Chapter 12-Faith Bautista

2K 65 22
                                        

サイレント男はを聞くために最高の男です

Sairento otoko wa o kiku tame ni saikō no otokodesu.

A silent man is the best man to listen to.

-Japanese Proverb

Chapter 12

Nandito pa rin ako sa dating kwarto ni Agent Nyah at kumakain ng carbonara. Binibisita ako ni Yvonne at nangangamusta.

"Kaninang umaga ko lang nalaman na dito ka na pala nakatira sa Palace."

"Biglaan. Alam mo naman ang mundong ginagalawan natin, ang raming pagbabago."

"I wonder who's your enemy. For the first time, nathreaten ang isang Eve Williams."

She laughed.

I didn't.

"Nga pala, pinapatawag ka pala ni Agent Damien."

"Sige salamat. Mauuna na muna ako sa'yo. Babalikan kita mamaya."

"Sure. Lumayas ka na! Wag mo kong sisihin kung magutom ako at kainin ko yang carbonara mo."

Ngumiti ako at pumunta na sa office ni Agent Damien. Kumatok ako bago pumasok.

"Eve, maupo ka." Umupo ako sa upuan na nasa harap ng office table ni Damien. Sa kablang gilid ay meron ding tatlong babaeng agents.

"Si Queen Callisha sana ang kakausap sa inyo kaso may inaasikaso siya ngayon. You will be in a mission. And well.. you will be in a bachelor's party." Namula si Damien at hindi makatingin ng diretso sa amin. "You will be the dancers."

"WHAT!?" Nagchoir pa kami ng mga kasama ko. Oh my goodness! All my life hindi pa ako nakatanggap ng ganitong klaseng misyon.

"Wait. Huminahon muna kayo okay? Ganito kasi yun. Ikakasal na ang isang agent ng Tenebrous at magpapabachelor's party siya at the end of the month. Ang kailangan niyong gawin ay lasingin sila para masmadali silang magbigay ng impormasyon sa inyo. This is our best chance to get information from them. Alam kong hindi kayo makikipaglaban at manununtok sa assignment na to. But this is very necessary. Kung gusto nating mapabagsak ang Tenebrous, you need to succeed on this task. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango kaming lahat. Point taken. Mission accepted.

"And Eve, ikaw ang inaasahan ni Queen Callisha na maglead sa grupo. According to her, if you want to be a pier agent, make sure you succeed." The three agents gasped. Yumuko ako dahil ayokong makita nila yung pagngiti ko. Minsan lang dumating ang oportunidad na to. Being a pier agent is a big big big responsibility. Pinilit kong kumalma at hindi pinahalata yung paa ko na halos tumalon na sa sobrang saya.

"You can count on me, Agent Damien." Inabutan kami ni Damien ng tig-iisang folder.

"Nandiyan ang mga information na kailangan niyong malaman. Don't worry dahil sa katapusan pa naman yang bachelor's party. Matagal pa. That's all for today. Meeting adjourned."

Lumabas kaming lahat sa office ni Damien at bumalik agad ako sa kwarto ko. Sumalubong agad sa akin ang plato ko na wala ng laman. Ubos na agad yung carbonara.

"Don't tell me I didn't warn you." Depensa agad ni Yvonne nang makita niyang nakatingin ako sa plato ko.

"I thought it was an empty threat." Umupo ako sa sofa ko nang nakasimangot, naghihinayang sa carbonara.

"Huwag ka ngang sumimangot diyan! Mukha kang bibe!" Tsaka ako binato ni Yvonne ng isang libro. Sapul sa noo ko.

"Aray! Pasalamat ka distracted ako kaya hindi agad ako nakailag! Babawi-- whoah." Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na yung libro na binato niya sa akin ay yung The Last Olympian. Yung panglima na libro sa Percy Jackson series. Matagal ko na tong hinahanap pero wala sa mga bookstores. Lumapit ako kay Yvonne at niyakap siya nang mahigpit.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon