One kind word can warm three winter months.
-Japanese Proverb
Chapter 39
Today is Thursday. And Thursday means death threats day. Pagkaupo ko sa aking desk sa head quarters ay nandoon na yung mga death threats.
Magbabasa na sana ako nang umiiyak na tumakbo papalapit sa akin si Yvonne.
"Eve.." Agad akong napatayo at sinalubong siya.
"What happened Yvonne?" Hindi niya ko sinagot bagkus ay umiyak lang siya nang umiyak sa aking balikat. Hinaplos ko yung likod niya. Basang basa na ang aking damit dahil sa kaniyang luha.
"Why are you crying? Hey, face me." Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa kaniyang balikat at hinarap ko siya sa akin.
"Eve.. Si Jung." Pinunasan niya ang kaniyang luha pero patuloy pa rin ito sa pag-agos. "May kasama siyang ibang babae."
"Nasaan siya ngayon?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Biglang nag-init ang ulo ko. Siya ang kauna-unahang lalaki na sineryoso ni Yvonne! Tapos sasaktan niya ang kaibigan ko nang ganun-ganun lang?
"Eve, hayaan mo na."
"No! Answer my question. Where is he?" Umiling-iling lang siya at hindi niya ko sinagot.
"Nasa bar siya ano Yvonne? Yung lagi nating pinupuntahan."
"Eve, hayaan mo na lang please."
Hindi ko siya pinakinggan bagkus ay lumabas ako ng headquarters. Tinatawag niya ko pero hindi pa rin ako huminto. Susugudin ko ngayon si Jung at walang makakapigil sa'kin. Nakasalubong ko si Jackson sa hallway at hinila ko siya gamit ang kaniyang kwelyo.
"Whoah Eve! Saan tayo pupunta?" hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ako sa pangangaladkad sa kaniya. Hindi ko pa rin pwedeng suwayin ang utos ni Queen Callisha na hindi ako pwedeng lumabas ng palasyo na walang kasama.
Pagkalabas ko ng palasyo, napangiti ako nang makita ko ang aking McLaren F1 na nakapark sa di kalayuan. Dinala pala nila ito dito.
"Where's the key of my car?" Tanong ko kay Jackson habang kwinekwelyuhan ko pa rin siya, nilabas niya yung susi ko. Kinuha ko ito at binuksan ang pinto sa back seat. Binagsak ko siya doon at umikot na ko sa driver's seat.
"Tough love." Bulong niya habang iniistart ko na yung engine at nagdrive na ako papunta sa club.
"Itatanan mo na ba ko Eve?" Nang-aasar niyang tanong.
"Manahimik ka diyan."
"Sasama naman ako sa'yo. Hindi mo na ko kailangan kaladkarin." Hindi ko siya sinagot dahil wala ako sa mood makipaglokohan ngayon.
Pinark ko ang aking McLaren F1 sa harap ng club at agad-agad akong lumabas sa sasakyan. Nagmamadali akong naglakad papasok sa loob. Sumunod si Jackson sa aking likuran at hindi na nagtanong. Natagpuan ng aking mga mata si Jung na nagma-mop ng tubig na natapon sa isang table. Ang kapal ng mukha ng janitor na ito. Siya pa talaga ang may ganang magloko.
Walang pagdadalawang-isip ko siyang sinugod. Sinuntok ko siya sa panga at bumagsak siya sa tubig na minamop niya kanina. Nabasa ang kaniyang uniporme na pangjanitor. Nakagawa kami ng eksena at maraming customers ang pinagbubulung-bulungan kami. Sa ordinaryong sitwasyon ay mahihiya ako pero ngayon ay wala na akong pakialam. May dalawang bouncers na papalapit sa aming direksyon pero sinenyasan sila ni Jung na siya na ang bahala dito. Tumayo siya at humarap sa akin na walang emosyon ang mukha.
"Ano pong gusto niyo?"
"Gusto kong biyakin yang bungo mo at ilibing ka ng buhay." Matigas kong tugon.
"Obvious naman na yun ang gusto mo sa sobrang lakas ng suntok mo." Pinunasan niya yung dugo galing sa pumutok niyang labi. Nasa likuran ko lang si Jackson at hindi nagsasalita.
"Kulang pa yan sa ginawa mong panloloko sa kaibigan ko."
"Wala akong niloloko, miss."
"Girlfriend mo si Yvonne pero sumama ka sa ibang babae. Hindi ba panloloko ang tawag doon?"
"Una, hindi ko girlfriend si Yvonne. Pangalawa, may trabaho ako kaya hindi ko maiiwasang makisalamuha sa ibang mga tao." Natulala lang ako doon at hindi makaimik. Kung hindi pa ko siniko ni Jackson ay hindi ko mahahanap ang boses ko.
"W-what do you mean? Y-yvonne Castillo i-is not your girlfriend?" He crossed his arms on his chest and looked at me like he is annoyed.
"Lagi niya akong kinukulit pero lagi ko naman siyang tinatanggihan. Minsan hinahayaan ko lang siya dahil nakukulitan na ko. Mukhang inassume yata niya na kami na." Binuka ko ang aking bibig pero walang salitang lumabas. Anong ibig niyang sabihhin? Pinahiya ko ang sarili ko dahil sa pag-aassume ni Yvonne?
"P-pero kasi ang sabi niya kayo na."
"Hindi kami. Wala ka na bang ibang sasabihin? Kasi kung wala na, marami pa kong trabaho." Walang mga salitang gustong kumawala sa lalamunan ko. Hindi ako makapaniwala! Sobrang napahiya ako! Isang malaking sampal ito sa akin. Kahit hindi ako sanay gawin ito, lumunok ako at pilit kong binitawan ang dalawang salitang ito.
"I-I'm sorry." Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil hindi ko pa rin tanggap na ako yung nagkamali.
"Ano? Hindi ko narinig." Ngumiti siya sa'kin na halata namang narinig niya pero gusto niyang ulitin ko.
"I'm sorry." Masnilakasan ko pa yung boses ko at sigurado na akong narinig niya iyon.
"Ano ulit? Masyadong mahina. Hindi ko narinig."
"Enough." Pumagitna na si Jackson sa aming dalawa. "Hindi mo ba narinig na nagsorry na siya? Pwede bang patawarin mo na lang siya. Bro, pinapahiya mo na siya eh."
"Jackson, it's fine." Muli kong hinarap si Jung at buong puso ko nang inamin yung pagkakamali ko. "I'm sorry Jung. First time ko palang kasing nakitang sobrang nainlove si Yvonne kaya hindi ko mapigilang maging overprotective. Kung may gusto ka sa kaniya, please huwag mo na siyang pahirapan. Pero kung wala ka naman palang nararamdaman sa kaniya, sabihin mo na agad para hindi na umasa ang kaibigan ko. Sorry talaga sa ginawa ko kanina. Inaamin kong nagkamali ako." Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun ay agad-agad akong lumabas sa club at sumakay agad ng aking McLaren. Nilunok ko ang pride ko doon! Binaba ko ang pride ko dahil lang sa assuming kong kaibigan. Nakakainis!
"Ako na lang ang magdradrive kung gusto mo Eve. O gusto mo munang mag-unwind? What should I do to make you happy Eve?"
"Let's just go back to the palace Jack. Kailangan naming mag-usap ni Yvonne."
~~
Pagkapark na pagkapark ko ng aking McLaren ay dumiretso agad ako sa headquarters. Mabuti na lang at wala dito yung mga ibang agents at si Yvonne lang ang natira. Agad siyang tumayo nang nakita niya kong papalapit sa kaniya.
"Nakapag-usap ba kayo ni Jung? Anong sinabi niya? Galit ba siya sa'kin?" Nag-aalala niyang tanong at gusto ko siyang sampalin. Puro siya Jung. Hindi niya ba alam na pinahiya ko ang sarili ko kanina para lang sa kaniya? Tapos sasalubungin niya ko na puro Jung ang laman ng bibig niya.
"Alam mo kung anong sinabi niya?" Hindi ko napigilang umirap. "Sinabi lang naman niya na hindi pala kayo Yvonne. Pinagmukha mo kong— Urgh! Napahiya ako doon. Pinagtanggol kita sa kaniya kasi akala ko niloko kaniya! Pero ako lang pala yung niloko mo!"
"Eve, I'm inlove with him! Can you blame me? Hindi pa ko naging ganito kabaliw sa isang lalaki. Ngayon palang!" Matapos niya kong pagtaasan ng boses ay bigla siyang huminahon. Hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. "I'm sorry Eve. I'm so sorry. Hindi ko naman plinanong lokohin ka. Akala ko lang kasi talaga.. gusto niya rin ako."
"Yvonne," Malambing kong tawag sa kaniya. I hate what she did. But a sick part of me understands her. "Forget it. Forget him. There are other billions of men waiting for you."
"But I want him. Over those billions of men, I chose him Eve. I want him."
"You are free to choose who to love," I put some of the strands of her hair at the back of her ear. "But so can they."
BINABASA MO ANG
Held Captive
AzioneHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
