Saru mo ki kara ochiru.
Even monkeys fall from trees.
-Japanese Proverb
Chapter 2
Pagkauwi ko ng bahay, lahat ay nakaorganize. Walang kalat. Walang kahit na anumang kamalian.
I want everything to be perfect and organize.
Simple lang din ang disenyo ng bahay, ayoko nang nakakakuha ng atensyon. I want to be invisible in everyone's eyes.
That's what my mother taught me.
Notice everything, but don't let anyone notice you.
Nag-ayos na ako at naghanda na para maging delivery girl.
I always follow the rules. I'm always responsible but right now, I am neither.
Binuksan ko yung note at binasa kung ano ang nakalagay doon.
Wednesday. Lieutenant Lighthouse. 8:00pm. Safronov Necklace.
Bawal basahin ang note na hindi naman para sa'yo at pinapabigay lang. I've never been stubborn all my life.. except now. Hindi ko talaga aakalaing magpapadeliver lang ang reyna sa akin ng isang sulat.
I'm Eve Williams! I kick butts! I punch faces! I shoot bullets!
Napahinga ako nang marahas. Wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang sumunod.
I changed my shirt into a sando top.
Iyon ang sinusuot ng mga kababaihan ngayon at kung mag-ti-Tshirt ako, makakakuha ako ng atensyon. At iyon ang pinakaayaw ko sa lahat.
Ngunit nakikita ang aking tattoo. And so what? Ang boring ng pinapagawa sa'kin. Bakit hindi natin dagdagan ng adventure diba?
This is so NOT me. I'm a responsible one!
But right now I don't care. I went outside the house.. entering the coffee shop, revealing my tattoo.
~~
Pagkapasok ko ng coffee shop halos lahat ng mga mata ay tumingin sa akin.
May dumi ba ko sa mukha? Hindi rin naman mali ang suot ko. Yumuko ako para hindi nila makita ang aking mukha. Hindi ako kumportable sa atensyon na nakukuha ko.
Ano na nga ba kasi ang sinabi ni Queen Callisha? Ang natatandaan ko lang ay nakablack daw yung messenger.
So I roam my eyes, searching the place. Hanggang sa mapako ang paningin ko sa isang lalaki.
Nakakatakot siyang tumitig. Yung titig na parang anytime ay kaya kaniyang patayin. Hindi yung titig na Hey girl, you're beautiful. Let's date sometimes. Kundi yung titig na Hey girl. You're dead. Congratulations!
Luminga-linga pa ako sa buong coffee shop ngunit ang lalaking iyon lang ang nakacolor black. Muling ko siyang tinignan at nakatingin pa rin siya sa'kin na para bang nakikilala niya ko.
So from then alam ko na siya yung messenger na tinutukoy ni Queen Callisha.
Nagsimula akong maglakad sa direksyon niya na hindi ko pa rin inaalis ang titig sa mga mata niya. He's too wonderful to be just a messenger. Masyadong nakakatakot ang aura niya para maging 'messenger' lang.
Sabagay, kung si Queen Callisha ay dalawang taon nang nakaupo sa trono at 20 years old palang siya ngayon. Reyna siya ngunit hindi siya mukhang reyna. Mukha siyang teenager. Hindi rin malayo na may mga messenger na hindi mukhang messenger. This man looks too wonderful.. too dangerous.
Naupo ako sa upuan na katapat nung lalaki. May lamesa sa pagitan naming dalawa. Mukhang nagulat siya sa ginawa kong pag-upo.
"I want to sit. Got a problem with that?" I asked.
"None." He gave me his boyish smile. "Really, none."
I took out a deep breath and handed him the note. Muli siyang nagulat sa ginawa ko. Kanina pa ako nagtataka. Bakit ba nagugulat siya sa mga ginagawa kong aksyon? He's the messenger. Ano ba ang nakakagulat doon?
I'm so confused but I managed to mask it and remain calm.
Kinuha niya yung note at agad itong binasa. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at inagaw sa kaniya ang papel.
"What are you doing!?" Hininaan ko ang boses ko para hindi makagawa ng eksena. "You're a messenger! Wala kang karapatan basahin ang note na to! You supposed to just pass this sa kung sino mang tao ang inassign ni Queen Callisha!"
Sumandal lang siya sa kaniyang upuan na para bang nagrerelax. Na parang wala lang sa kaniya ang pagsuway sa utos at ang pangbabawal ko.
If I am out of my mind, iisipin ko na isa siyang Tenebrous at hindi Safronov.
Safronovs are organized, calm, and fair.
Samantalang kabaliktaran ang mga Tenebrous. They play dirty games. Messy. Rulebreakers.
"You know what Ms..?" Tumingin siya sa'kin na parang tinatanong kung ano ang pangalan ko.
"Eve." Tipid kong sagot.
"You know what Ms. Eva, becareful sometimes. You're too careless to be a Safronov." He said in his British accent.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Excuse me?"
"Sorry. I don't repeat my words."
Tumayo na siya at naglakad palabas ng coffee shop. I almost thought he's responsible dahil 30 minutes earlier na ko before the call time pero masnauna pa siya sa'kin dito. And look what he's doing right now. He's impossible!
"Hey dummy! You're supposed to deliver this note to who knows who! Kinakausap kita! Wag mo kong talikuran!"
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Only his head turned, not his body.
"You're brave and... stupid." He paused. "My kind of combination."
At bago pa ako makapagsalita ay lumabas na siya ng shop.
Wow.
So pinadala ba ako dito ni Queen Callisha dahil isang bastos at gwapo na messenger ang haharapin ko?
May mga mas-importante pa kong mga bagay na gagawin kaysa sa tumunganga dito.
Tatayo na sana ako nang biglang may lalaking umupo sa upuan ng messenger kanina.
"Sorry I'm late." Sabi niya nang nakatingin sa akin. My heart starts to pound.
This guy is wearing black long sleeves and black jeans.
Sana mali ang hinala ko.
Ngunit itinaas niya ang kaniyang sleeve revealing his Saronov tattoo.
A dartboard with a dart pierced on the bull's eye.
Sweat starts to drop from my face. My hands start to shake. My lips quivered.
No.
No.
Sa maling tao ko naipakita ang note.
I want an adventurous game. But not this kind of adventure.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AzioneHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...