Chapter 68
Ipinark ko ang kotse ni Tanda sa bahay ko. Hindi ako pwedeng pumasok sa palasyo na may dugo ang cat suit.
Lumabas ako ng kotse at pumasok sa bahay. How I miss my home. My haven.
Naligo agad ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas agad ako dahil puro imahe ni Yvonne ang nakikita ko sa bawat sulok ng kwarto ko.
How I miss our sleep overs. How I miss the way we laughed over silly things. How I miss the times we watched movies on my bed until we fell asleep. Maybe if she was still here, she could make me laugh during my hard times. If she was still alive, she would tell me corny jokes until my frown turned into a smile.
Pero may magagawa pa ba ako? Wala na siya. Yung kaisa-isang taong nakakaintindi sa'kin, wala na. At kagagawan ito ng isang Tenebrous.
Bago pa ako maluha ay pumara na ko ng taxi papunta sa kung saan ko pinark ang aking McLaren baka mapahamak pa ko kapag nakita ng Safronov na ginamit ko ang kotse ni Tanda. Although, they don't have a list of cars owned by the Tenebrous, still, it's better to be sure.
Nakasakay na ako sa taxi nang tumawag sa akin si Tito Adan. Agad ko itong sinagot.
(Eve, where are you?) I cleared my throat. This is one of the hardest things to do. Lying to someone you love. Lying to someone who trusts you.
"Papunta na po sa palasyo Tito. Ahm, bakit po?"
(You better hurry up Anak. Nagkakagulo ngayon ang mga Morgan at Safronov. Nakatakas si Radimir Henderson.) I faked a gasp, pretending I was surprised by the news.
"Talaga po? Grabe! Paano naman siya nakatakas?" Kuwari ay wala talaga akong kaalam-alam sa mga nangyayari.
(Hindi namin alam Anak. Pero mag-iingat ka. Natatakot ako na baka ikaw ang bawian niya.)
"Huwag po kayong mag-alala Tito Adan. I can handle myself. Atsaka, pwede bang humingi ng favor Tito? Kung hindi po kayo busy." I bit my lip and pressed my fingers on my eyes. Kakatapos ko lang magsinungaling kay Tito Adan at eto na naman ako, iistorbohin siya.
(What is it baby Eve? You know I am never busy when it comes to you.) Paglalambing ni Tito Adan. Bigla akong napangiti. Even if I lost Yvonne, my mom, and even Radimir, Tito Adan will always be there. I will never lose him.
"May I talk to Faith Bautista again? Please? Kung hindi po ako nakakaistorbo sa mga ginagawa niyo."
(Hindi ka kailanman naging istorbo sa akin Anak. Sige, sa Biyernes ay makakausap mo agad siya.)
"Salamat Tito! I love you!"
(I love you too Anak.)
Pinatay na ni Tito ang tawag. Nang nandito na ko malapit sa aking McLaren ay bumaba na ako. Umalis na rin yung taxi pagkatapos kong magbayad. May ngiti sa aking labi na lumapit sa aking kotse ngunit mabilis iyong naglaho nang makita ang lalaking kanina pa yata naghihintay sa akin. Nakasandal siya sa aking McLaren at nakatingin sa hawla na wala ng laman.
"Kanina pa kita hinihintay Eve." Seryosong seryoso yung boses niya.
Nabalot ng kaba ang buong sistema ko. Mabagal akong naglakad palapit sa kaniya. Literal na naginginig ang mga binti ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko na halos pabulong.
"I should be the one asking you that. Bakit ka nandito Agent Eve? I thought you have a mission."
"It was cancelled."
"Kung ganun saan ka nanggaling?"
Huminga ako nang malalim. The cold wind was blowing my curly blonde hair. Like it's giving me a warning. Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng pag-uusap namin. At hindi ako handa. Buong buhay ko hindi ko naisip na kaya kong magtraydor sa Safronov.
"Get straight to the point Agent Damien."
Umalis na siya sa pagkakasandal niya sa aking McLaren at hinarap niya ko. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Lagi naman siyang ganito. Nakakatakot lagi ang aura niya at walang emosyon.
"The men of Morgan said that a girl in a cat suit and mask helped Radimir to escape. And at one point, Radimir called her name. And do you know what is the name he used to shout at her?"
Sweat prickled on my face. Of course I know the name. It's my name.
Damien's expression was hard as a stone. Nanliliit ako sa mga titig niya. Nang hindi ako sumagot ay siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong.
"Radimir Henderson called her EVE! Can you believe that! He called her EVE!"
Kunwari ay tumawa ako sa sinabi ni Damien. Hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako. "Agent Damien relax. Hindi lang ako ang nag-iisang Eve sa mundo. At malay ba natin kung tinawag lang ni Radimir ang babaeng iyon na Eve para ako ang mapagbintangan. Trinaydor ko siya. Natural lang na gugustuhin niyang makaganti sa'kin."
Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso at walang emosyon. Nang hindi siya sumagot ay tinuloy ko ang pagsasalita. "And all agents wore cat suits and masks when they fight."
Tumango-tango si Agent Damien sa paliwanag ko. "Yan din ang sinabi ko sa mga Morgan at mukhang pinaniwalaan naman nila."
Nakahinga ako nang maluwag. "I told you Dam—"
"Pero hindi mo ako ganun kadaling mapapaniwala Eve." Ang tigas ng tono niya. Nahihirapan akong huminga. Nangangatog ang aking mga binti. This is Damien Ozera! And no one messes with a Damien Ozera!
"Damien you're mistaken. Hindi ako—"
"SHUT UP! STOP WITH THE EXCUSES!" Natahimik agad ako. Wala sinuman sa matinong pag-iisip ang makikipagtalo sa isang mahusay na pier agent katulad niya. "You can fool them but you cannot fool me!"
"Agent Dam—"
"Eve, nasiraan ka na ba ng bait? Paano mo yun nagawa sa Safronov? Paano mo nagawang traydorin si Queen Callisha?"
I bit my lip and raised my head. I looked at the stars, hoping I could get answers from them. But all I receive was little lights in the darkness. All I receive was more unanswered questions.
"Sagutin mo ko Agent Eve!" Galit niyang sigaw pero kalmado lang akong nakatingala sa langit.
"Hindi ko rin alam ang sagot Damien. Hindi ko rin alam."
"I'm so disappointed with you."
Doon na ko napatingin sa kaniya. Binigyan ko siya nang pagod na ngiti. "You should be."
Pity crossed his facial features before he masked it once more. Napayuko ako dahil hindi ko na talaga kayang tignan ang mga mata niyang dismayado sa akin. At pagkatapos ng gabing ito, sigurado akong lahat na ng mga agents sa Safronov ay titignan ako kung paano ako tignan ni Damien ngayon.
I will be judged. I will be locked up in the Citadel.
"Keep this as a secret. Hindi ko sasabihin sa reyna ang ginawa mo. Pagbibigyan kita ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang nawala ang isang malaking bato na nakadagan sa akin at biglang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.
"Salamat Damien. Maraming salamat talaga."
Marahas siyang humiwalay sa pagkakayakap ko. Hindi pa rin nagbabago ang matigas niyang ekspresyon.
"Pero ngayon lang to Eve. Dahil pinapangako ko, kapag nilabanan mo ulit ang Safronov, hindi na kita papalagpasin. Pinagbigyan lang kita ngayon."
Tinalikuran niya na ko at naglakad na palayo. Pero nakakailang hakbang palang siya nang huminto siya at muli siyang lumingon sa aking direksyon.
"Remember agent, that the mark of Safronov is pierced on your own skin. It's your mission to protect the agency, not to cause destruction to it."
Iyon lamang ang sinabi niya at tuluyan na siyang umalis. I absentmindedly caressed my tattoo on my right upper arm. A dartboard with a dart pierced in the bull's eye.
He's right. I am a Safronov. And it's my duty to always put it on the top of my priority list. Always.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
