"And I can kill you whenever I want, however I want." He smiled mischievously at me. "Sounds fair."
The realization of his words hit me like he had punched me. It has the same impact.
My life is placed in his hands. He will be the one to decide my death. Whether I will die with a knife stabbed in my chest or my body will be chopped using a chainsaw, it's up to him. He can kill me in any way he wishes.
"You're an animal Rad." I whispered harshly at him.
"Yes. A lion specifically." I stared at the lion infront of me. And I can't help but to imagine a child begging the killers to leave his parents alone. Alam ko na kahit gaano pa kabrutal at kasahol si Radimir ay mayroon pa rin siyang parte na nangungulila. This lion was once a cub. He was once a child.
"You're just alone and lonely Radimir. You're not really brave. You're a coward!" I shouted at him. One reason because I meant it. Another reason is to distract him. Nasa likuran na ni Radimir si Jackson at nakasalampa siya sa dining table. Nakaposisyon na siya para paluin si Radimir sa ulo.
"Coward." I lower my voice as I said those words. Kailangan kong makuha ang atensyon niya. Mukha ngang hindi niya napansin si Jackson sa kaniyang likuran. Bumwelo si Jackson. Itinaas niya na ang bakal sa ere at binababa niya na ito sa ulo ni Rad nang magsalita ang leon.
"You think you could trick me?" Akmang tatama na ang bakal sa ulo ni Rad nang masapo niya ito. Hindi pa rin niya binibitiwan ang titig niya sa akin. Gamit lang ang kaniyang kamay ay niyupi niya ang bakal.
Nanlaki ang mga mata ko. Ganoon din ang ekspresyon ni Jackson. Hindi kami makapaniwala. Tao ba talaga si Radimir? Yung totoo?
Hinarap na ni Radimir si Jackson at naglaban sila sa taas ng lamesa. Agad kong pinagbububuksan yung mga drawers dito sa kitchen. Dito ko tinago yung isa kong baril. Ilang minuto ko na hinahagilap yung baril ko pero puro mga kitchen utensils lang ang nandito sa drawers.
Sa peripheral vision ko ay nakita ko na ang marahas na pagbagsak ni Jackson sa sahig. Punong puno ng pasa at sugat ang buo niyang katawan. Humihinga pa rin siya pero hindi niya na magawang gumalaw. Masnataranta pa ko sa paghahalungkat ng mga drawers.
Radimir is done with Jackson. I'm his next target.
Ginulo-gulo ko na yung mga utensils sa paghahagilap ng baril ko. Nasaan na ba yun?
"Is this what you're looking for?"
Napatigil ako sa paghahanap sa mga drawers at tumingala ako kay Radimir na nakatayo pa rin sa taas ng lamesa. Pinapaikot niya ang aking baril sa kaniyang mga daliri.
I don't even have any idea how he got it. But what's new? Rad has his own way to get what he wants.
"Accept your defeat Eva. I overpower you. You cannot escape from me."
No. No. No. Gusto niyang sumuko na lang ako basta at sumama sa kaniya nang matiwasay sa palsyo ng Tenebrous. I will never accept a defeat without having a fight.
Hinawakan ko ang gilid ng lamesa na kinatatayuan niya at tinumba ko ito. Natumba din si Radimir at nadaganan siya ng lamesa. Napitpit siya sa pagitan ng sahig at ng lamesa kaya hindi siya makagalaw. Tumakbo ako palabas ng kusina. Ngunit bago pa ako makalaalis ng kusina ay naabot pa rin ng napitpit na Radimir ang isang upuan at binato niya ito sa aking direksyon. Natamaan ako at napahiga sa sahig.
Inipon ni Radimir ang lakas niya at sinipa ang lamesang nakadagan sa kaniya. Bigla akong nataranta kaya dinampot ko ang nayuping bakal sa tabi ko at agad akong tumayo para kalabanin si Radimir. Namamawis ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang bakal na niyupi niya kanina.
"You're wasting your energy Eva. Alam mo sa sarili mong madadala kita ngayon sa palasyo ng Tenebrous kahit ano pang klase ng pakikipaglaban ang gawin mo."
"I don't care. I will not give in to you without a fight."
"You ask for this." Matigas niyang sabi at napakabilis niyang kumilos. Kumurap lang ako ay napunta na agad siya sa harapan ko. Akmang hahampasin ko na sana ang bakal sa kaniya ngunit masmabilis siyang gumalaw kaysa sa akin. He caught my wrist. I tried to struggle against his hold but he's too strong. Gamit ang pagkakahawak niya sa aking wrist ay inikot niya ko patalikod sa kaniya. Nasa likuran ko na siya ngayon. Kinuha niya ang dalawa kong palapulsuhan at nilagay ang mga ito sa aking likuran. And now, he's holding me like a police arresting a criminal. The funny thing is, I look like the criminal and he looks like the police.
"You're under arrest."
"May I see the warrant of arrest?" I'm trying to distract him again. I'm thinking of ways on how to escape. I roam my eyes around my house. There should be a way out. Of course, there should be a way out.
"Oh, trying to escape me again? I won't let you go this time Eva. I won't." Gamit ang niyupi niyang bakal kanina ay ginawa niya itong posas. Muli niya itong niyupi at inikot sa aking wrists na para lang itong malambot na tali.
"Now let's go." Hinila ako ni Radimir palabas ng bahay. Sinulyapan ko pa sa huling pagkakataon si Jackson. He's lying helplessly on the ground. He is looking at me with full of concern. In his state, he is even more worried in me than in his own condition.
"Sorry." I mouthed at him as Rad drags me out of the door. I just hope Yvonne will come soon to help him.
Pinilit kong makawala sa pagkakaposas ko sa bakal na inikot ni Radimir sa aking mga kamay. Pero masyado itong matigas. Hello? Bakal kaya ito. Pero niyupi lang niya ito na hindi man lang siya pinagpapawisan.
Jeeez, and now there is no stopping the lion from holding me captive.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
