Chapter 55-The Trap

1.5K 45 27
                                        

The heavier the head of rice, the deeper it bows.

-Japanese Proverb

Chapter 55

Well, I thought it's a trap.

Pero nalaglag talaga ako sa sahig. Sumama ang lubid sa pagkalaglag ko. Hindi pala talaga siya nakatali sa dingding. Nakadikit lang. kaya sa oras na malaglag ako, malalaglag din yung tali kasama ko.

Inangat ko ang aking paningin at nakita kong hindi tumalon yung dalawang agents na kasama ko. Hindi sila nagtiwala sa aming reyna.

"Wow! Congrats Agent Eve and Agent Jackson."

Hinanap ko si Jackson. Nakahiga na rin siya sa sahig ngayon. Tumalon din siya kanina. Mukhang kakalabanin pa yata niya ako hah.

Tumayo na kami ni Jackson at lumabas yung dalawang agents dito sa training room.

"Eve and Jackson I'm giving you five minutes to rest before the final stage."

"Thank you Queen Callisha."

Bumalik na ang reyna sa kaniyang upuan. Nakangiti kong hinarap si Jackson.

"So, are you ready to lose?" Mayabang kong tanong na tinawanan lang niya.

"I'm not ready to lose but I'm willing to give up the position."

"What? I don't get it." Sumeryoso ang mukha ni Jackson.

"I'm making you a deal. Susuko na ko sa susunod na stage. I'm giving you the position of being a pier agent in exchange of something." He paused. "Be my girlfriend."

"Excuse me?"

"Be my girlfriend Eve. And I will not fight you anymore. Ibibigay ko na sa'yo ang posisyon. This is your dream right? To be a pier agent. Eto binibigay ko na sa'yo. Basta't pumayag ka lang sa kondisyon. As easy as that Eve. Just be my girlfriend." Kinuyom ko ang palad ko para pigilan ang galit ko. Ano siya? Hilo? Akala niya ba hindi ko kayang kunin ang posisyon dahil mananalo siya laban sa akin? Kung wala lang dito ang reyna ay kanina ko pa siya sinuntok sa mukha.

"I will be a pier agent because I will win over you, not because of some stupid deals. Ang swerte mo naman yata. Akala mo ba makukuha mo ako ng ganun-ganun lang? Kung ibang babae siguro, oo. Pero ako, hindi."

Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na lumabas ng training room. Nakakainsulto lang! Nakakainis! Ang sarap niyang ipalapa sa leon!

Hindi ko tuloy mapigilan na ikumpara siya kay Radimir. Ilang sakripisyo na ba ang nagawa ni Rad para sa'kin pero ni minsan ay hindi siya humingi ng kapalit. He never asked anything in return. He just did actions for my benefit.

Dinala ako ng aking mga paa sa harap ng larawan ni Mama sa headquarters. Despite Jackson's insult, I smiled at her picture. Ma, eto na. Magiging pier agent na ko. Ako naman ngayon ang tutupad sa hiling mo.

Nawala agad yung ngiti ko nung lumapit sa akin si Jackson.

"Hey Eve. I'm sorry. I don't mean to insult you. Gustong gusto lang talaga kita. At handa kong gawin lahat para makuha ka. Look, I'm sorry for liking you too much. I just can't help it." I gave him a sidelong glance. He looks sincere and I have so much hatred in my heart. I don't need another baggage.

"Sorry rin Jack. But please never do it again. You know I hate it when others underestimate me. And I hate it more when you think I will give you my heart just for a position. I'm not that kind of girl."

"I know. I know. I'm sorry."

"But let's forget it. Sorry rin at nasungitan kita."

"So okay na tayo?" Gusto kong matawa sa ekspresyon ngayon ni Jackson. Paawa eh.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon