Nou aru taka wa tsume o kakusu.
The talented hawk hides its claws.
-Japanese Proverbs
Chapter 31
I woke up feeling confused because there is no sunlight greeting me from the window. Then I remember, I am still in the dungeon.
No windows. No way out.
I sighed in defeat. So will I just lie here and wait for my death? Fat chance. I am not that kind of girl!
I got up and did my morning rituals. I may not think of a good escape plan now. But soon, I will.
Bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok dito ang isang lalaki na siguro ay apatnapu hanggang apatnapung lima ang edad. May dala siyang pagkain na marahil iyon ang aking almusal.
"Agent Arthur, pagkatapos niyo raw pong dalan ng almusal yang bilanggo, pumunta ka sa opisina ng Asad." Rinig kong tawag sa kaniya nung kasama niya sa labas.
"Salamat." Tugon niya na hindi lumilingon at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa kwarto. Huh. Just because he's old that doesn't mean I will save him from my insults. Old or young, they are all Tenebrous. Wicked, heartless Tenebrous.
"So you're also one of Radimir's worms?" Pang-aasar ko doon sa lalaki pero hindi man lang niya ko pinansin bagkus ay nilapag lang niya ang pagkain sa lamesa. Ganun ba yun, kapag matanda na, snob na?
"Know what?" Pagtutuloy ko pa sa sinasabi ko. "I don't get it kung bakit niyo sinusunod si Radimir. You are fighters. You were train for battles. Bakit niyo hinahayaan si Radimir na gawin lang kayong utusan---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang itapon sa akin nung lalaki yung kutsilyo. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakakilos agad. Hindi niya ko nasugatan ngunit nahiwa ng kutsilyo ang ilang hibla ng aking buhok bago tumama ang kutsilyo sa dingding na nasa aking likuran.
Nakanganga akong tinitigan ang hibla ng aking buhok na nasa sahig.
"Next time, learn to respect the elders." Inayos niya na ang aking pagkain sa lamesa na parang walang nangyari kanina.
"Then next time just tell me to shut up instead of ruining my hair!" Padabog akong lumapit sa lamesa at nilantakan ang mga pagkain. Even my breakfast looks like a royal food. Naglakad na palabas yung lalaki at nang nahawakan niya na ang doorknob, muli niya kong nilingon.
"Do you know Faith Bautista?" Tanong niya at bigla akong naistatwa sa kinatatayuan ko.
"Why?" I asked him while staring at him questioningly.
"Nothing. Nevermind." At tuluyan na siyang lumabas ng pinto. I murmured insulting names to him after he closed the door. What's with him and Faith Bautista?
Whatever. None of my business. My business here is how to escape this room. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nakalock ito. Umatras ako ng ilang mga hakbang palayo at kumuha ng bwelo. Tumakbo ako papunta sa pinto at sinipa ito nang malakas ngunit hindi nasira. Ni hindi man lang bumukas.
I impatiently roam the whole area. I am Eve Williams! I don't spend my whole life fighting the greatest warriors to be just locked up inside a room!
Goodness! Anong tingin nila sa akin? Isang baboy na nakakulong. Papakainin nila at papatabain. Pero kapag dumating na yung birthday celebration, kakatayin na nila para sa kasiyahan ng mga bisita.
Right. They think of me as a pig.
I should think of a way out. Even though escaping Tenebrous Palace seems impossible, I must make it possible. I am Eve Williams! I am--
Wait. Napalundag ako at napasigaw sa tuwa. Bakit ko ba nakalimutan?
Agad agad akong pumasok sa bathroom at nakita ko doon yung maliit na bintana sa taas. Kinuha ko yung wooden chair sa mini sala ng kwarto ko at sumalampa ako doon para nasa eye level ko na yung bintana. May salamin na nakatakip dito. And now this is my problem. I should find a way to break this window.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Kinuha ko yung mga pinggan na pinagkainan ko at binato ko doon sa salamin ngunit walang nangyari. Sinubukan ko ring suntukin ito ngunit yung kamay ko pa yata ang napuruhan imbis na yung salamin.
Napahinga ako nang malalim at nawalan ng lakas ng loob. Siguro nga ay wala na talagang kwenta tong ginagawa ko. Siguro nga kahit na anong gawin ko ay hindi na ko makakaalis sa lugar na to. Bumaba na ako ng upuan at lalabas na sana ng banyo nang makita ko ang shower.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kinuha ko yung hand-held shower head at binato doon sa salamin. Nabasag ito at ang mga ilang bubog ay nalaglag sa sahig at sa upuan. Niyugyog ko yung upuan para maalis yung mga bubog doon. Umakyat agad ako doon at nilabas ko ang aking ulo sa binatana. Kitang kita ko ang labas ng palasyo. Tumatama ang malamig na hangin sa aking mga pisngi. Hula ko ay nasa likod ng palasyo ang binatana na ito dahil walang mga Tenebrous na nagbabantay sa baba.
Yes! Goodbye Tenebrous Palace!
BINABASA MO ANG
Held Captive
AzioneHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
