The tounge is three inches long, yet it can kill a man six feet high.
-Japanese Proverb
Chapter 33
I never trust the Tenebrous. Yet here I was, kissing one of them. I know this is wrong. I know I shouldn't be doing this but I just can't seem to stop.
He let go of my wrist and his hand rested on my back. Doon ako natauhan at bigla ko siyang tinulak. Tinalikuran ko agad siya para hindi niya makita ang ekspresyon ko.
"Don't make things complicated Eva." I ignored him. I brushed the back of my hand on my lips trying to erase the feel of his kiss. Nang hindi pa ko nakuntento ay pinunas ko ang sleeve ng aking damit sa aking labi.
"No matter how hard you try, you cannot erase what happened awhile back." I masked my feelings before I turned to him. I stared at him with a poker face betraying none of my emotions. Even though I felt like my knees are trembling. Even though I just want to be gone right here. Right now.
"I want to rest. So if you please, get out of this room." He looked like he wanted to argue but at the same time respected my request. Para bang gusto niya talaga akong bigyan ng space na hinihingi ko.
Hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha at naglakad na palabas ng pinto. Ngunit bago niya pa isara ang pinto ay sinulyapan niya ako nang nakangisi.
"Don't be so hard on yourself. Admit it that you're attracted to me."
Sumara na ang pinto at doon lang bumigay ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader. Niyakap ko ang aking mga binti at nilagay ko ang aking baba sa tuhod ko.
Kissing him is a sin! It is a crime!
Inumpog ko ang ulo ko sa pader. What I did is a betrayal to the Safronov. Kailangan kong itatak sa utak ko na kahit anong mangyari, hindi kami pwede ni Radimir. Isang fantasy lang ito at malayo sa realidad. Isa siyang Tenebrous. Isa akong Safronov. Sa huli ay tratraydorin ko lang siya o kaya siya ang magtratraydor sa akin. Nasa dalawang iyon lang ang pagpipilian. Nanatili ako sa ganitong posisyon sa loob ng maraming oras. Sa sobrang gulo at pagod ng isip ko ay nakaramdam ako ng antok. Nararamdaman kong bumibigay na ang talukap ng aking mga mata at parang mapupunta na yata ako sa isang panaginip.
It was a rainy cold night. Tears were pouring down from my eyes. The meadow is empty and quiet. All I can hear is my sob and the rain drops. As far as I remember, it was the last time that I cried.
No. Not this dream. Ayoko nang balikan ang pangyayaring ito. Gusto kong magising. Ngunit ayaw nang bumukas ng aking mga mata at tuluyan na kong nahigop sa aking panaginip.
My face was so wet. I can't determine if it's because of the rain or from my tears.
"Eve, my princess." She murmured as she touched my face. Her head was resting on my legs. I wanted to hug her and pull her close. I wanted to murmur against her ears that everything will be okay.
But what's the point? Nothing is okay. Nothing will ever be okay.
"Remember Eve, no one should know that I'm your mother. I'm afraid he will hunt you."
"Who is he?" But she ignored my question.
"Make me proud, my daughter. Make me proud."
"Don't talk to me like that Ma. Don't talk to me like you're bidding a goodbye." Mas-inilapit ko pa ang kaniyang katawan sa akin. Namantsahan ng dugo ang aking damit ng mga dugo ni Mama. Nakaupo ako habang siya ay nakahiga sa damuhan.
"Someday, you will also be a pier agent like me."
"Opo Ma. At gusto ko na sa tabi ko kayo kapag nangyari na yun. Ma, please. Dito ka muna." Binigyan niya lang ako nang malungkot na ngiti.
"Patawarin mo ako anak hindi ko napagbigyan ang hiling mo na makita mo ang Papa mo. Sinubukan ko Anak. Pero hindi man lang kita napagbigyan."
"I don't care about him now Ma. Tell me, sino ang gumawa nito sa'yo? Ipaghihiganti kita sa kanila."
"Wag kang magtatanim ng sama ng loob Eve. Hindi maganda yan." Nagsimula na siyang umubo at kitang kita ko kung paano umagos ang dugo mula sa kaniyang bibig. Hindi niya na kailangang sabihin sa akin kung sino ang pumatay sa kaniya dahil alam ko na. Walang ibang gagawa nito sa isang pier agent kung hindi ang mga halimaw na Tenebrous.
"I never regret.. that I gave birth.. to you Eve."
"Mama, please. Stay. Please." Hinalikan ko ang palad niya na nasa aking pisngi kasabay nang pag-agos ng mga luha ko. Alam ko na kahit anong pakiusap pa ang gawin ko ay hindi na rin niya ko papakinggan. Kahit magmakaawa ako at lumuhod sa harapan niya ay iiwan pa rin niya ko.
"Never trust a Tenebrous Eve. Never trust anyone from them." Iyon ang huli niyang mga salita bago siya mawalan ng hininga. Tuluyan nang bumagsak ang kaniyang kamay sa kaniyang gilid. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa mamaos ako. Umiyak ako hanggang sa wala ng luha na gustong pumatak. Nagalit ako sa ulan, nagalit ako sa mga ulap. Niyuyugyog ko ang katawan ni Mama at pilit siyang ginigising. Nagmamakaawa na bumalik siya. Nakikiusap na manatili pa rin siya sa tabi ko.Ngunit walang nangyari.
I was left there alone. Soaking wet under the pouring rain. That's the last time I cried. That's the last time I let myself be vulnerable and weak.
~~
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at binalot ko ng kumot ang aking katawan na para bang mabibigyan ako nito ng proteksyon laban sa masamang panaginip ko.
At tignan mo nga naman, nandito ako sa teritoryo ng mga taong pumatay kay Mama at balak din nilang gawin sa akin ang ginawa nila sa kaniya.
Napabangon ako sa kama nang may mapagtanto ako. Teka, bakit ako nandito? Sa pagkakaalam ko ay nakatulog ako sa sahig. Sinong nagbuhat sa akin papunta dito?
Bumaba ako ng kama at pumasok sa bathroom. Wala na rin ang mga bubog doon. Siguro may Tenebrous na naglinis habang natutulog ako. Napatingin din ako doon sa binatana na binasag ko. Madilim na ang kalangitan at punong puno ng mga bituin.
Narinig kong bumukas ang pinto ng aking silid kaya lumabas agad ako ng bathroom. Pumasok sa kwarto yung lalaking naghiwa ng buhok ko. Ano nga ba ang pangalan niya? Arthur yata.
"Hey Oldie Arthur, what's my food tonight?" Bigla na lang niyang binato sa akin ang kutsilyo pero ngayon ay masmabilis na ko kaya nakailag ako. Tumama ang kutsilyo sa dingding na nasa likuran ko.
"I told you, respect the elders. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano gumalang sa nakatatanda?"
"You know nothing about my mom." Matigas kong sabi na nakapagpatahimik sa kaniya. Nawala na ko sa mood na makipag-lokohan sa kaniya kaya umupo na lang ako sa upuan at kinain yung pagkain na nasa lamesa.
Ang sarap ng pagkain ko pero hindi ko ito magawang maenjoy. I know Arthur doesn't mean to insult my mom but I'm so emotional right now I feel so offended.
"I'm sorry." Paghingi niya ng paumanhin at nagulat ako sa ginawa niya. A Tenebrous asking for apology? That's odd.
"Whatever Oldie. Get lost."
I'm waiting for him to throw a knife at me again. But it didn't come.
"Do you really know Faith Bautista?" Tanong niya at nilingon ko siya.
"Seriously, what's with you and Faith Bautista?"
"Just answer my question, little agent." Huh. Siya ang may kailangan tas siya pa ang may ganang magdemand? Bahala siya.
"I'm eating. You may go." Yun lang ang tanging sagot ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Naiwan na naman akong mag-isa dito sa aking kulungan. Ganoon naman palagi.
At the end of the day, I always end up being alone.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
