Chapter 61
Kinabukasan ay nakita ko si Yvonne na bihis na bihis. Palabas na siya ng palasyo nang abutan ko siya.
"Yvonne!"
"Oh, Eve." Ang sigla ng aura niya. She's giving me that wide smile.
"Saan ka pupunta?"
"Jung asked me on a date. So.." Tinaas-baba niya pa yung kilay niya sa akin.
"Yvonne, I told you. He's just using you." Nawala agad ang pagiging masigla niya at napalitan ng pagkairita.
"Eve, pwede ba. Kung malungkot ka ngayon huwag mo na kong idamay."
Aalis na sana siya pero hinarangan ko ang dadaanan niya. I should make her stay. I need to make a plan.
"Yvonne, madilim na. Dito ka na lang muna sa palasyo. Bukas na lang kayo lumabas ni Jung."
"Eve—"
"Kung gusto mo, punta tayo sa bahay. Movie marathon tayo. May bago akong mga pelikula. Bili tayo ng maraming popcorns—"
"Eve will you please stop!? Look, I'm excited to be with Jung today. Stop being so pathetic. Kung gusto mong magmukmok, wag mo na kong isama. Magmukmok kang mag-isa mo."
Nilagpasan niya na ko at naiwan akong tulala. Gusto ko siyang habulin pero natatakot ako na mga masasakit na salita lang ang ibibigay niya sa'kin.
I thought only a man could break my heart into pieces. I never thought a friend could, too.
Hindi ako mapakali na palakad-lakad sa kwarto ko. Kanina ko pa tinatawagan si Yvonne pero hindi siya sumasagot. Muli kong dinial ang number niya.
The subscriber cannot be reached please try again later.
Goodness Yvonne, answer the call!
Muli kong dinaial ang number niya.
"Answer the call Von. Come on. Answer the call."
The subscriber cannot be reached please try again later
Napasuntok na ko sa pader. I'll do anything just to talk to her right now. If she wants to go to the club every night, I'll come with her. Just answer the call, Yvonne.
Hindi na ko nakatiis kaya kinuha ko na ang jacket at susi ko tsaka ako lumabas. Pumasok ako sa aking McLaren at pinaharurot ito. Habang nagmamaneho ako ay tinatawagan ko si Yvonne. At ang bruha, hindi sinasagot ang tawag ko. Mukhang enjoy na enjoy siya sa date niya.
Kahit nakaaircon ako ay sobra akong pinagpapawisan. I can't stop my hands from shaking. The hair on my nape felt cold. Masama ang kutob ko. Pakiramdam ko may masamang mangyayari.
My phone rang and I immediately clicked the answer button. "Yvonne I've been calling for a hun—"
(Eve this is not Yvonne. This is Jackson.)
Disappointment filled my heart. Where is Yvonne? What happened to her? The thought of her being in danger makes me want to cry.
"J-ackson. Uhm hey. May kailangan ka?" Si Jackson ang kausap ko pero na kay Yvonne ang utak ko. Palinga-linga ako sa paligid nagbabaka sakaling makita ang kaibigan ko.
(I just want to say sorry. Sorry kung ano man ang dahilan ng galit mo. Eve, hindi ako mapakali. Please patawarin mo na ko.)
"Ah.. okay."
Pumunta ako sa park kung saan madalas pumupunta ang mga couples. Puro mga vendors lang na nagtitinda ng kung anu-ano ang nakita ko. Bukod doon ay wala na.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
