~~~~~~~~~~
"That's epic Eve!" Humalakhak nang malakas si Mark.
"There is nothing funny, Mark." Bakas ang pagkaasar sa boses ko.
"But that's funny!" Tapos ay tumawa ulit siya.
"Ngayong nahatid mo na ang pagkain ko, maaari ka nang umalis." Pagtataray ko sa kaniya. Wala akong maupuan dahil nasira ko na lahat ng upuan.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
