Chapter 17
Paalis na ko sa Safronov Palace nang tawagin ako ni Jackson.
"Eve!"
"Jackson." Nginitian ko siya nang maglakad siya papalapit sa akin.
"Ahm eh ano. Para sa'yo." Namumula yung pisngi niya na inabutan ako ng tsokolate.
"Ahm. Salamat. Pwede bang magtanong Jackson?"
"Nagtatanong ka na."
"Pilosopo ka." Sabay ngiti ko.
"Joke lang. Ano bang itatanong mo?"
"Bakit mo ba ko binibigyan ng mga tsokolate?" I know that when a guy gives chocolates to a girl, it means he's courting her. But I don't want to assume things. I don't guess situations, I study them.
"I want to court you Eve." So that's it.
Huminga ako nang malalim at binigyan si Jackson ng malungkot na ekspresyon. "I'm sorry Jack. You're a good guy but I'm not into this kind of things. You're kind and---"
"Handsome but I'm not the right girl for you. You deserve someone better." Pagtutuloy niya sa sasabihin ko. Hindi ko mapigilang matawa kasi ginaya niya talaga yung tono ng boses ko. "I know you will say that Eve. But please, just let me do this. Just accept this chocolate. Please?"
"Pero Jackson—"
"I'm giving this to you because.. I'm a friend. Pwede naman yun diba?" Sa huli ay sumuko na rin ako at tinanggap ko yung tsokolate. Hindi talaga sya papapigil aneh?
"Yes!" Sigaw niya at para bang may sinuntok siya sa ere.
"Sige, mauna na ko." Umalis na ko at sumakay sa aking McLaren F1. Ngayong hapon uuwi ako sa bahay ko para kumuha ng mga damit. Paniguradong wala na doon si Radimir at hindi pa naman niya siguro sinusunog ang bahay ko.
Nagmaneho ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate. Hindi ko na pinasok ang kotse ko sa garahe dahil hindi rin naman ako magtatagal. Pinatay ko ang makina nito at pumasok sa gate. Pero pagkapasok ko ng gate, hindi ko inasahan ang bumungad sa akin.
Tenebrous agents.
Siguro ay nasa mga trenta sila. I know I'm good at fighting but I cannot take down 30 Tenebrous agents alone!
"Siya ba yung sinasabi ng Asad na hintayin natin?" Tanong nung isang lalaki sa mga kasama niya.
"Oo. Siya na yun. Kulot daw at blonde ang buhok. Tapos maputi." Sagot pa sa kaniya nung isa. Tinignan ko yung taas ng ankle nila para masiguro kong Tenebrous nga sila. May tattoo silang skull at sa baba nun ay dalawang buto na hugis ekis. Mga Tenebrous nga sila. At pinapunta talaga sila dito ni Radimir para abangan ako? Akala ko ba sa August 15 pa ang pagkamatay ko pero mukhang atat na atat na siyang paslangin ako.
Someone ran toward me and was about to attack me but I dodged his strike. I pulled out the knife that is hidden in my boots and fight back.
"Brave little agent. Akala mo ba makakaya mong mag-isang kalabanin ang trentang agents ng Tenebrous?" Panunukso sa akin nung umatake sa akin.
Tsk. Worthless words. Alam ko ang ginagawa niya, pinapatagal niya ang oras at ginugulo ako para hindi ko ibigay ang buong atensyon ko sa pakikipaglaban. Pero aksyon ang gusto ko kapag nakikipaglaban, hindi puro satsat.
Inatake ko siya at nagawa kong sugatan ang braso niya. Sumigaw siya sa sakit at umatras kaagad. Duwag.
Naalarma yung ibang mga Tenebrous kaya pinalibutan nila ako. Sabay-sabay silang aatake at alam kong wala kong laban. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kutsilyo. Inalala ko ang pagkamatay ni Agent Nyah, ang pagkabilanggo ni Faith Bautista at ang pagiging ulila ni Queen Callisha. Lahat ng mga yun ay dahil sa mga Tenebrous na ito. Namuo yung galit sa loob ko at maslalong lumalaki yung kagustuhan kong bugbugin sila.
Sabay sabay yung limang agents na sumugod sa akin. Sinipa ko sa dibdib yung unang lalaki. Hinawakan ko nang mahigpit yung buhok ng pangalawa at pangatlong agent tsaka ko sila pinag-untog at tinapon ko yung dalawa nilang katawan sa paparating na pang-apat at panglimang agent. Naramdaman ko na may paparating sa harapan at likuran ko kaya gumilid ako. Resulta, nagkabungguan yung dalawa. Nakaramdam ako ng kamao na dumapo sa aking braso kaya napaupo ako pero tumayo rin agad. Binato ko yung kutsilyo ko doon sa sumuntok sa akin at tumama ito sa tyan niya.
May paparating sa direksyon kong dalawang lalaki kaya hinanda ko na ang sarili ko para sa tira nila. Ngunit hindi ko namalayang may lalaki din pala sa likuran ko at hinampas ang likuran ko gamit ang isang kahoy. Nakailag ako pero natamaan pa rin ang gilid ko. Napakagat ako ng labi sa sobrang sakit. Agad kong ginantihan yung lalaking iyon. Sinuntok ko siya sa mukha at hinagis ko yung katawan niya doon sa dalawang lalaki na paparating at sabay-sabay silang napahiga sa lupa. Binawi ko yung kutsilyo ko doon sa tyan nung Tenebrous na nasaksak ko kanina.
May isang maskuladong lalaki ang paparating sa akin at may hawak na espada. Balak niya yata akong saksakin pero napigilan ko ang espada niya gamit ang aking kutsilyo.
Nice. Hiyang hiya ang kutsilyo ko sa espada niya. Nagbuhos pa ako ng pwersa kaya tumilapon yung espada niya at nasaksak yung isa niyang kasama. Ginamit ko ang oportunidad na iyon para masaksak yung binti nung lalaki. Kinuha ko muli ang aking kutsilyo mula sa kaniyang binti at sinipa siya sa dibdib. Bumagsak siya sa lupa. Maghahanda na sana ako upang umatake sa mga natitira pang mga Tenebrous nang nakaramdam ako ng mahapdi na humiwa sa aking kanang braso.
Pagkasulyap ko ay umaagos na dugo agad ang nakita ko.
"Masakit ba huh?" Panunuya nung lalaking sumugat sa akin. Ang malala pa niyan, kanang braso ko ang sinugatan niya. Hindi ako marunong makipaglaban gamit ang aking kaliwang kamay. Nasanay ako na kanan ang ginagamit ko.
Now I'm absolutely sure I'm dead.
Lumapit yung isa pang agent sa akin nang nakangiti. Mukhang napagtanto niya na medyo nagkaroon ako ng disadvantage. Nginitian ko lang siya. Nasugatan ako pero hindi ibig sabihin nun ay mahina na ko. This man wants a bloody fight, I'll give it to him then.
Umamba siyang susuntukin ako ngunit nahawakan ko kaagad ang kamao niya at pinilipit ko ito. Sa peripheral vision ko ay nakita ko yung isang lalaki na naglabas ng baril at akmang babarilin na ako pero binato ko sa kaniya yung kutsilyo ko at tumama ito sa kaniyang dibdib.
Dumakot ako ng lupa at hinagis sa mga mata ng mga agents at napapikit sila.
"Aray!"
"Magbabayad kang babae ka!"
May isang Tenebrous na inagaw yung kutsilyo ko na nakasaksak sa dibdib nung isang lalaki at binato sa kanang braso ko pero agad akong nakailag. Yung mga iba naman ay kumuha ng mga bato at pinupuntirya nilang batuhin ay yung sugat ko sa kanang braso. Kung hindi ko mailagan ay sinasangga ko ang bawat tira nila. Madaya. Babatuhin nila ako nang babatuhin hanggang sa mapagod ako nang kakailag at kapag napagod na ako, doon nila ako aatakihin at kakalabanin.
At nagtagumpay sila, nang makita nila na pawisan na ako, huminto na sila sa pagbabato at nilapitan ako ng lalaki na sumugat sa aking kanang braso kanina.
"Dagdagan pa natin ang sugat mo." Panloloko niya at tumawa yung ibang mga agents sa sinabi niya. I hate this feeling. This feeling of being helpless.
I've been feeling this all my life.
I'm so tired of it.
Akmang susuntukin niya na yung isa ko pang braso nang may marinig kaming boses. Nakakatakot at maotoridad.
"Touch her and lose a finger."
British Accent.
I don't need to take a glimpse just to know who he is. I know that voice well. The voice I heard in my sweetest nightmares. The voice of the Tenebrous' Asad.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
