Sake wa honshin wo arawasu.
Alcohol reveals true feelings.
-Japanese Proverb
Chapter 14
"Masaya po ako na nakarating ka, Asad." Sabi nung lalaking ikakasal habang nakayuko pa rin siya.
"Congratulations, Uro." Nilagpasan ako ni Radimir at pinuntahan yung lalaking ikakasal. Hindi niya ako nakilala. Hindi ko napagtanto na pinipigilan ko pala ang paghinga ko at nakahinga lang ako nang lagpasan niya na ko. Buti na lang at pinilit akong mag wig ni Yvonne at tinapalan niya ng pagkakapal kapal na make up ang mukha ko.
"Oh nandito na ang Asad! Party na ulit tayo guys!" Sigaw nung isa sa mga kasama nila. Muling tumugtog yung malakas na musika at bumalik yung mga ilaw na iba't iba ang kulay. Masyado na akong nahihilo sa mga ilaw, sa lakas ng tugtugin at sa alak na ininom ko kanina. Sumayaw na lang ako para hindi sila maghinala. Bigla akong naconscious. Ayokong makita ako ni Radimir na ganito ang suot at ganito kumilos. Parang kanina lang wala akong pakialam sa iniisip ng iba ah. Anong nangyari?
Naramdaman kong may kamay na humawak sa aking bewang at sinabayan ako sa pagsayaw. Inangat ko ang tingin ko para sana itaboy yung lalaki pero nanigas ako nang makita ko kung sino siya.
Does being near to him always feel like this? Always feel like I'm a moth playing with fire? He's bright, warm, fierce and... dangerous.
And I'm the stupid moth who can't help myself be drawn to his light.
"You look familiar. Have we met before?" Tanong niya sa'kin at bigla akong binalot ng kaba. Tinignan ko yung mga kasama ko para sana humingi ng tulong pero nakikipagflirt na sila sa mga kasama nila. Nakakahiya! Ako pa man din yung leader ng misyon na ito tapos ako pa yung walang makukuhang impormasyon?
"No. This is the first time we met." Pinilit kong ngumiti kay Radimir at ipinatong ko ang mga braso ko sa balikat niya. "But I've been dreaming of you all night, baby."
Tumawa si Radimir sa panunukso ko. Hindi ko pinahalatang muntikan na akong masuka sa mga pinagsasasabi ko sa kaniya. I can still feel his warm hands on my hips. And I feel what? Aware? Conscious?
"But I swear, you're really familiar darling. You remind me of---"
"Shhh." I put my forefinger on his lips. No. Don't state my name. Ayoko nang gumawa ng bagong kapalpakan nang dahil sa'yo.
"I want some drink. Can you get me some?" Inalis ko na ang daliri ko sa labi niya.
"Sure. Come." Inalalayan niya ako papunta sa counter. Sa peripheral vision ko ay nakita kong lasing na ang mga kasamang lalaki nung tatlong agents. Yung isa ay nanghihingi na ng impormasyon. Ako na lang ang wala pang nagagawa. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Queen Callisha at Agent Damien? Ang taas ng expectations nila sa'kin. Hindi ko sila kayang biguin.
Nilapag ni Rad ang bote sa counter at dalawang baso.
"Cheers?"
"Cheers!"
Ininom namin yung alak at mukhang maling idea ito. Hindi ako sanay uminom at masmauuna pa yata akong malalasing kaysa kay Radimir. Tsaka kanina pa ako umiinom. Kailangan kong mag-iba ng plano.
Hinila ako ni Rad papalapit sa kaniya at muntikan na akong matumba. Pag-angat ko ng tingin ko, labi agad niya ang nakita ko. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
"Namumula ka. You hate alcohol?" Tanong niya sa tainga ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Naalala ko yung tableta na binigay sa akin kanina ni Shiela. Gagawin ko ba to? Kailangan ko ba talaga tong gawin?
"I don't like the brand, baby. Pwede mo ba akong kuhanan ng iba?" Tanong ko sa kaniya at nginitian ko siya.
"Sure."
Umalis na siya at kumuha ng bagong bote ng alak. Agad kong inilagay yung maliit na tableta sa bibig ko. Bumalik siya sa tabi ko at may dala na siyang bagong alak. Kinakabahan ako. Nanginginig ang mga dulo ng daliri ko. Hinarap ko siya at tinitigan sa mata.
A kiss won't hurt right? Just a kiss.
And one more thing, this is just a task. An assignment. No emotion involved.
And besides, he didn't know that I was Eve. He thought that I am just some random girl in this room.
"Cheers?" He smiled at me. White teeth flashing. Hindi ko pa iniinom yung alak na inaalok niya pero nalalasing na ako sa kaniya. Siya yung tipo ng bawal na masarap subukan. Siya yung tipo na alam mong mali pero ginagawa mo pa rin.
I grabbed his shirt and pulled him against me. His lips touch mine and an electric shock exploded in my body. I feel his warm hands cupped my cheeks. His kisses.. I've never been kissed like this before.
His kisses are the kind of kisses poets write poems about.
I slide the tablet in his mouth. And still.. I continue kissing him. His kisses are addictive. He IS addictive.
"Eva.." He murmured between our kisses.
"Eva.." And it takes me a few seconds for his words to finally sink in. Eva. He knew? How did he know?
Agad ko siyang itinulak papalayo sa akin. I can still feel his lips on mine even if we're apart now. Is this a trap? Paano niya ko nakilala?
"Eva don't--- Oh! I'm sorry darling. I don't mean to say other woman's name. I'm sorry darling." Muli siyang lumapit sa akin at ngumiti. Ibig sabihin ba nun ay hindi niya talaga alam na ako si Eve? Binanggit niya lang ang pangalan ko unconsciously? Pero bakit?
Nagiging unfocus na ang mga mata niya at halatang gumana na yung tableta na nilagay ko sa bibig niya. Muntikan na siyang matumba ngunit nasalo ko siya. His body weight pressed against mine.
"Radimir. Answer my questions." Tumango siya ngunit hindi niya na magawang magsalita dahil malapit na siyang bumigay at makakatulog na yata. Not yet Radimir. Not yet.
"Ano ang plinaplano niyong mga Tenebrous?"
"We're planning to give the Safronov Queen a gift. On her birthday." Sa birthday ni Queen Callisha? Sa August 15.
"What will you give her?" Alam ko na kung ano man ang regalo na tinutukoy ni Rad ay hindi ito magugustuhan ng Safronov.
"An agent. A dead Safronov agent." Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Ngayon ko napatunayan kung gaano karahas at kasahol ang mga Tenebrous. Naalala ko rin ang nakaraang birthday ni Queen Callisha. Kung paano siya niregaluhan ng bomba ng mga Tenebrous. At muntikan nang sumabog ang buong palasyo. And now they are planning to give her a dead body of her agent.
"What do you mean? How will you do that?" Tumingin ako sa paligid at sinugurado kong walang nakikinig sa usapan naming dalawa.
"We will kill one Safronov agent on August 15. An agent that is precious to Queen Callisha. One that will make the queen mourn and cry." Kumabog ang dibdib ko. I don't want to give conclusions pero sa tingin ko ay si Damien ang tinutukoy niya. Malapit na siyang makatulog at mukhang hindi niya na yata masasagot ang mga susunod ko pang tanong. No. Not yet Radimir.
"Sino ang papatay sa agent na iyon?" I have an idea but I don't want to believe it. And I knew what will be his next words even before he say it. I knew.
"I will. I will be the one to kill that agent."
"One last question Rad. Sino ang agent na papatayin mo?" Tinitigan lang ako ni Radimir gamit ang mga mata niyang antok na antok na.
"Answer my question Rad. Sino ang agent na binabalak niyong patayin?" I need to know. I need to protect that agent. Hindi ko hahayaang may gawing masama sa kaniya ang mga Tenebrous.
"Her name is.." Her. Babaeng agent ang tinutukoy niya. Mali rin pala ang akala ko na si Damien ang puntirya nila.
"What is her name Radimir? Answer me."
"Eve. Her name is Eve Williams."
"No. You're kidding."
"I'm not kidding. Our king asked me to do it. He asked me to kill Eve Williams. I will be the one to kill her."
BINABASA MO ANG
Held Captive
AkcjaHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
