Anzuru yori umu ga yasashi.
Giving birth to a baby is easier than worrying about it.
(Fear is greater than the danger.)
-Japanese Proverb
Chapter 34
Hindi ako nakatulog kagabi sa takot na baka managinip na naman ako. Mukhang late yata ang almusal ko ngayon at naririnig ko na yung pagrereklamo ng tiyan ko. Nang bumukas ang pinto ay agad-agad akong nagpunta sa lamesa. Hindi ko kilala yung lalaki ngayon na naghatid ng pagkain pero wala na kong oras na insultuhin siya. Agad agad kong kinain yung dala niyang almusal. Nagtaka ako na hindi pa rin siya umaalis. Pinapanood niya lang ako na kumain.
Maya-maya ay may pumasok pang dalawang lalaki sa kwarto at nakangiti silang humarap doon sa lalaki na unang pumunta dito. Yung isang lalaki ay mataba samantalang yung isa ay pandak.
"Wala si Agent Arthur. Tapos nakikipag-usap ang Asad sa hari." Lumipat ang tingin nilang lahat sa akin. "Pwede na tayong maglaro."
Bigla akong ginapangan ng kaba. Sana mali ang kutob ko sa gagawin nila. Agad kong kinuha yung bread knife sa tray kahit hindi naman talaga tinapay yung kinakain ko.
"Sigurado ka ba diyan? Baka mahuli tayo. Lagot tayo sa Asad."
"Hindi yan. Matagal pa yung makikipag-usap sa hari. Tsaka ikaw din, minsan lang tayo magkaroon ng magandang bihag."
Gusto kong isuka yung kinakain ko sa sinabi nung lalaki. Alam kong kaya kong depensahan ang sarili ko pero tatlong araw na kong nakahiga lang at walang training. Atsaka mag-isa lang ako, tatlo sila.
"Miss, gusto mong maglaro?" Huminto ako sa pagkain at tinitigan ang lalaki na nagsalita.
"Kung kayo lang din naman ang kalaro ko, ayoko." Bumalik na ako sa pagkain ko at nakita kong nainsulto sila sa sinabi ko.
"Feisty." Komento nung unang lalaki at nilapitan ako. Nakakainis, gutom na gutom ako tapos iniistorbo nila ko sa pagkain ko.
"Move closer and I will kill you." Pagbabanta ko doon sa lalaki pero hindi niya pa rin ako pinakinggan.
It's time to prove him that I don't give empty threats.
Tumayo ako mula sa silya na kinauupuan ko at binato sa kaniya yung bread knife. Nilakasan ko ang pwersa kaya bumaon ito sa kaniyang kaliwang mata. Tsk. Simula ngayon hindi na makakakita yang maniac mong mata.
"Aba't palaban ka ah." Naiinis na sabi nung pangalawang lalaki na mataba tsaka niya ko sinugod. Kinuha ko yung tray na may lamang mga pagkain at binato ko sa kaniya. At ang loko, sinapo pa ang mga pagkain tsaka pinagsususubo.
"Chank chu." Saad niya at ngumiti sa akin.
Dahil sa pagkainis ko doon sa tabachoy ay hindi ko napansin na tinaob pala nung pangatlong lalaki na pandak yung lamesa kaya natabunan ako nito. Hindi ako makagalaw habang napipitpit ako ng lamesa at sahig. Ganito pala ang pakiramdam ni Rad nung ginawa ko ito sa kaniya dati. Lumapit sa akin yung pandak at lumuhod siya sa tabi ko. Sinabunutan niya ako habang yung mataba ay patuloy lang sa pagkain.
"You're a slave here. Do what I ask you to do." Mashinigpitan niya pa ang pagkakasabunutan sa buhok ko. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang aking pagsigaw sa sobrang sakit. Inipon ko ang aking pwersa para sipain yung lamesa na nakaibabaw sa akin at nagtagumpay ako. Lumipad sa ere yung lamesa at agad kong tinadyakan yung pandak. Nawala yung kapit niya sa aking buhok kaya kinuha ko na agad ang oportunidad na iyon para tumayo. Yung lalaki kanina na binulag ko ay iyak lang nang iyak sa isang sulok.
Mukhang napagtanto ng pandak at mataba na hindi agad ako susunod sa mga walang kwentang iuutos nila. Sabay silang sumugod sa aking direksyon at hinanda ko na ang aking sarili. Hinila ko ang kamao nung pandak at hinarang ko ang katawan niya sa paparating na sipa nung mataba. Kaya ang nasipa nung mataba ay yung pandak. Umalis agad ako sa likuran nila kaya yung pandak lang yung nadaganan nung mataba kasabay nang pagburp nito. Dugyot.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
