Chapter 69
"She's waiting for you inside." Salubong sa'kin ni Tito Adan sa labas ng interrogation room.
"Thank you Tito Adan." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Just call me when you need me. Babalik na ko sa headquarters dahil may aasikasuhin pa ko." Pinitik niya yung ilong ko bago siya umalis.
Pinihit ko ang doorknob at pumasok na sa loob. Sinarado ko ang pinto at umupo sa upuan na kaharap ni Faith Bautista. Malokong ngiti agad ang sinalubong niya sa'kin.
"Little agent, ano ang maipaglilingkod ko sa'yo? What will you ask this time?"
"I will not ask anything tonight Faith Bautista."
Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko at nilaro niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri. "Kung wala kang tatanungin, bakit mo pa ko pinatawag?"
"May nagpapabigay kasi sa'yo nito."
Nag-aalinlangan kong inabot sa kaniya ang pulseras na galing kay Tanda. I know they both deserve to settle things between them. They need to let go of each other. They are in so much pain for too long.
But a protective part of me hates Arthur for hurting her. Hindi man nila sabihin ay alam kong si Arthur ang Tenebrous na tinutukoy ni Faith Bautista. At pagkatapos kong masaksihan ang nangyari kay Yvonne nang dahil sa pagtratraydor sa kaniya ng isang Tenebrous, maslalo kong nadama ang paghihirap ni Faith.
Binuksan ko ang palad ni Faith na nakayukom at nilagay ko doon ang pulseras. Nakatingin lang siya doon at nakatulala.
"You... you already m-met him?" Ang ekspresyon niyang laging maloko ay sobrang nangungulila ngayon.
"I did. Mula pa nung binihag ako ni Radimir sa palasyo nila. Tinulungan niya kong tumakas."
Unti-unti nang tumutulo ang luha ni Faith Bautista. Sa matagal na panahong binibisita ko siya ay ngayon ko palang siya nakitang magkaroon talaga ng tunay na emosyon. She was always joking. If not joking, she's always shouting and doing things like a crazy woman would do. But right now, she's different. Like I am facing a different Faith Bautista.
"And Arthur told me that he was sorry. He regrets everything he did. He also said that.. it's time."
Napatingin agad siya sa akin. "What did you say?"
"He told me that, it's time."
Inipit niya ang pulseras sa pagitan ng kaniyang mga kamay at dibdib habang iyak siya nang iyak. Gusto kong maawa pero nangingibabaw ang pagkairita ko.
"Faith Bautista, will you please stop crying like a baby! That man fooled you! How can you still cry over him after he betrayed you!"
Hindi niya ako pinakinggan, patuloy lang siya sa pag-iyak. Simula nang mawala si Yvonne ay nagkaroon na naman ng panibagong galit sa puso ko. Gusto kong kalimutan na ni Faith si Arthur. Gusto kong makawala na siya sa pag-iibigan nilang wala namang pinatunguhan.
"He doesn't deserve your love. Can you hear me Ms. Bautista? I—"
"Eve.." She murmured while still sobbing. Gusto niyang huminto na ko sa mga sinasabi ko. Pero ayokong tumigil. Naalala ko si Yvonne. Kung sana hindi ako tumigil na pagsabihan siya, kung sana ay pinigalan ko talaga siya, hindi sana siya nawala. I will not do the same mistake to Faith Bautista.
"Arthur is a good guy. Pero Bautista, ilang taon ka na bang nakakulong dito sa Citadel at ngayon lang siya nagparamdam. Ngayon ka lang niya naalala. Ba—"
"Eve, Arthur is your father." Pabulong lang niyang sinabi yun pero rinig na rinig ko. Para niyang sinampal ang aking tainga. I can even hear vibrations in my ears.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcţiuneHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
