Beginning is easy - continuing is hard.
-Japanese Proverb
Chapter 43
Hindi ako makatingin sa reyna. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya.
"You know we are not in good terms with the Tenebrous. How could you do such a rebellious act?" Pinagpapawisan ang mga palad ko. Bakit ba kung makaasta ako ay parang guilty ako? It's not as if I have a relationship with Rad.
"Alam mo kung sino ka. Marami akong mga mata. Alam kong may relasyon ka sa isa sa mga Tenebrous. Binibigyan kita ng pagkakataon para umamin." Hindi ko pa nakita si Queen Callisha na magalit nang ganito. She's not the usual sweet and kind Queen Callisha right now. Kapag Safronov na ang natatapakan, wala na siyang sinasanto.
"Wala talagang aamin? Kung sino man ang traydor na yun, binibigyan kita ng tyansang magpaliwanag. Huwag mong ubusin ang pasensya ko." She is talking to no one in particular. Pinunas ko ang aking pawisang kamay sa aking damit at inadjust ko ang posisyon ko sa pag-upo. Binibigyan na ko ng reyna ng tyansa na makapagpaliwanag. Kailangan ko nang umamin, diba?
"Binibigyan ko ang traydor ng tatlong segundo para umamin." Umupo na ang reyna at tinap niya ang kaniyang daliri sa lamesa.
"1.." Sinimulan na nga ng reyna ang pagbibilang. Huminga ako nang malalim. Aamin na ba ako? Pero wala naman kaming relasyon ni Radimir.
"2.." Tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mukha. Get this done, Eve. Tell them you're innocent and get this done!
"3." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humarap ako sa reyna.
"I've commited the sin! I fell in love with a Tenebrous. Trinaydor ko ang Safronov. Patawarin niyo po ako mahal na reyna. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po napigilan ang sarili ko. Pero gusto ko pong malaman niyo na wala akong pinagsisisihan. Masaya po ako sa ginawa ko."
Lahat ng mga agents ay tulala at gulat na gulat. Hindi sila makapaniwalang may nagtraydor sa Safronov nang dahil sa isang Tenebrous.
At maski ako ay nagulat din. Dahil bago pa ako makapagsalita ay tumayo na si Agent Shiela at sinabi niya ang mga salitang iyon. Kung ganoon ay hindi talaga ako ang tinutukoy ng reyna.
"I never thought you can betray us, Shiela." Walang emosyon si Queen Callisha pero alam kong sa loob loob niya ay nasasaktan siya. Mahal na mahal niya ang mga agents niya. Hindi man niya ipakita sa amin ay alam kong nahihirapan siya ngayon.
"I'm sorry your majesty." Umiiyak na ngayon si Shiela. Hindi ko siya kayang tignan. Naaawa ako sa kaniya at hindi mawala sa isip ko na kung hindi ko pa nalamang niloloko ako ni Rad ay malamang ako ang nasa posisyon niya ngayon.
"Tell me Shiela, gaano na kayo katagal ng Tenebrous na iyon?"
"Dalawang buwan na po kamahalan."
"May mga pinapagawa ba siya sa'yo na maaaring ikasira ng Safronov? Inuutusan ka ba niyang magmanman sa amin? Ikaw ba ang nagnanakaw ng mga nawawalang dokumento sa palasyo?"
"Kamahalan.." Hindi sinagot ni Shiela ang mga tanong ng reyna bagkus ay patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Don't cry on me! I need your answer!" Hinampas nang marahas ni Queen Callisha ang kaniyang lamesa.
"Yes Queen Callisha. Sinunod ko po lahat ng mga inutos niya sa akin." Napaiyak na rin si Agent Lian dahil sa aming lahat ay kay Shiela siya pinakamalapit. Tinitignan niya si Shiela ngayon na para bang trinaydor siya nito. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng kaniyang kaibigan.
"And why did you obey him?" Hindi makapaniwalang tanong ni Queen Callisha.
"Because I love him. And I don't regret my decisions." Gusto kong sapakin si Shiela sa mga oras na to. Hindi niya ba naisip na ginagamit lang siya ng Tenebrous na yun? Dahil obvious naman na pinaglalaruan lang siya. Ginamit lang siya katulad nang panggagamit sa akin ni Radimir.
Yumukom ang palad ng reyna at muli siyang tumayo. Napapansin ko ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa kaniyang mga mata pero pinipigilan niya ito. Gusto niyang maging matatag sa harapan namin. "Gather all the people of Safronov in front of Citadel. And I want the traitor," Humarap siya kay Shiela. "to be there."
Dire-diretso na siyang lumabas ng headquarters. Walang nagsasalita sa aming lahat. Hindi namin alam ang sasabihin. Tanging ang paghikbi lang nina Lian at Shiela ang naririnig.
"Safronovs, proceed in front of the Citadel now!" Maotoridad na utos ni Damien at lumabas na siya ng pinto na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Shiela.
They consider her as traitor now. Her fate would be like those prisoners in Citadel. I never thought falling in love with a man could be this dangerous.
~~
Lahat ng mga Safronov ay nandito ngayon sa harap ng Citadel. Sa aming harapan ay nandoon si Shiela, Agent Damien, Queen Callisha at ang mga iba pang importanteng tao sa Safronov. Punong puno ng bulungan ang mga nagkukumpulang tao. Wala kaming ideya kung ano ang mangyayari sa kaniya.
Kinuha ni Agent Damien ang microphone sa podium at nagsalita. "Silence."
Lahat kami tumahimik. Kahit paghinga ko ay naririnig ko sa sobrang tahimik. "This morning, a traitor has been found in one of the Safronov agents."
Maslumakas ang bulung-bulungan. Kaming mga agents na nakakaalam na ng kwento ay tahimik lang. Yung mga body guards at iba pang tauhan ng Safronov ay nagtatanungan kung anong nangyayari.
"Shiela Olarte, one of the Safronov agents, is accused of treachery. She has done deceptive actions that is considered as betrayal of trust for the whole Safronov. Shiela Olarte, please step forward." Nakayukong humakbang paharap sa amin si Shiela. Nasa likuran niya sina Queen Callisha at ang mga importanteng tao sa Safronov. Habang nasa harapan niya ang mga nagkukumpulang tao, kasama na kami doon. Maslumakas pa ang bulungan ng mga tao. Hindi sila makapaniwalang nagtraydor sa amin si Shiela.
"She is committed to a Tenebrous." Maslalong lumakas ang mga bulung-bulungan. Gusto kong pumunta sa harap at ilayo si Shiela sa mga mapanghusgang mga tao. Gusto ko siyang ipagtanggol pero wala akong magawa. Halata sa pagyuko niya na hiyang hiya siya.
"She became a spy against the Safronov and she even stole some important documents in the palace." Napadako ang aking paningin sa reyna na kanina pa walang imik. She's putting a brave face. But I can see the tears swelling in her eyes. I can see the marks in her face that are signs of sleepless nights.
It's obvious that she's tired inside, but she's trying to be strong in front of her people.
I know this because I can see the same expression whenever I look at the mirror.
"And now we're here to witness the punishment of the traitor." Umalis si Agent Damien sa podium at si Queen Callisha naman ang pumunta sa posisyon niya.
"Because of the treachery that Shiela Olarte had done," Queen Callisha cleared her throat before continuing. It's obvious that she's resisting the urge to cry in front of her people. "She will be denied as a Safronov agent. She will be sentenced to reclusion perpetua."
Nanghina ang mga tuhod ko. Reclusion perpetua means lifetime imprisonment! Shiela will spend her life in Citadel just because he was fooled by a man of Tenebrous. I couldn't believe it!
"Leo, I'm giving you the permision to unmark her." Pumunta sa tabi ni Shiela ang head ng security sa Safronov na may dalang kutsilyo. I felt my knees trembling. They will unmark her! She will be like Faith Bautista!
Kitang kita ng mga mata ko ang paglapat ng kutsilyo ni Leo sa tattoo ni Shiela. Napasigaw si Shiela. Alam kong hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa itinakwil na siya ng agency. Hindi na siya isa sa amin. Hindi na siya kailanman magiging parte ng Safronov.
Ngunit hindi ko rin masisisi ang desisyong ginawa ng reyna. Nagtraydor si Shiela sa amin. Hindi lang siya nakipagrelasyon sa isang Tenebrous bagkus ay gumawa pa siya ng mga bagay para malaglag kami. Hindi nakuntento si Leo sa isang hiwa lang kaya paulit-ulit niyang sinugatan ang tattoo ni Shiela hanggang sa hindi mo na makilala ang pigura ng tattoo niya.
"I now declared Shiela Olarte as, unmarked." As she said those words, the queen failed to prevent her tears from falling down her cheeks.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AksiyonHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
