Chapter 37
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang mga luha na patuloy sa pag-agos mula sa aking mga mata. Malabo na rin yung paningin ko dahil sa luha habang pilit kong tinatandaan yung ruta na dinaanan namin ni Radimir nang papunta kami sa palasyo ng Tenebrous.
"Pero ang isa ko pang pinapagawa sa'yo, nagawa mo na ba?"
"Of course. I worked on it without even a sweat."
"I know you can do it. I know you can make Eve Williams fall in love with you."
Marahas kong inumpog ang aking ulo sa headrest habang nagmamaneho ako. Nakakainis! Niloko niya ako. At ako naman si uto-uto, nagpaloko.
Naghalo-halo na ang aking mga emosyon. Hindi ko na rin maramdaman ang kirot sa aking binti dahil pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko sa sobrang sakit.
Pero isa lang ang sigurado ko sa mga oras na to, hindi nagtagumpay si Radimir. I must admit it, I am attracted to him. But that's it. I'm not really inlove with him.
My Science teacher in high school once discussed about a disorder called Stockholm syndrome. It refers to a group of psychological symptoms that occur in some persons in a captive or hostage situation. People who experience Stockholm syndrome essentially mistake a lack of abuse from their captors for an act of kindness. They get so emotionally attached to their kidnappers to the point that they defend them. To the point that they learned to love their captors.
And I'm pretty sure I'm experiencing this one. This is not love. This is just Stockholm syndrome.
Lumiwanag ang aking mukha nang mapansin ko na malapit na ako sa teritoryo ng Safronov. Hindi tinted itong sasakyan kaya napansin at nakilala agad ako ng dalawang security guards na nagbabantay sa gate.
"Agent Eve!" Agad nilang binuksan yung gate at tinawag ang mga kasamahan namin sa loob ng palasyo. Masyado na kong nanghihina kaya hindi ko na napansin kung sinu-sino ang mga agents na dumadating sa direksyon ko. Nang makapasok ako sa gate ay agad kong pinatay ang makina at nawalan na ko ng lakas upang tumayo. Napapikit ako at sumandal sa upuan. May nagbukas ng pinto ng sasakyan pero hindi ko na alam kung sino iyon. Naririnig ko ang mga boses na alalang-alala sa akin.
"Agent Eve, anong nangyari?"
"Eve, wake up!"
"What happened to her? Gosh!"
Naramdaman kong may mga kamay na nagbuhat sa akin palabas ng kotse. At bago pa talaga ako tuluyang mawalan ng malay, ang nag-aalalang mukha ni Jackson ang huli kong nakita.
~~~
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napabangon ako nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Nandito ako sa kwarto ni Mama sa palasyo at pinapalibutan ako ng mga kaibigan ko.
"Eve, kamusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Yvonne at hinaplos niya ang pisngi ko.
"We're so worried Eve. Gusto mo na bang kumain? Gusto mo ba ng tubig? Ano?" Natatarantang tanong ni Jackson.
"Okay na ko. Salamat." Nginitian ko silang lahat. Nandito rin si Agent Damien at yung ibang mga agents.
"Do you want to be alone first?" Concern na tanong ni Queen Callisha. Tumango ako sa kaniya. Gusto ko muna talagang mapag-isa ngayon.
"Thank you Queen Callisha. Haharapin ko po kayong lahat kapag handa na ko. Sorry po kung pinag-alala ko kayo." Ayaw pa sanang umalis nina Yvonne at Jackson pero wala na silang magagawa kapag reyna na ang nag-utos.
I'm finally here where I truly belong, in the hands of Safronov. And this time, I will never let the Tenebrous get on my way. Never again.
Maya-maya lang ay may ingay akong naririnig sa labas ng kwarto ko. Napaupo ako sa pagkakahiga ko.
"Let me in!"
"Sir, utos po ng reyna na wala munang papapasuking bisita."
"Please, I just want to see her!"
Boses iyon ni Agent Adan. Biglang bumukas ang aking pinto at nang makita ako ni Agent Adan, tumakbo siya sa aking direkson at binigyan ako nang mahigpit na yakap.
"Sorry po Agent Eve. Mapilit po si Agent Adan." Paumanhin nung body guard.
"Okay lang po iyon. Salamat. Maiwan mo na kami." Lumabas na yung body guard at naiwan kaming dalawa ni Agent Adan dito.
"Anak, what happened? Papatayin mo ko sa kaba? Sinabi sa amin ni Jackson ang nangyari. Totoo bang ang mga Tenebrous ang kumuha sa'yo?"
"Opo Tito."
"Ano pang masakit sa'yo? Kumain ka na ba? Kung buhay pa ang mama mo, paniguradong lagot ako sa kaniya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Agent Adan at kumalas ako sa pagkakayakap namin para tignan ang mukha niya.
"You know my mother?" Maliban kay Radimir ay wala nang nakakaalam kung sino ang Mama ko. Wala akong pinagsabihan ng sikreto ko kahit kanino. Mukhang nagulat siya sa tanong ko pero sumagot din siya agad.
"N-no. Pero diba, kahit sino pa ang magulang mo, alam k-kong magagalit siya k-kapag napahamak ka." Tumango ako.
"Tito, kilala mo ba si Faith Bautista?"
"Yung dating agent sa Safronov na ngayon ay nakakulong na sa Citadel?"
"Opo. Kilala mo ba siya?" Binigyan ako ni Agent Adan ng isang malungkot na ngiti. Para bang may naalala siya tungkol kay Faith.
"Kilalang kilala ko siya Eve. Nung kasing edad mo ako, nakakasama ko siya sa mga misyon dahil parehas kaming agents. Alam mo ba kung sino ang pier agent nung mga panahong iyon?"
"Sino po?"
"Yung idol mo." Ngumiti ako sa kaniya.
"Si Agent Nyah po?"
"Oo. Malapit kaming lahat kay Agent Nyah. Sobra. Isa si Faith sa mga pinakamagaling na agents ng mga panahong yun. Kaso nagtraydor sa amin si Faith. Nakipagrelasyon siya sa isang Tenebrous. Hanggang sa makulong siya sa Citadel at tuluyan na siyang nabaliw."
"Tito, gusto ko pong makausap si Faith Bautista." Mukhang nagulat si Agent Adan sa hiling ko.
"Sigurado ka ba diyan Eve?"
"Opo. Kahit hindi pa po ngayon. Pero gusto ko po talaga siyang makausap. Please?"
"Sure. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa'yo Anak." Lumambot ang ekspresyon ko nang tinawag niya akong anak. Sa bawat pagtawag niya sa akin ng anak ay maslalo kong hinihiling na sana siya na lang talaga ang tatay ko.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
