Chapter 76-Upsetting Talk

1.4K 37 15
                                        

Chapter 76

Bigla niyang nilabas ang kaniyang kutsilyo at binato ito sa aking direksyon. I already prepared myself for the attack that's why I easily avoided it. His knife was buried on the frame behind me.

"I told you to respect the elders." Matigas niyang sabi.

"You don't deserve my respect, sorry."

Lumapit siya sa kabilang dulo ng lamesa. He leaned down, his hands were resting on the table.

"When will you stop that spoiled brat attitude? I should have known that Nyah could not raise you well."

"Don't you dare put my mom in this conversation!"

Pinalo ko nang marahas ang lamesa. Nag-init ang ulo ko. How dare him! Wala siyang karapatang insultuhin ang Mama ko. Wala siyang karapatang sabihing hindi ako pinalaki ni Mama nang maayos. Inako ni Mama lahat ng responsibilidad na binitawan niya.

Walang pagdadalawang-isip kong dinukot ang kutsilyo na nakatusok sa frame na nasa likod ko at binato ko ito sa kaniya. Agad siyang nakailag. Nagalit siya sa ginawa ko.

"Eve will you please—"

Hindi ko siya pinakinggan. Pinagbabato ko sa kaniya ang mga pinggan na pinagkakainan ko. Sinasangga niya lang ito at hindi siya tumitira.

"Stop now Ev—"

Nang mabato ko na sakaniya ang mga pinggan ay naghanap pa ko ng ibang ibabato. Kinuha ko yung upuan ko at hinagis ko ito sa kaniya. Sinapo niya ito at hinagis sa pader. Sobrang lakas ng paghagis niya na ultimo ako ay nanigas sa kinatatayuan ko. Maingay na nawasak at natumba ang upuan sa sahig.

"TAMA NA, PWEDE BA!? TAMA NA!"

The vein in his temple was throbbing. Pulang pula na rin ang mukha niya.

"You're overreacting Eve!"

"Overreacting!? You called this overreacting, Oldie!?" Lumapit ako sa kaniya at dinuro-duro ko ang dibdib niya gamit ang aking daliri. "You killed my mom! You took the most precious possession I had! And now you're insulting her in front of me? How dare you!"

Tears were welling up in my eyes, blurring my vision. My lower lip was literally trembling.

"Hindi ko ginustong gawin yun! Pero pinag-utos yun ng hari. Hindi ko siya pwedeng suwayin."

I hate the fact that he was still defending himself. Couldn't he just say that he was sorry? Hindi ba pwedeng sabihin na lang niya na nagsisisi na siya? But I can't even see guilt in him.

"So that's it? You just killed my mom for some stupid order from a jerk? Ganun na lang ba yun kadali sa'yo?" Ngayon ay wala nang hinto ang luha ko sa pag-agos. I didn't want to look weak in front of him but talking about my mom was just too much to bear. And the way he talked about my mom's death like it was just another ordinary death hurts me so much.

"I am a Tenebrous, little agent! Anong gusto mong gawin ko? Suwayin ko ang Tenebrous para lang sa inyong dalawa? I am loyal to my agency. Not even a family can break that loyalty!"

"YOU'RE A SELFISH OLD BASTARD!" Sinuntok-suntok ko ang kaniyang dibdib. Hindi ko matanggap na ganito siya kababaw. Hindi ko matanggap na ganun lang kaliit ang tingin niya sa aming dalawa ni Mama. My mom loved him! That he even rejected Tito Adan for him. Pero kung makapagsalita siya ay parang hangin lang si Mama na nadaanan niya.

"Stop it Eve." Hindi ako nagpaawat. Patuloy ko siyang pinapalo sa dibdib habang iyak lang ako nang iyak.

"I wish you are not my father. I wish.." Unti-unti nang humina ang mga suntok ko na kanina niya pa iniinda.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon