You can know ten things by learning one.
-Japanese Proverb
Chapter 46
"Very good Eve. Wow. I didn't expect you can get this necklace so easily." I didn't expect it too, Queen Callisha. I wanted to say. Hindi ko akalaing ibibigay lang ito ni Radimir sa'kin. I mean, Tenebrous was searching for that necklace for decades! DECADES! At ngayon na nakita na nila ito, ipinamigay lang ito sa'kin ni Radimir na para bang napulot lang niya ito sa kanto.
"Nakita ba nila ang mukha mo Eve? Baka malaman nilang buhay ka pa." Kinabahan ako bigla. Nakita ako ni Radimir! Nalaman niyang buhay ako!
"No. Wala pong nakakita sa mukha ko." Sinungaling ka Eve! Nahahawa ka na ba kay Radimir?
But I have no choice. Kapag nalaman ng reyna na alam na ni Rad na buhay ako ay hindi na naman niya ko bibigyan ng misyon. Ikukulong na naman niya ko sa palasyo.
"And Eve, maaari bang ibigay mo to kay Shiela para sa akin?" May inabot siya sa akin na isang envelope. Kinuha ko ito agad. Hindi makatingin sa'kin ang reyna. Alam kong nasasaktan pa rin siya dahil sa ginawang pagtratraydor sa amin ni Shiela.
"Sure Queen Callisha."
Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at yumuko sa harap ng reyna. Pinihit ko na ang doorknob at aalis na sana nang tawagin ako ulit ni Queen Callisha.
"Eve, I hope you will not betray me like Shiela did. I trust you." I shivered like someone has dropped an ice cube down the back of my shirt. Because Queen Callisha's words are heavy. I don't know if I have the ability to carry them. And because I almost lose her trust. I almost betrayed the Safronov.
Hinarap ko siya at binigyan ng ngiti. "I will not betray you your majesty. I promise."
~~
Lumabas ako sa Atrium at imbes na dumiretso ako sa Citadel, dumiretso ako sa kwarto ni Mama. Nilock ko agad ang pinto. Alam kong pribado ang sulat na ito pero hindi ko kayang pigilan ang curiosity ko.
Binuklat ko ang sulat at binasa ito.
Shiela, nalaman kong nakakulong ka na pala ngayon sa Citadel. Ibig sabihin, hindi na kita mapapakinabangan. Hindi na kita mauutusang magmanman at magnakaw ng mga dokumento sa Safronov. Wala ka ng kwenta sa akin. Kalimutan mo na ako. This will be the last words you'll hear from me.
xxKenneth
Nakakainis na mga Tenebrous yan! Mga manloloko!
Gusto kong punitin ang sulat na to. Gusto ko tong ipakain sa Tenebrous na nanloko kay Shiela. She gave up Safronov for him! She betrayed us for him! At ano to? Ngayon na nakulong si Shiela tsaka niya iiwan? Naiinis ako. Gusto kong manapak. Gusto kong manuntok.
Bigla akong napaisip. Hindi kaya nabasa na ito ng reyna? Kaya ba hindi siya makatingin sa akin kanina? Kasi katulad ko, baka nacurious din siya. Sa gitna ng pagkainis ko ay napangiti ako. May pagka-chismosa din pala ang reyna.
Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa Citadel. Ganun pa rin ang kulungan, walang pinagbago. Tumataas pa rin ang balahibo ko kapag pumapasok ako dito. Hindi ko maisip na dito na titira si Shiela panghabang buhay: Kasama ng mga kriminal. Kasama ng mga itinakwil ng Safronov.
Agad kong nakita ang kaniyang selda dahil magkatabi lang sila ni Faith Bautista. Nakatingin lang si Faith sa pader at mag-isang nagsasalita. Si Shiela naman ay nasa isang sulok at umiiyak. Hindi siya sanay sa ganitong paligid. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. May rehas sa pagitan naming dalawa.
"Eve, ayoko na dito. Nagmamakaawa ako, alisin mo ko dito." Gulo-gulo na yung buhok ni Shiela. Gusot na din ang kaniyang damit. Namumula na rin yung mga mata niya at halatang walang tulog. Malayong malayo sa Agent Shiela na nakakasama ko lagi sa bar.
"Sorry Shiela. Pero wala na kong magagawa. Nandito lang ako para ibigay sa'yo ang sulat na to."
Inabot niya ang sulat at agad itong binasa.
"Shiela, huwag ka sanang mabibigla." Pero di niya napansin ang sinabi ko dahil ang buong atensyon niya ay nandoon sa sulat.
"Did you make this up?" Tanong niya.
"I didn't."
"Inimbento mo lang ito Eve."
"Mali ang iniisip mo Shiela."
"Hindi to gagawin sa'kin ni Kenneth! Sinungaling ka Eve! Sinungaling ka!" Pinunit ni Shiela yung sulat at nagwala. Gusto ko siyang sapakin. Gusto kong iumpog ang ulo niya sa pader para matauhan siya.
"Shiela please! Gumising ka na! Ginamit ka lang ni Kenneth! Pinaglaruan ka lang niya!"
"Hindi. Sinungaling ka! Mahal ako ni Kenneth! Mahal niya ko! Umalis ka na Eve! Ayaw kitang makita! Alis!" Hinahampas niya yung rehas. Gusto kong magalit sa kaniya. Gusto ko siyang sabunutan dahil ako pa ang naging masama sa paningin niya. Pero hindi ko magawa. At ayokong gawin. Kasi naiintindihan ko siya. Kasi naloko na rin ako ng isang Tenebrous.
Without saying another word, I turned my back on her and started to walk away.
~~
"Ready Eve?"
"Always Jack."
Lumabas kami ni Jackson sa aking McLaren F1. Pinark ko ito na medyo malayo sa malaking storage house. May misyon kami ngayon. Simula nang gumana ang plano ko ay binibigyan na ko ng reyna ng mga delikadong assignments.
"Ako ang papasok sa back door tapos ikaw naman sa front door." May tinuturo akong direksyon sa mapa na hawak namin ngayon. "Hindi ko alam kung ilang tagabantay ang meron sa loob ng storage house. Basta ang mahalaga ay makuha natin yung mga dokumento na sinabi ng reyna."
"Okay. Mag-usap na lang tayo sa earpiece niyan."
"And one more thing Jack, if I already got the documents, I will leave immediately. At kapag ikaw naman ang nakakuha ng mga dokumeto, kailangan mo nang bumalik sa Safronov kahit hindi mo ako kasama."
"But I cannot leave you Eve." He said it in an exaggerated way that means he's bluffing.
"Huwag mo nga akong dramahan diyan Jackson. Alam mo naman ang paniniwala natin diba? Saf-"
"Safronov first. Ourselves last." Pagtutuloy niya sa dapat na sasabihin ko.
"Very good Jack. Now it's time to part ways."
Dumiretso agad si Jackson sa front door habang ako naman ay sa back door. May dalawang tagabantay doon. Tulog.
Badtrip, naging security guards pa ang dalawang to kung matutulog din naman pala sila.
Sinuri ko pa ang lugar. Nang may makita akong CCTV sa pader, agad ko itong sinira. Walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa storage room. Tambak-tambak na mga dokumento ang bumungad sa akin. Nandun na rin si Jackson at naghahanap na.
"Nasira mo na yung CCTV sa front door?" Tanong ko kay Jackson.
"Oo. Ikaw?"
"Oo naman. Ako pa."
Masyadong maalikabok etong lugar kaya bahing ako nang bahing. Madilim din kaya nahirapan kaming mangalkal. Pagkatapos ng tatlumpung minuto, nahanap na rin ni Jackson yung mga dokumento.
"Yes! Nahanap ko na Eve!"
"Ang galing mo Jackson!" Sa sobrang saya ay hindi ko na napigilang yakapin si Jackson. Naramdaman kong nanigas siya at naistatwa. Namula din yung kaniyang tainga at mga pisngi. Bigla akong humiwalay.
"S-sorry."
"O-okay lang Eve. Ahm, A-ano. T-tara labas na tayo." Nauutal na siya at mukhang kinakabahan. Anong nangyari dito? Maglalakad na sana kami nang biglang sumara nang marahas yung front door. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mali.
"Sa back door tayo lumabas Jack." Tumakbo kami palabas ng back door pero sumara rin ito nang marahas. May narinig akong click na nangangahulugang nilock ang mga pinto mula sa labas.
Biglang nagsisulputan ang mga lalaking may dalang armas sa iba't ibang direksyon.
"Akala niyo ba ganun na lang kadaling magnakaw ng mga dokumento sa amin?" Lumapit sa amin yung isang lalaki. "Diyan kayo nagkakamali."
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
