When you're thirsty it's too late to think about digging a well.
-Japanese Proverb
Chapter 47
Napagtanto ko na hindi baril yung hawak hawak nila. Mukha lang itong baril pero kung titignan mo nang masmalapit, ibang armas ito. At hindi pa ko nakakita ng ganoong klase ng armas dati.
Jackson and I are standing back to back. He is still holding the documents with his shaking hands.
"Jack, Ako na ang bahalang kumalaban sa kanila. Basta't gumawa ka ng paraan para makalabas ka at mabigay mo ang mga dokumento kay Queen Callisha." Nilabas ko na ang aking baril at tinandaan ang posisyon ng bawat kalaban.
"No Eve. Ako ang lalaki dito. Ikaw ang magdeliver ng mga documents kay Queen Callisha. Ako ang makikipaglaban sa kanila." I know Jackson is just being a gentleman but I can't help but feel offended. And so what if I'm a girl? Does he think I'm weak? Does he think he's a better fighter than me just because he's a man?
"I don't care if you produce sperm cells Jack. Walang lalaki at babae sa pakikipaglaban. Masmabilis kang tumakbo kaysa sa akin kaya masmalaki ang tyansa na magtagumpay tayo kung ikaw ang tatakas."
"But Eve—"
"No buts."
"Tapos na ba kayong magsatsatan diyan?" Tanong nung isang lalaki sa amin.Lumakad siya hanggang sa nasa harapan ko na siya. "Akin na ang mga dokumento."
Itinutok niya sa akin ang kaniyang armas. Ngunit sinipa ko ang kaniyang kamay dahilan kaya nabitawan niya yung armas. Binaril ko siya at ginawa kong panangga ang kaniyang katawan. Binabaril na rin kami ng mga kasamahan niya. Nagtago si Jackson sa mga nagkukumpulang dokumento. Binabaril ko yung mga kalaban habang ginagawa kong shield yung katawan nung lalaki.
"Jackson, use the back door to escape! Proprotektahan kita sa mga kalaban!"
"Pero Eve, hindi kita pwedeng iwan dito." Gusto ko nang sapakin si Jackson sa sobrang tigas ng ulo. Patuloy ko pa ring binabaril yung mga kaaway. Naglakad ako papunta sa lokasyon ni Jackson na hinaharang ko pa rin yung katawan. Hindi bala yung lumalabas sa mga baril nila kundi injection. Sa bawat pagtusok ng mga injections sa katawan na pinanghaharang ko ay tumitigas ito at parang napa-paralyze.
"Ngayon bilisan mo Jackson, tumakbo ka na palabas sa backdoor at haharangan ko lahat ng tira nila."
"Eve paano ka?" Pinapaputukan din ni Jackson ang mga kaaway gamit ang kaniyang kanang kamay. Yung kaliwa ang naghahawak sa mga dokumento.
"Always remember Jack. Safronov first. Ourselves last. NOW GO!" Kahit ayaw niyang umalis ay tumakbo na rin siya palabas. Binabaril ko lahat nang makikita kong aatake sa kaniya. Nasa likuran lang niya ko habang sinisipa niya yung back door na nilock. May injection na lumipad papunta sa kaniya pero sinangga ko ito at natamaan ang balikat ko.
"Run now Jack!" Sigaw ko sa kaniya nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Hindi ko siya nilingon pero naririnig ko na ang mga hakbang niya na papalayo sa storage house. Nararamdaman ko na ang pamamanhid ng balikat ko pero hindi ko ito ininda. Patuloy pa rin ako sa pagbaril ng mga kaaway para hindi na nila masundan si Jackson. Sa bawat isang kalaban na mapapatumba ko ay parang nadadagdagan ng dalawa.
Punong puno na ng injections ang panangga ko at mabigat na. Nilaglag ko na siya sa sahig at kumuha ng bagong katawan. Ginawa ko na naman itong panangga habang binabaril ko ang mga kaaway. May isang injection na naman ang tumusok sa aking braso. Bigla itong namanhid at hindi na makagalaw. Nabitawan ko yung katawan na ginawa kong panangga. Kinuha yung oportunidad ng mga kaaway para barilin ako. Pilit akong umiwas at nagtago sa kumpulan ng mga dokumento. Pero meron na namang injection na tumurok sa aking binti. Namanhid ito at hindi ko na magalaw.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
