Chapter 73
I was about to shout his name. I was about to scream as I watched the men shoot my Romeo when..
Radimir laughed. Yung tipo ng tawa na nakakapanindig balahibo.
Walang lumabas na bala sa mga baril. The men kept on pulling their triggers again and again. Pero wala talagang bala. Something in my chest ached. I was so proud of him. Though, I did not have the rights to feel proud. Mautak talaga ang leon. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang bangis.
Nawawala lang talaga ang talino niya pagdating sa akin.
Nagsimula na ang bakbakan. They were moving like flashes. I was about to turn and go home, halata naman kasi na kayang kaya na silang talunin ni Rad. Pero hindi nakaligtas sa aking mga mata na pinupuntirya nila ang likod ni Radimir. It's been days since the Morgan inflicted those wounds at his back. Pero sigurado akong sasakit ang mga yun kung matatamaan nang malubha. Bigla akong nakaramdam ng matinding galit.
Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako sa pinagtataguan ko at pinagbabaril ang mga lalaki. They were surprised by my presence. I used those precious minutes to shoot at them. Tatlong lalaki agad ang napabagsak ko.
Nang makabawi sila sa pagkabigla ay sinugod din nila ako. Naghati kami ng mga kalaban ni Rad. My attention was focus on the enemies, but I could see the irritated face of Rad in my peripheral vision.
"You woman, I told you to go!" Sigaw niya habang ang lubid na hawak-hawak niya—na hindi ko alam kung saan nanggaling—ay pinulupot niya sa leeg ng kalaban.
"And man, it's obvious that I didn't follow you!" Sigaw ko habang sinubukang isampal sa akin ng kalaban ko ang kaniyang baril. Sinangga ko kaagad iyon. Sa gilid ko naman ay may isa pang lalaking ihahampas sana ang hawak niyang baril sa akin ngunit nahuli ko ito. I held the gun tightly. Tsaka ko ito tinulak nang marahas kaya marahas din na natulak iyong may hawak.
"I can handle them! Now go!" Pagtataboy sa akin ni Rad habang binuhat niya ang kaniyang kalaban na animo'y kasing bigat lang ito ng isang manika. Tsaka niya ito hinampas sa isang puno.
"I want to fight with you!" Pagmamaktol ko habang tumatakbo ako palayo. Kailangan ko ng kaunting distansya sa mga kalaban ko upang masmaging mabisa ang paggamit ko sa aking baril. I have a gun, I can shoot in a longer range. While them, well they have guns—unfortunately they have no bullets—so they can just attack me in a closer distance. Which give me an advantage.
"I want you to be safe!"
Warmth suddenly grew in my system. In that abrupt moment, the men of Vermilion faded. The blood was now out of sight. There is just me, and his words echoing in my ears. I want you to be safe.
Boogsh!
Hindi ko namalayang nasuntok na pala ako ng isang lalaki at agad akong napahiga sa lupa. Goodness, I was not in the fight. Nawala ako sa focus at konsentrasyon.
Kumuha yung kalaban ko ng isang bato.
Agad kong inangat ang aking baril. Pinaputukan ko siya ngunit masyado siyang mabilis. Agad siyang nakailag.
Inangat niya ang kaniyang kamay upang batuhin ako ngunit nabitawan niya agad ang bato na hawak-hawak niya nang may kutsilyo na tumusok sa kaniyang tiyan mula sa likod.
Nabuwal ang lalaki sa lupa kaya nakikita ko na nang malinaw ang lalaking nasa likuran niya. Hawak-hawak ni Rad ang kutsilyo habang nakatingin sa akin nang masama. "You're more hard headed than a preschool."
Nakita ko ang pagsugod ng dalawang lalaki sa kaniyang likuran kaya agad kong binaril ang mga iyon. Ni hindi man lang kumurap si Radimir sa putok ng baril.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
