Chapter 64-Cold Words in a Cold Night

1.3K 45 33
                                        

Chapter 64

Mugto ang aking mga matang nakatitig kay Radimir. Nandito ako sa isang kwarto at tinatanaw siya mula sa bintana. Nasa ikalawang palapag ang kwartong ito. Nakatitig lang siya sa kawalan. Nakaupo at nakasandal siya sa rehas. His eyes were full of anger. His expression was hard.

Guilt and remorse were playing in my head. He should not be there. He didn't deserve to suffer. If I just knew that betraying him would be this hard, I would never consider Yvonne's dying wish.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng kusina. Gabi na at hindi pa ko kumakain. Wala akong gana. But one of my mother's teachings is never to skip meals. I should force myself to eat even if I didn't want to.

Kumukuha na ko ng kanin at ulam nang madatnan ko si Jackson na pasipol sipol. Kumuha siya ng isang tray. Naglagay siya ng kanin at pinaghalo-halong ulam sa isang mangkok. Bahagya akong nandiri dahil parang pagkain ng aso ang hinahanda niya. Nagsalin din siya ng tubig sa isang lalagyan. Yung lalagyan ng tubig ng mga aso.

"I thought dogs are not allowed in this area. May aso ba tayo dito?" Tanong ko sa kaniya nang masiguro na yung pagkain talaga na hinahanda niya ay para sa isang aso.

"Well, now we have." Hindi ko pa nagets yung sinabi niya pero nung dinungaw niya si Radimir mula sa bintana ay naintindihan ko na.

Bago pa ako makapagprotesta ay lumabas na si Jackson ng bahay. Lumapit siya sa kulungan ni Rad. Binuksan niya iyon at nilapag ang tray na dala-dala niya. Pagkatapos nun ay sinarado niya ulit yung kulungan.

Nagtaka ako na hindi man lang naglaban si Rad. Doon ko nakita na nakaposas na pala ang isa niyang kamay sa isang rehas. Ni hindi niya nga tinapunan ng tingin si Jackson. Galit lang siyang nakatingin sa kawalan.

"Hoy leon, sorry ah. Naubusan kasi kami ng lalapain mo. Kaya pagkain na lang ng aso ang kainin mo ah?" Tumawa pa si Jackson pagkatapos niyang sabihin iyon. Para wala lang narinig si Rad at hindi niya pinansin ang panloloko ni Jack.

Tuluyan na talaga akong nawalan ng ganang kumain kaya dali-dali akong nagkulong sa aking kwarto. Nadudurog ang puso ko na makitang ganun si Radimir. He has never been helpless. He always got the confidence in him. Pero sa tuwing nakikita ko siyang walang magawa habang nakakulong sa kaniyang hawla, gusto ko na namang umiyak. Parang hindi siya iyon.

Hinintay kong makatulog ang lahat ng mga Morgan at Safronov bago ako lumabas ng kwarto. Alas dose na ng madaling araw at heto ako. Parang pusa na natatakot mahuli ng mga aso. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng kanin at mga ulam. Kumuha din ako ng isang bottled water. Nilagay ko ang mga ito sa tray.

Sobrang lamig ng gabi. The cold wind slapped my cheeks as I went outside. I am wearing my pj and my jacket. Dala-dala ko ang tray hanggang sa nasa harapan na ko ng kulungan niya.

I know he saw me. I know he heard my steps. But he was acting like he didn't.

"Radimir."

I called his name but he didn't respond. Parang lang akong hangin na napadaan. Isang anino na hindi naman kailangang bigyan ng pansin.

I kneeled beside his cell so that my eyes would level his. Nilapag ko ang tray sa aking tabi. Kinuha ko yung pinggan at kutsara. Luminga-linga ako sa paligid para makasigurong walang nanonood.

I scooped a spoonful of rice and meat. I looked at him and I gasped, surprised that he was staring at me. But those teasing eyes he wore whenever he looked at me were gone. Affection, gone. Interest, gone.

His eyes were blank. He was staring at me with no emotions at all.

I bit my lip to stop myself from crying. My heart is breaking as I look at those blank eyes. I feel like I was floating. My whole body felt numb.

I cleared my throat. I avoided his gaze.

"You need to eat Rad." Ipinasok ko ang aking kamay na may hawak ng kutsara sa rehas.

Tinaasan lang niya ko ng kilay. "You already gave me my food right?"

Napadako ang aking paningin sa dog foods na nasa tabi niya. Hindi niya ito ginalaw. Inipon ko aking lakas para tumingin ulit sa kaniya.

"That's not your food Rad." Sinabi ko nang mariin. "Please just eat. Kailangan mo ng lakas."

"Huwag ka ngang umarte diyan na akala mo nag-aalala ka sa'kin. Wala ka naman talagang pake diba?" His tone was so cold. I felt frozen. Gusto kong itanggi ang paratang niya pero hindi ko magawa. Kasi in the first place ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa sitwasyong ito.

Nakaramdam ako ng patak ng tubig. Tumingala ako at nakitang umaambon na pala.

"Pumasok ka na. Baka maabutan ka pa ng ulan at magkasakit ka." Malamig pa rin ang tono niya. Masmalamig pa ito kaysa sa gabi.

Tinatagan ko ang aking ekspresyon. "I won't leave until you eat."

Nagtiim bagang siya. Maslalo ko pa yata siyang nainis. "Will you please stop being stubborn!? Just go inside so you won't get sick!"

Hindi ako nagpatinag sa galit niyang boses. "Fine. I'll go inside after you eat."

Inilapit ko muli ang kutsara sa kaniyang bibig. Binigyan niya ako nang masamang tingin. Tinaasan ko lang din siya ng kilay.

"Stubborn lady."

Padabog niyang sinubo ang pagkain. Patuloy ko lang siyang sinusubuan hanggang sa maubos niya yung kanin at ulam. Inabot ko yung tubig sa kaniya. Ininom niya ito ng isang lunukan at muling binalik sa akin yung bote. I was about to get the bottle from him when I accidentally brushed my hand on his. The feel of his skin sent million electric volts all over my body. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit agad niyang binawi ang kaniyang kamay. Na para bang isa akong nakakadiring mikrobyo na ayaw niyang hawakan.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko kapag tumitig pa ko sa mga blanko niyang mata ay bigla na lang akong maiiyak.

Nililigpit ko yung mga pinagkainan niya nang matigilan ako. Bigla siyang nagsalita.

"Ngayon ako naman ang naging bilanggo mo. Masaya ka na ba?"

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at sumalubong sa akin ang mga mata niyang punong puno ng galit.

"Hindi ako masaya Rad."

Tumawa siya nang pagak. Pati balahibo ko nanginig.

"Come on. Huwag na tayong maglokohan dito. Trinaydor mo nga ako nang harap-harapan diba. Tapos ngayon sasabihin mo sa'kin an hindi ka masaya? Sinong niloko mo?"

"Radimir hindi kita niloloko."

"Whoah. Anong tawag mo dito?" Nilahad niya ang kaniyang mga palad sa kulungan niya. "Hindi ba panloloko to Eve?"

I was stunned. I can't even move. A part of me dies when he called me Eve. What happened to the way he calls me Eva? What happened to the nickname he gave me?

Oh but do I have the rights to complain? I deserve his cold treatment. I deserve this pain.

I ignored his question. Tumayo na ako dala-dala ang tray at tinalikuran siya. Maglalakad na sana ako pabalik nang muli siyang magsalita.

"Ako dapat ang manloloko sa'yo pero mukhang ako ang naloko mo. Ako dapat ang kokontrol sa'yo pero di ko namalayang ako na pala ang kinokontrol mo. Ikaw dapat ang mahuhulog sa'kin pero ako ang nahulog sa'yo."

Hindi na nakakatakot yung tono niya. Pabulong lang niyang sinabi yung huling pangungusap. Halos hindi ko ito narinig. I bit my lower lip stopping myself from sobbing. Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"You have the talent to turn the table, huh, Eve?"

Bumalik na naman ang matigas na tono ng boses niya. Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad-agad akong pumasok sa loob para hindi niya makita ang aking pag-iyak.

Almost everyone has warned me that loving a Tenebrous would be painful.

But I never thought it would be this painful. I never thought it was this kind of pain. The kind of pain that will knock the air out of your lungs. The kind of pain that will make you shudder in a warm night. The kind of pain that will make you hate even the brightest stars.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon